Ch. III, Prt. IV: Pass Midnight

745 8 0
                                    

Naglalakad na papunta sa kanyang condo itong si Angelo na may ngiti sa mukha niya. Pass-midnight na noon at may napansin siyang mali habang papalapit na siya ng kanyang condo. Napahinga nalang siya ng malalim habang binubuksan niya ang pinto nito. Mukhang alam na niya ang maling yun, at malayo pa lang siya sa condo at sa naririnig niya, sigurado siya.

"Yow Angelo, buti naman nakauwi kana." bati ng kaibigan niyang si Josh pagkabukas palang niya ng pinto. Nasa loob siya ng kanyang condo kasama si Simon.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyong dalawa na pag-balak niyong pumunta dito sa condo ko, para lang maglaro ng PS4, eh magtext or tumawag muna kayo?" sabi ni Angelo, medyo nainis siya pero alam na niyang wala na siyang magagawa pa. Pumasok nalang siya at tumuloy sa kusina.

"Bro, ilang beses ka naming tinatawagan at tinetext. Di ka naman sumasagot. So pumasok na lang kami." sabi ni Simon tapos uminom ng beer.

"Di kaya ibig-sabihin nun ay busy ako guys?" sagot naman ni Angelo na kumuha din ng sarili niyang beer galing sa ref.

"Ayun nga sabi ko dito kay Simon," sabi nito habang biglang naging intense ang laban nila sa nilalaro nila, "sabi ko, 'Simon, pasok nalang tayo. Busy yata' ang sabi ko sa kanya."

"So pumasok nalang kayo dito kahit alam niyong baka hindi ako pumayag?" dagdag ni Angelo.

"Ayun nga bro, sabi ko kay Simon, pasok na tayo, baka di pumayag yan." sabay ngiti kay Angelo. 

"Alam niyo, nagdadalawang isip talaga ako kung bakit binigyan ko kayo ng susi ng condo ko." 

Natawa nalang si Josh at Simon sa sinabi ni Angelo, "Bro, kaw narin ang nagsabi. Minsan nakakalimot ka ng mga simpleng bagay. Kaya binigyan mo kami ng susi para may mahihiraman ka, just in case diba?" sabi ni Josh. 

"Well actually siya lang naman ang umaabuso Angelo. Ako basta, pag nakalimutan mo, text ka lang or tawag, punta ako agad dito." sabi naman ni Simon habang larong-laro siya.

"Eh bakit nandito ka?" 

"Hindi ko naman hahayaan na mag-isa lang itong si Josh. Mamaya kung ano pa mangyari." dagdag ni Simon.

"And don't worry bro. We warmed up the place for you narin naman. Kaya ayos lang yan. Hehe." sabi ni Josh. Nakatingin lang naman ng masama sa kanya si Angelo at bigla nitong kinuha ang controller ni Josh.

Agad namang sinamantala ni Simon ang pagkakataon at tinapos na ang laban habang si Josh ay di nalang nakapag-salita sa pagka-gulat. Natalo si Josh at napatayo nalang si Simon dahil sa pagkapanalo niyang yun.

"Ang daya naman! Hindi yan counted Simon!" sigaw ni Josh.

"That's what losers say!" sagot naman pabalik ni Simon at tila nainis lang naman si Josh doon at alam naman niyang wala na siyang magagawa. Tumayo si Simon para mag-cr dala ang beer niya. Umusog naman si Angelo sa couch para makaupo si Angelo.

"San ka nga pala galing? Wala kang sinabihan samin ni Simon eh." tapos uminom siya ng beer habang inayos ang TV para makapanood sila.

"Ah, oo nga pala. Galing ako sa date namin ni Agatha."

"The girl in the park? Agatha ba name niya?" biglang tanong ni Simon na kakadating lang at umupo sa kabialng upuan.

"Oo pare. Turns out, kaibigan siya ni Melissa. You know, the girl I've been talking about?" sabi ni Josh.

