Vol. 3 Code Twenty Two: "Drag into the Deep"

Magsimula sa umpisa
                                        

D--Dugo?!

Hindi niya alam kung papaano ang kaniyang magiging reaksyon. Nablanko sya at hindi niya alam kung anong gagawin sapagka't hindi niya alam kung ano bang eksaktong nangyayari sa taas. Maya-maya pa...

"Ahhhhhh!!!"

Narinig ni Fillan si Noah na humiyaw dahil sa labis na sakit. At ang kanina lang na patak ng dugo mula sa taas ay nagmistulan nang gripo at halos dumilig na sa lupa.

"Pinipilit mo talaga akong tapusin ka!"

Bumabaon ng kusa ang gintong sibat sa balikat ni Noah dahilan para lalu siyang hindi makapanlaban. Samantalang si Heimdall naman ay walang kahirap-hirap na ginawang pulbos ang mga kadenang pumulupot sa kaniya. Matapos niyang makawala ay muli siyang nagpalabas ng mga sibat sa ere at sa isang kumpas lamang ng kaniyang kamay ay bumaon ang mga ito sa paligid ng sugatang si Noah. Susubukan sana niyang gumanit ng Insignia, ngunit bago paman niya ito nagawa ay agad siyang pinalibutan ng malakas na boltahe ng kuryente na mula sa mga nakapalibot na sibat na nagmistulang hawla.

"Ahhhhhhh!!!!!!"

Kitang-kita naman ni Fillan ang liwanag na tumatagos mula sa rehas sa itaas kahit na may kalayuan ito sa kaniya. Dinig rin niya ang paglagitnit ng kuryente sa bakal at ang malakas na paghiyaw ni Noah...

"Hindi-------NOAH!!!!!"

Pilit na hinihigit ni Fillan ang mga kadena na nakakabit sa kaniyang mga kamay at paa. Dahil sa pag-pwersa niya sa mga ito kaya nagagasgas ng bakal na posas ang kaniyang mga paa at kamay hanggang sa magdugo narin ang mga ito.

Noah...Noah!

Sa gitna ng kaniyang desperasyon ay biglang...

Pakawalan mo ako...

Isang tinig ang biglang naulinig ng binata mula mismo sa kaniyang isipan...

Pakawalan mo ako...at maililigtas mo sya...

"S--sino ka?!"

Ako ang kaylangan mo...

"Ikaw ang....kaylangan ko?"

Kapangyarihan...

"K---kapangyarihan?"

Unti-unting nag-iba ang paligid ni Fillan. Nawala ang mga pader, ang lupa, miski ang ingay mula sa taas. Hindi narin niya marinig ang tinig ni Noah, bagay na ikinatakot nya.

"Si Noah----! Baka may nangyari na kay Noah!"

Hahayaan mo ba sa kaniya ang nangyari sa kaibigan mong si Marcus?

"S--si....Marcus?"

Ang kaniyang kinauupuan ay naging mala-salaming tubig. Maya-maya pa ay may napansin siyang tao na unti-unting umaahon mula sa tubig at malamig ang titig sa kaniya. Noong una ay hindi magawang mamukhaan ni Fillan ang tao na nasa kaniyang harapan. Ngunit habang tumatagal ay doon na niya ito nagagawang makilala...

"M---Marcus?!"

Gusto mo bang matulad ang kaibigan mo sa sinapit niya? Titigan mo siya ng mabuti...

Ngunit hindi magawang titigan ng tuwiran ni Fillan ang naaagnas na si Marcus. Naramdaman niyang bigla sa kaniyang sarili ang matinding paninisi ng kaniyang budhi dahil sa pagkamatay ni Marcus; bagay na ayaw rin niyang mangyari kay Noah na itinuturing niyang matalik na kaibigan.

"Ayokong mapahamak si Noah...gusto ko syang tulungan!"

Kung gusto mo syang tulungan...hayaan mong lumabas ako mula sa iyo. Ibibigay ko sa iyo ang kapangyarihang kaylangan mo...

Code ChasersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon