Ch. VIII, Prt. IV: Disconnection

462 5 0
                                    

Buhay na buhay ang opisina nina Angelo. Lahat tila nag-aaligaga sa kanilang mga trabaho. Di mo masabi kung nagmamadali sila dahil malapit na itong matapos, oh late na sa schedule. Si Mindy, ang boss nila na halos hindi lumalabas ng opisina nila, ay maya't-maya ang pag alis ng opisina. 

Sa kabilang dako naman, busy rin si Angelo noong mga panahon na yun. Naka-focus lang siya sa trabaho niya. Deadline na kasi mamaya ng mga pictures na pinakuha sa kanya para sa anniversary issue ng magazine nila. At nai-atas naman sa kanya ang pinaka-mahirap na shoot. Hindi ganun kadali, pero nakuha naman niya. Yun nga lang, napaka-alanganin ng oras na ito.

"Angelo, asan na yung pictures na naka-toka na kunin mo? Nung isang araw pa yun ah?" biglang tanong ni Mindy.

"Sorry, matatapos na to. Kaunting edit at polishing nalang." sagot naman ni Angelo. Lumapit naman rito si Mindy at tiningnan ang trabaho ni Angelo.

"Ano ba naman yan Angelo. Bat parang iba naman to sa mga nagawa mo dati ah? Ayusin mo yan. Napaka-sloppy ng trabaho mo nitong mga huling linggo. Hindi kita binigyan ng magandang raise sa sweldo mo dahil sa ganyang editing." sabi ni Mindy. Tahimik lang noon si Angelo habang pinapakinggan ang mga gustong mangyari in Mindy. "Baguhin mo yan. Extend ko ng tatlong oras pa ang trabaho mo." dagdag nito.

"Opo Ma'am. Sorry po." sagot naman ni Angelo. Tila kinilabutan naman si Mindy sa sagot niya. Wala na ang ngiti na makikita mo kay Angelo katulad noon. Hindi narin maganda ang estado ng trabaho niya.

"Hay nako naman, Angelo. Isang buwan na ang lumipas nung nag-break kayo. Pwede bang magpaka-lalake ka at ayusin mo trabaho mo?" sermon ni Mindy. Si Simon naman ni Josh ay tahimik lang na nakikinig sa kanya. "Please Angelo, ayusin mo na ang trabaho mo, ok? Sige na. Mag break ka muna." dagdag ni Mindy. Hindi agad tumayo itong si Angelo ng tiningnan na ni Mindy ang mga kaibigan niya. Pagkatapos noon ay umalis na ito.

Lumapit si Simon kay Angelo habang si Josh naman ay tumayo na, "Pre tara na." pag-aaya ni Josh. Ilang minuto pa ang lumipas ng tumayo na si Angelo, at umuna ng lumabas. Nagkatinginan naman ang dalawang kaibigan nito. Napahinga nalang ng malalim si Josh habang napakamot naman sa ulo niya si Simon ng sumunod narin sila kay Angelo.

Dumeretyo silang dalawa sa Cafeteria pero ng dumating sila doon ay wala siya. Agad silang bumaba at lumabas ng building at doon, nakita nila si Angelo. Nakaupo lang sa isang bench. 

"Pre." tawag ni Simon kay Angelo. Tumingin lang ito. Walang laman ang kanyang mga mata. Tila tulala lang. hindi nagsalita si Angelo at agad rin siyang bumalik ang tingin sa kalangitan. "Tara kumain na tayo." pag-aaya ni Simon. Pero wala parin.

"Angelo, gusto mo bumili nalang tayo sa 7/11? May malapit lang naman dito." sabi naman ni Josh, pero wala parin. nakikita ni Simon ang inis sa mukha ni Josh. Parang nagpipigil na lamang ito. 

"Angelo. It's been over a month now. Ano ba? Na-aapektuhan na trabaho mo niyan. Umayos ka naman." biglang sinabi nalang ni Josh kay Angelo. Pero wala, wala parin. Di parin natitinag si Angelo.

"Kelan ba kayo huling nag-usap?" biglang tanong ni Simon. Matagal ang lumipas na sandali bago sumagot si Angelo.