"Ah, Melissa. Akalain mo nga naman yun. so kumusta date niyo?" tanong ni Simon, tapos uminom silang tatlo ng beer nila.

"Ah, it was great. Ayos, ayos na ayos na ayos." sagot lang ni Angelo ng nakangiti, tila napawi ang kaunting inis nito dahil nga sa breaking and entering nina Josh at Simon.  

Nagkatinginan lang naman ang dalawa ni Josh at Simon at umayos silang pareho ng upo. Napansin nila ang kakaibang ngiti sa mukha ni Angelo na tila, ngayon lang nila nakita. "So, pare. Ayos ba?" tanong agad ni Josh.

Tumingin sa kanya si Angelo at nakita ang kakaibang ngiti ng dalawa, lalo na si Angelo. "Bat ganyan ngiti niyo ha?"

"Eh, kakaiba din ngiti mo eh, baka may gusto ka sa aming i-kwento?" sabi naman agad ni Josh tapos nag taas-baba ang kilay ni Simon. Sandaling nagpabalik-balik ang tingin ni Angelo sa dalawa ng medyo na gets na niya ang ibig sabihin ng mga ito.

"Kayo talaga, kahit kelan. Nag sine lang kami tapos namasyal. Normal date lang." 

"Ahh. Ngiti mo kasi bro, kakaiba kaya akala namin naka homebase ka kagad." sabi ni Simon.

"Wag mo nga akong itulad diyan kay Josh. Baka nga yan ang naka-home base na kay Melissa eh." sabi ni Angelo tapos tumingin naman sila kay Josh.

"Oi, grabe ka naman pare. May feelings din naman ako. Hindi pa." katwiran agad ni Josh.

"So may balak ka talaga? Ikaw yung sinabi mo sakin mukhang kalokohan mo lang yun eh." sabi ni Angelo.

"Hindi ah! Totoo yun! Tsaka, kung dumating man kami sa puntong yun, dahil yun sa gusto na niya. Hindi dahil sa sinabi ko. Okay?" pagtatanggol ni Josh sa sarili habang natawa naman ang dalawa ni Angelo at ni Simon. "Teka, wag mong ibahin ang usapan Angelo. Ikaw at ang secret date mo ang topic natin dito."

Natawa nalang sila. Napahinga nalang ng malalim si Angelo, uminom ng beer. at doon, kinuwento niya ang date nila ni Agatha.

~~~~

Nasa kwarto lang si Agatha nung mga oras na yun. Nakahiga siya at tinitingnan ang mga pictures nila ni Angelo sa phone niya at ang stolen pictures ni Angelo na siya naman mas matagal niyang tinitingnan. 

Nakangiti siya, masaya sa nararamdaman. Lalo na at buong araw silang magkasama. Hindi rin niya makalimutan ang mga pagkakataon na naging masyado silang malapit sa isa't-isa at yung time na nahawakan niya ng aksidente ang kamay niya. 

Kinikilig siya at nagpagulong-gulong nalang siya sa kama niya habang suot pa niya ang jacket na pinahiram sa kanya ni Angelo. Inamoy niya ang jacket nito ng biglang nag-ring ang phone niya. Bumangon siya agad para hanapin ang phone niya at ng makita niya, ay ang kaibigan niya palang si Melissa ang tumatawag. Agad niyang sinagot ito.

"Hello? Oh Melissa, anong balita?" bati agad ni Agatha.

Anong balita ka diyan? maghapon kitang hindi ma-contact tsaka hindi karin naman nag-tetext. Chinecheck lang kita! sigaw ni Melissa.

"Ay sorry naman, kasama ko kasi si Angelo buong araw." sagot niya at tila napatili pareho sa tig-kabila ng phone. 

Grabe! Nag-date kayo at hindi mo sinabi sakin? Kwento mo naman!

"Ay eto na kukwento ko na nga ng makabawi ako sayo!" sabi ni Agatha at tila lalo pa siyang kinilig at sinimulan na nga niya ang pag-kukwento sa kaibigan niya. 

When I Saw YouWhere stories live. Discover now