Ch. VIII, Prt. V: The String rips

486 7 0
                                    

Bumilis ang tibok ng puso ni Angelo. Hindi niya alam ang gagawin niya. Nalilito na siya ng mga oras na yun para sa kanya, tila tumigil na ang oras. Ng narinig niya ang sinabi ni Melissa ay tila umikot ang mundo niya.

Tinitingnan lang ni Simon ang kaibigan niya. Kitang-kita sa mukha nito na parang nawawalan na siya ng oras, "T-t-teka bakit daw naman siya aalis?" biglang tanong ni Simon.

Napatingin naman si Josh kay Melissa habang siya naman ay napatungo, "Wala nga siyang nabanggit sakin. Ang tagal din naming hindi nakapagusap."

"Teka diba magkatrabaho naman kayo. Bakit naman ganun yang si Agatha?" sabi naman ni Josh.

"Bumalik siya sa dati. Ganyan din siya nung nawala na si Andrea. Oo magkasama kami sa trabaho, pero hindi niya ako kinikibo. Lumalayo pa nga eh." sagot naman ni Melissa.

Si Josh naman tila hindi alam ang gagawin at nagpatingin-tingin nalang sa paligid. Iniinda parin niya ang sakit sa mukha niya dahil sa suntok ng kaibigan niya. Nagkatinginan ng ilang sandali sila ni Simon at tila may gustong sabihin ang kaibigan niya. Tila naguusap sila ng tingin lang.

"Aaghhhh pambihira naman oh!" sigaw ni Josh tapos umalis siya papasok ng opisina nila.

"Teka Josh, san ka pupunta?!" pagtataka ni Melissa.

"Diyan ka lang, may gagawin lang ako! Samahan mo yang tarantadong yan!" sigaw ni Josh pagkatapos ay nawala na siya sa loob ng building.

Sa mga oras na yun ay si Simon naman at Melissa ang nagkatinginan. Tila hindi rin nila alam ang gagawin nila. Ang tanging nagagawa nalang ng dalawa ay ang bantayan ang tila naging bato na si Angelo.

"Uie Angelo. Mag-react ka naman oh, wala ka bang gagawin?" sambit ni Melissa habang kinukuha niya ang atensyon nito. Pero wala, nakatingin parin ito sa kawalan. "Para ka namang ewan Angelo eh! Gusto kita para sa kabigan ko pero sana naman maging mas-malakas ka sa kanya!" biglang sigaw ni Melissa.

"Ano tatayo ka lang ba diyan? Hahayaan mo lang ba na magpakalayo si Agatha? Angelo naman, sandali lang kayo nagkasama ni Agatha pero ang laki na ng naging puwang mo sa kanya. Hindi mo lang alam, pero sobrang laki ng naitulong mo sa kanya." dagdag nito. Pero wala parin reaksyon itong si Angelo. Naiinis na si Melissa sa mga oras na yun at nakikita ito ni Simon.

Ilang sandali ang lumipas sa paghihintay ng reaksyon mula kay Angelo. Pero sa sandaling yun, ay wala parin naging reaksyon ito sa halip ay nakatayo parin ito, at napatingin lang ng ilang sandali kay Melissa.

Maya-maya pa ay narinig ni Simon na may paparating na mabilis na sasakyan. Pinakinggan ni Simon kung saan nagmumula ang tunog at na-realize nalang niya na galing ito sa parking lot ng office nila. Tumigil ito sa harap nila at nagulat sila ng makita na si Josh ang nag-mamaneho.

"Sakay niyo na yang gago na yan. Sumama ka narin Simon at kailangan ka namin." biglang sabi ni Josh. Pero nakanganga parin ang dalawa sa pagka-surpresa sa ginawa ni Josh, "Ano pang hinihintay niyo? Tara na mamaya paalis na yun di natin alam!" sigaw nito at agad naman na hindi nagpalipas ng segundo ang dalawa at sinakay na nila si Angelo.

Ng makasakay na sila ay agad namang pinaandar ni Josh ang sasakyan, "Josh san tayo pupunta?" tanong ni Simon, "At teka anong sinabi mo kay Mindy?" dagdag nito.

"Sabi ko tuturuan ko lang ng leksyon tong si Angelo." tapos sandali siyang napatingin kay Angelo bago tumingin muli sa dinadaanan niya, "Hoy Angelo! Trabaho nanamin nakasabit dito ah! Umayos ka!"