"Last month pa. Nung gabing yun sa cemetery." sagot nito. Nagkatinginan naman ang dalawa niyang kaibigan noong panahon na yun. "Pagkatapos noon, di ko na siya nakausap. Ilang beses ko narin siyang tinatawagan at pinupuntahan sa bahay nila. Pero ayaw talaga niya akong kausapin." tapos bigla siyang natawa at napatungo nalang. 

"Para akong tanga. Sinabi ko na sa kanya na mahal ko na siya. Pero nung gabi ring yun, iniwan na niya ako." dagdag nito.

"Ano bang sabi nya sayo?" tanong naman ni Simon.

"Gusto niya raw mapag-isa."

"Eh yun naman pala eh. Ibigay mo nalang ang space na kailangan niya Angelo. Bigyan mo lang siya ng oras."

"Pre isang buwan na oh! Pagod nakong maghintay! Kailangan ko ng malaman kung babalik pa siya oh hindi na! Ang sakit ng ganito, di mo kasi alam kung ano nararamdaman ko!" sigaw ni Angelo.

"Putang ina, eh pano nga namin malalaman eh mukmok ka ng mukmok diyan!" sigaw naman ni Josh pabalik. Lumapit siya rito, at hiniwakan nito si Angelo sa may kuwelyo at hinila, "Tingin mo gusto namin ni Simon na nakikita kang ganyan?! Puta, babae lang yan! Ang dami diyan!" nagalit doon si Angelo, bigla niyang tinulak si Josh, at sinuntok sa mukha. Napadapa naman si Josh at nagalit narin. Maya-maya pa ay sinuntok narin niya si Angelo pagkatapos pumaibabaw sa kanya at muling hinawakan sa kuwelyo.

"Putang ina Angelo ano ba?! Para kang bata! Gago ka! Naapektuhan na trabaho mo! Pero wala ka lang pakialam! Angelo alam mo bang ilan kaming nakadepende sa trabaho mo!"

"Josh tama na!" pag-awat ni Simon pero ayaw bumitaw ni Josh kay Angelo.

"Tang ina naman Angelo! Ayusin mo yang buhay mo! Ilang buwan lang kayong magkakilala pero kung maka-asta ka, taon ang pinagsamahan niyo! Madami pa diyan Angelo, gumising ka!"

"Wag mo siyang i-kumpara sa mga babae mo! Iba si Agatha! Hindi siya yung madaling mapikot lang katulad ng mga napipikot mo!" sigaw ni Angelo, nagulat si Josh sa sinabi nito at susuntukin na sana niya ulit ito ng biglang may humawak sa kanyang kamay. Nagulat dito si Josh at tiningnan niya kung sino ito, si Melissa pala.

"Tumayo kana diyan, Josh."

"Melissa..." 

Naiwan lang doon si Angelo, nakahiga parin sa semento. "Simon tullungan mo si Angelo." sambit nito habang pinapag-pagan at inaayos ang damit ni Josh. Tinulungan naman ni Simon si Angelo pero tinulak nito ang kamay niya at bumangon nalang mag-isa.

"Anong ginagawa mo dito?" biglang tanong ni Josh.

"Hihintayin sana kita matapos sa trabaho mo. May sasabihin kasi ako." sagot nito.

"Ano naman yun?" tanong niya agad.

"Tungkol kay Agatha." napatingin naman bigla si Angelo sa kanya.

"Anong tungkol kay Agatha? Bakit mo sa kanya sasabihin?" tanong ni Angelo. Napatingin naman sa kanya si Melissa habang si Josh naman ay may inis parin para sa kaibigan niya.

"Nag-file ng resignation si Agatha kanina lang. Di ko alam kung bakit, wala naman siyang binanggit sakin. Sabi ni Tita, pupunta muna siya sa mga pinsan niya sa London." sambit ni Melissa. Nagulat ang tatlo sa sinabi ni Melissa. Habang si Angelo, tila hindi alam kung papano ang gagawin sa mga oras na yun.



When I Saw YouUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum