Ch. II, Prt. II: That Feeling...

1.4K 16 0
                                    

Nakaupo na silang apat sa table nila. Inaantay nalang nila ang pagkain na inorder nila. Si Angelo at Agatha, hindi parin gaanong nagkikibuan, pero nahuhuli nila ang mga sulyap ng isa't-isa. Napapangiti silang pareho. Si Agatha tila inaayos ang buhok niya habang pilit na tinatago ang ngiti dahil sa kilig, habang si Angelo naman ay napapatingin nalang kung saan-saan, sa dingding, sa menu, at maging pati ang ilaw.

Napansin nalang silang dalawa nina Melissa at Josh at sandaling nagkatinginan ang dalawa, bago bumalik ang kanilang tingin sa dalawang, nagkakahiyaan pa.

"Alam niyo, ang cute niyong dalawa." biglang sinabi ni Melissa na kinagulat naman ng dalawa.

"Tumigil ka nga." bulong naman ni Agatha.

"Ano kaba, ang cute niya, " sabay tingin ng dalawa kay Angelo na bigla namang nahiya ng nakita sila, "tsaka minsan lang to. Malay mo siya na maging boyfriend mo."

"Heh! Tumigil ka! Wala akong balak mag-boyfriend!" medyo malakas niyang bulong.

"Hay nako, Agatha, whether you like it or not; mangyayari yan. Sabi sakin nitong si Josh, type ka raw niya." ng sinabi ni Melissa ito, ay bigla lalong lumaki ang ngiti ni Agatha, at medyo namumula na siya. Pero pinipigilan parin niya ito.

Sa kabilang side naman ng table, sa side nina Angelo at Josh, nag-bubulungan din ang dalawa.

"Ganda ni Melissa no?" sabi ni Josh.

"Ano, sure naba yan? Baka isa lang to sa mga isang gabing meet-ups mo ah." paninigurado naman ni Angelo.

"Hindi pare, talagang parang iba. Iba ang vibe na nararamdaman ko sa kanya." tapos sandali siyang uminom ng juice. "Alam mo yung feeling na, nakita mo na yung the one mo? Yung ganung feeling." napatingin lang naman si Angelo bigla kay Agatha, habang nag-sasalita itong kaibigan niya.

"Yung feeling na, sa pag-tulog mo sa gabi, siya ang laman ng isip mo, at sa pag-sisimula ng araw mo, siya agad ang laman nito? Yung feeling na gugustuhin mo na siya ang makita mo sa pag-mulat ng mga mata mo. Na siya yung maghahanda ng pagkain mo sa umaga, or ipag-hahanda mo siya ng pagkain sa umaga. Yung maulan yung araw at siya yung gusto mong kasama duon sa sofa, yakap-yakap mo habang nanunuod ng kung ano sa TV. Yung gugustuhin mong kasamang umidlip tuwing sunday afternoons."

Habang naririnig ito ni Angelo, nakatingin lang ito kay Agatha. Tila alam niya ang tinutukoy nitong si Josh. "Yung ganung feeling. Alam mo ba yun?" panapos ni Josh. Si Angelo, nakangiti lang habang nakatingin parin kay Agatha.

"Oo, pre, alam ko yun." sagot nito kay Josh. Napatingin nalang siya kay Angelo at kung saan ito nakatingin. Ng malaman niya ay nag-ilang beses na nagpabalik-balik ang tingin niya sa dalawa ng bumulong ulit siya.

"Naramdaman mo na pala yun." bigla niyang sabi na medyo kinagulat ni Angelo. Napatingin siya kay Josh at ilang beses nag-taas-baba ang kilay nito.

"Tigilan mo nga ako." sabi ni Angelo, pero hindi siya tinantanan ni Josh dahil sa ngiti na nasa mukha nito.

Lumipas pa ang ilang sandali at dumating na ang inorder nilang apat. Hindi na nila pinaghintay pa ang gutom na umiiral sa mga tyan nila at doon ay tumuloy na sila sa pagkain.

Habang kumakain sila ay may kaunting harutan sila, pero syempre dahil hindi nanaman sila mga college students, eh nasa lugar naman. Nag-enjoy sila sa sila sa pagkain, lalo na sa oras na kasama nila ang isa't-isa.

"So Mr. Alcantara," tawag ni Agatha. Napatingin naman si Angelo sa kanya, "kumusta naman ang work mo?" dagdag ni Agatha na may ngiti.