"Melissa, kelan daw ba alis ni Agatha?" tanong ni Simon.

"Ha? Uhmm," sandaling nagisip si Melissa ng bigla itong magulat sa naalala niya, "shit sorry, sabi ni Tita within this week daw!"

Nagulat naman ang dalawa ni Simon at Josh, "Ha? Ang bilis naman ata?! Nagmamadali naman yata tong si Agatha eh." sambit ni Simon.

"Sorry ngayon ko lang naalala sorry na." sabi nalang ni Melissa.

"Ay leche! Bahala na!" tapos biglang binilisan ni Josh ang pagmamaneho niya, "Hoy Angelo! Ano?! Narinig mo yung sinabi ni Melissa? Paalis na raw si Agatha! Anong gagawin mo?!"

Sa mga oras na yun ay naririnig ni Angelo ang kaibigan niya. Di niya alam ang gagawin niya. Paalis na ang taong mahal niya, at mukhang hindi nila alam kung kailan ang balik nito. Sa dami ng tumatakbo sa isip niya ay di na niya alam kung papano mag-rereact oh kikilos.

"Isang taon mo siyang hinintay Angelo! Hindi man siya yung hinintay mo, pero nakita mo parin siya! Angelo nakilala mo si Agatha!" biglang sinabi ni Josh. Sa oras na yun, tila naalimpungatan si Angelo. "Oh sawakas, nabuhayan ka rin pagkatapos mo akong suntuking hayop ka!"

Oo, nakilala niya parin si Agatha. Sa loob ng ilang buwan na pagsasama, simula nung nagkakilala sila, sa mga oras na pinagsamahan nila, sa mga lugar na pinuntahan nila. Lahat, si Agatha yun. Wala ng iba. Siya yung nandoon, kasama niya. Siya yung babaeng minahal niya, hindi ang kapatid niya. Oo, mali ang pinagsimulan noon, pero sa loob-loob ni Angelo, si Agatha ang minahal niya, hindi si Andrea. Si Agatha ang nakilala niya, hindi si Andrea. At higit sa lahat, si Agatha ang minahal niya, hindi si Andrea.

"Kailangan kong sabihin ang nararamdaman ko sa kanya." biglang sinabi naman ni Angelo na kinagulat nilang tatlo.

"Sa wakas Angelo! Umayos kana! Kailangan natin puntahan si Agatha sa kanila!" sabi ni Simon.

"Hon bilisan mo naman! Di ko maalala kung anong oras ang alis ni Agatha!" sabi naman ni Melissa kay Josh.

"Eto na nga binibilisan ko na!" sambit ni Josh, "Nako Angelo, utang na loob, ayusin mo yang kung anong meron kayo ni Agatha dahil ilang red light na ang nilampasan ko para sa inyo! Lisensya ko nakataya dito!"

"Oo na bilisan mo lang!" sigaw naman ni Angelo, doon, tila nabuhayan ng loob ang apat na magkakaibigan.

Malapit na sila sa bahay nina Agatha. Ilang minuto nalang at nandoon na sila. Lahat sila tahimik na at tila, naghihintay ng sunod na mangyayari.

Tila na excite si Melissa at tinuro ang harap ng bahay nina Agatha "Ayun yung bahay nila--" naputol nalang ang pagka-excite ni Melissa bigla. Nakita niya ang isang taxi cab na umandar papaalis.

Napa-preno nalang si Josh noon habang si Angelo naman ay nagmadaling bumaba at tumakbo para habulin ang taxi cab, "Agatha!" sigaw nitong si Angelo. Nalampasan na niya ang bahay nina Agatha. Nakita naman siya ng mga magulang nito, at tila nagulat rin ng nakita nila si Angelo.

Tumutulo na ang mga luha ni Angelo habang sinisigaw ang pangalan ni Agatha. Pero lahat ng ito, ay nauwi lang sa wala, dahil unti-unti ng bumilis ang taxi, at nawala na pagliko nito sa kanto. Tumigil narin sa pagtakbo si Angelo, at tila hinahabol narin niya ang kanyang hininga. Napaluhod siya sa gitna ng kalye, habang tinitingnan ang kanto, umaasang narinig siya ni Agatha. Nakahabol rin ang mga kaibigan ni Angelo, pero wala narin silang nagawa.

Natulala nalang si Angelo noon, dahil ang babaeng minahal niya, ay nawala na sa kanya.


End of Chapter VIII.


When I Saw YouWhere stories live. Discover now