Vol. 3 Code Twenty Two: "Drag into the Deep"

Start from the beginning
                                        

At mabilis na binalikan ni Noah ang lahat ng mga pangyayari sa nakaraan kung saan nag-umpisa ang lahat...

Nag-umpisa ang lahat nang maganap ang insidente sa Isis. Naroon din sya kung saan nakalaban ko ang isang Gore, si Camio Shutter. Pero pagkatapos ng naging laban, tumingin siya hindi sa direksyon ko kundi----

---- "Magkikita pa tayong muli..."---- (See Code Eight)

At doon na nga siya tuluyang natauhan sa totoong pakay ng kaharap niyang Kardinal.

----Alam ko kung ano ang ipinunta mo sa lugar na ito.-----

Kasabay ng kaniyang pagkakabatid sa katotohanan ay ang matinding pagkagulat sa kaniyang mga mata.

.....Si Fillan!

"Mukhang napagtagni-tagni mo na sa isip mo ang lahat..." saka niya lalung pipigain ang leeg ng binata.

"Ngh....ah..."

Hindi na halos maimulat ni Noah ang kaniyang mga mata dahil sa patuloy na pagpiga sa kaniyang leeg.

"B-----b--bakit?!-----b--bakit s--si F---Fillan?!"

"Tingin ko hindi mo na dapat pang malaman kung bakit." Saka mabilis na isusubsob ni Heimdall si Noah sa lupa. Walang magawa si Noah para makalaban sapagkat masyadong malakas ang kardinal para sa kanya.

F---Fillan!

"Wala akong balak na tapusin ka, pero kung magpupumilit ka pa rin na iligtas siya, mapipilitan akong gawin iyon!"

Subalit...

Hindi ako...papayag!

Bigla nalamang umahon mula sa lupa ang hindi mabilang na mga kadena paikot sa kardinal. Mabilis na gumapang ang mga ito mula sa paanan ni Heimdall papunta sa kaniyang mga braso hanggang sa tuluyan na siyang binalot ng mga kadena. Dahil sa nangyari kaya nakawala si Noah sa mga kamay ni Heimdall. At kahit na nanghihina pa si Noah, hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at agad niyang pinuntahan ang pinagpiitan kay Fillan.

"Fillan!!!"

Umalunignig ang boses ni Noah sa buong piitan.

"Fillan!!!!"

Ang kanina'y halos mapatid nang pag-asa sa mukha ng binatang si Fillan ay mabilis na nanumbalik nang marinig ang isang napaka-pamilyar na tinig na nagmumula sa taas.

Boses ba iyon ni....

"Fillan! Naririnig mo ba ako?! Ako ito!! Si Noah! Ililigtas kita dyan!!!!"

N--Noah?

Hindi agad nagrehistro sa isip ni Fillan ang pangalan ng nagpakilalang tao sa taas. Subalit muli niyang narinig ang tinig na sinasambit ang kaniyang pangalan...

"Fillan!!!!"

Si...Noah...

Ibubuka na sana ni Fillan ang kaniyang bibig upang tumugon, subalit bago paman niya ito magawa ay bigla siyang natigilan.

---Drop...Drop...

Nakita niya ang sunud-sunod na pagpatak ng likido sa lupa na nagmumula mismo sa itaas.

A--ano iyon?

At dahil nakakadena ang kaniyang mga kamay, bukod tanging paa lamang ang kaniyang magagamit. Inunat niya ang kaniyang binti para abutin ang gitna. Ikiniskis nya sa lupa ang kaniyang paa kung saan pumatak ang mala-likidong bagay na pumapatak mula sa taas, pagkatapos ay saka niya ito pinunasan ng kaniyang kamay at tinignan. Ang buong akala niya noong una ay tubig lamang, ngunit habang pinagmamasdan nya itong mabuti ay saka lamang niya napagtanto na dugo pala ang mantsa na nasa kaniyang kamay.

Code ChasersWhere stories live. Discover now