"Ah, ayos naman. Kailangan lang namin tapusin at i-edit yung mga nakuha naming pictures at ayun, may mailalabas na kaming bagong issue. Sagot naman ni Angelo, medyo confident pa siya sa pagsagot niya habang nakatingin parin siya kay Agatha habang uminom siya ng kaunting juice.

"Ah, so yung picture ko rin pala makakasama." biglang dagdag ni Agatha. 

"Ah..." natigilan bigla siya doon sa sinabi ni Agatha. Nakangiti lang ito sa kanya habang siya naman ay tila hindi alam ang i-sasagot. Bigla siyang nakaramdam ng hiya na hindi niya maipaliwanag. Nangingig siya ng kaunti ng pinili nalang niyang lumihis ng tingin, at uminom ng maraming juice.

Sa puntong yun, biglang natawa nalang si Agatha habang nakatingin siya kay Angelo at hinawakan ito sa kanyang braso, "Ano kaba, joke lang yun. Relax ka lang." sabi niya ng may ngiti. Natawa nalang din si Angelo sa sarili niya at sinabayan siya ni Agatha.

"Palabiro ka pala." sabi ni Angelo.

"Hmmm slight lang." sagot naman agad ni Agatha. "Seryosong tao kaba?" dagdag ni Agatha.

"Uhm, di lang talaga ako gaanong palabiro, tsaka," tumuro siya kay Josh na siya naman tingin ni Agatha. "Yang mokong na yan, diyan lang ako nasanay na magbiro. Pero sa ibang tao naman, nakakasakay ako." 

"Ah ganun ba. Well dapat ka na siguro masanay sakin." sabi ni Agatha. Nagkangitian ang dalawa ng saglit habang nakatingin sa isa't-isa. Medyo tumagal yun ng biglang may sinabi si Agatha.

"So ano, balak mo sa picture ko?" bigla niyang tanong.

"Ha? Uhmm, wala, sakin lang yun. For personal enjoyment." sagot agad ni Angelo. Lumaki ang ngisi sa mukha ni Agatha at lumapit ng kaunti ang mukha niya.

"Personal use?" sabi ni Agatha habang lalong lumalim ang tingin niya. Napakunot nalang ang noo ni Angelo dahil hindi niya ma-gets kung bakit biglang lumalim ang tingin nito. Lumipas pa ang ilang sandali ng na-gets na niya at agad siyang nag-panic.

"Ay! Hindi! Hindi ganun! I mean titingnan ko lang!" 

"Titingnan mo lang?" segunda naman ni Agatha.

"I mean I-aa--" napabuntong hininga nalang si Angelo, "wala, nevermind." habang nakatungo at nagtawa nalang si Agatha ng malakas.

"Alam mo Angelo, ang cute cute mo pag nag-papanic ka! Natutuwa ako, haha!" sabi ni Agatha. "Joke lang yun. Anyway about the picture, use it the way you like ok?" sabi nito at sa oras na yun ay hindi alam ni Angelo ang i-sasagot niya pabalik kay Agatha, maliban nalang ang ngumiti sa hiya.

Maya-maya pa ay tumayo si Melissa at bumulong kay Agatha. "Angelo sandali lang ha, samahan ko lang siya sa CR." sabi nito. Tumungo nalang si Angelo at doon ay umalis na silang dalawa papunta ng CR.

Huminga ulit si Angelo ng malalim at doon kinalabit siya ni Josh. " Mukhang nag-coconnect kayong dalawa ah."

"Hehe, nakakatuwa si Agatha. Di ko lang siya mabasa." sabi ni Angelo. 

"Bro, di mo na siya kailangang-basahin ok? Just enjoy the moment. Remember, 1 year ago you took her picture. This is destiny, make it happen." tapos uminom sandali si Josh. Natahimik sila pareho noon ng biglang may naalala si Josh.

"So, nabanggit mo na ba sa kanya yung picture na yun 1 year ago?" bigla niyang nasabi. Hindi agad nakasagot si Angelo, dahil sa totoo lang, kahit siya hindi niya alam kung babanggitin ba niya yun oh hinde kay Agatha. Tutal, yun naman ang dahilan kung bakit, napa-ibig siya agad dito 1 year ago, kahit na kakakilala lang nila. 

When I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon