Chapter 4

956 17 4
                                    

{Lance Ray Cortes' POV}

12:30 PM

"Lance tara naaa!" Hinila ako ni Paul palabas ng room. Ito talagang si Paul, adik sa basketball. Kung mag'audition nalang kaya siya sa team, edi walang problema. Ay oo nga, may problema pala, he sucks =___= Kaya ayan, hanggang tingin nalang siya.

"Mauna ka na doon," sagot ko. "Ayokong makipagsisikan papasok doon noh."

"Eh ano ang gusto mo? Yung wala ka nang mauupuan?"

"Gwapo ako. Hindi na kailangan," banat ko sa kanya sabay tawa.

"Ewan ko sayo," sabi niya. "Bahala ka na nga diyan."

Maya-maya lumabas na ako ng classroom at ang dami paring mga estudyanteng papunta palang ng gym. Haist. Sa bagay, ang dami kaya ng high school students. Papasok na rin sana ako ng entance sa gym ng narinig ko ang pinagususapan ng mga babae sa tabi ko.

"Uy! Nandiyan na daw si Amelia!" Sabi ni Girl 1.

"Ha? Dapat makapasok na tayo! Mahihirapan tayong makakapasok mamaya kapag maabutan niya tayo!" Sagot ni Girl 2.

"Bakit naman kayo mahihirapan?" Tanong ko sa kanila.

Lumingon sila sa akin at nagulat. Bat ba sila gulat?? Tss. "Ay Lance, ikaw pala yan," sabi ni Girl 2. "Hindi lang naman kami ang mahihirapan eh, kundi lahat tayo."

"At bakit naman?" Tanong ko muli.

"Ano ka ba naman Lance, ang tagal-tagal mo na dito pero di mo alam kung anong ginagawa ni Amelia?" Singit ni Girl 2. "Iba si Amelia ngayon. Seryosong-seryoso siya ang she'll beat anyone who'll stand in her way."

"Dahil???"

"She'll be taking pictures today. And she takes photography seriously," sagot niya ulit. "So nobody must distract her. Ang creepy niya nga basta naka 'photojournalist mode' siya eh."

"But I do admire her skills," sabi naman ni Girl 1. "Her pictures are always fascinating an--"

Lumingon kaming tatlo sa likod at nakita ang mga estudyanteng nagbibigay na ng daan para sa tinatawag na dyosa ng aming paaralan. Yes. Amelia's finally here. Actually ngayon lang siyang pumasok.

Today, she tied her hair in a bun and wore a hanging shirt with matching mini-shorts. Well, she looks nice. She doesn't usually dress like this though. Sinundan pa nga siya ng tingin ng mga tao, I know because I did too. She just looked...different.

Tumabi na yung dalawang babae na kinausap ko kanina para naman makadaan si Amelia. Sheez. Special treatment nga talaga. But I don't mind, may mission pa ako eh^^

Wabi-SabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon