Vol. 3 Code Twenty Two: "Drag into the Deep"

Start from the beginning
                                        

A---anong.. anong nangyari?

Kaya naman sumigaw siyang muli gamit ang pinakamalakas niyang tinig...

"Pakiusap!!!! Tulungan nyo ako!!!!! Ilabas nyo ako dito!!!!"

Narinig ito ni Noah mula sa taas. Subalit hindi siya makagawa ng anumang hakbang dahil siguradong sisibatin siya ng Kardinal na si Heimdall.

Anong ginagawa ni Cardinal Heimdall dito sa Pascal Yard?!

Gusto sanang humakbang ni Noah paatras, subalit ramdam niyang binabasa ng kaharap niyang kardinal ang galaw niya. Ilang sandali pa ay iniangat ni Heimdall ang kaniyang kamay at hinayaan niyang lumutang sa ere ang sibat na hawak niya kanina, na anumang oras ay maaari niyang utusan para saktan si Noah.

"Kung gusto mo pang mabuhay, umalis ka na sa lugar na ito, ngayon din!"

"Hindi pwede!" Mariing giit ni Noah. Pero hindi nya masabi ang dahilan kung bakit hindi siya maaaring umalis sa Pascal Yard.

Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko kasama si Fillan!

"Alam ko kung ano ang ipinunta mo sa lugar na ito." makahulugang sambit ni Heimdall sa binatang si Noah, bagay na agad ikinagulat ng binata.

"A--anong....alam mo?!"

Pagkatapos sabihin iyon ni Heimdall ay mabilis siyang naglaho sa harapan ni Noah. Agad niyang iginala ang kaniyang paningin sa anumang surpresang pag-atake na ibibigay sa kaniya.

Nasaan na sya?! Hindi ko sya makita!

Nang bigla nalamang may lumitaw na bagay mula sa kaniyang kaliwa. Hindi siya agad nakaiwas kaya natamaan siya at napuruhan sa kaliwang pisngi na mula sa sibat ni Heimdall. Mga ilang dipa rin ang layo ng pagkakatilapon ni Noah at matagal bago siya nakabangon.

Tsk... Sabay punas sa kaniyang pumutok na labi. Hindi paman siya tuluyang nakakabangon ay muling sumugod si Heimdall sa kaniya gamit parin ang sibat nito. Walang nagawa si Noah kundi ang salagin ito ng kaniyang braso.

---A--aahhh!

Mabilis na sinakal ni Heimdall si Noah gamit ang malalaki nitong kamay habang nakatitig sa mga mata ng binata na punung-puno ng panggigigil.

"Hindi ako papayag na makalapit ka sa kaniya!"

Pinilit ni Noah na makapag-salita kahit na hirap na hirap syang gawin ito.

"H---hindi k--kita...m---maintindihan!"

Pero hindi nakikinig si Heimdall sa kaniya at patuloy lamang ito sa kaniyang ginagawang pananakal.

"Kung hindi ka niya nakilala, hindi ito mangyayari!" at mas lalu pa niyang piniga ang leeg ng binata hanggang sa wala nang anumang boses ang maririnig sa kaniya.

Sinong tinutukoy niyang hindi ko dapat nakilala?! Ano bang sinasabi niya?!

Sa gitna ng kaniyang pag-aagaw hininga ay biglang sumagi sa isip niya ang makailang beses na naging paghaharap nila ni Heimdall...

----Lagi akong magbabantay---- (See Code Ten)

Lagi siyang naroon kung saan ako naroon...

---- Hindi ko madaling makakalimutan ang ganiyang mga mata...---- (See Code Six)

Noong una akala ko ako ang tinitukoy niya sa mga pahiwatig nya, pero...

Pero may isang bagay na malinaw sa binata...

Pero hindi ako ang talagang tinutukoy niya. May iba siyang tao na tinutukoy na malapit sa akin...

Code ChasersWhere stories live. Discover now