"Wa-wala. Inaayos ko ang shoelace ko. " Palusot niya. Nakakahiyang sabihing ang tanga niya kasi, nadapa dahil hindi tumitingin sa daan.

"Akala ko nadapa ka na. "

"Hindi ah. Tara na, mamamalengke pa tayo, 'di ba? "

*******
"Buong araw ang date natin? " kararating lang nila galing ng Ginulayan Public Market. Naidonate kasi ng mga ninuno ng mga Ginulayan ang lupa kaya nakapangalan sa kanila ang palengke.

"Yes. "

"As in? Tapos dito lang sa loob ng bahay? "

"Oo, bakit? "

"Hindi tayo magde-date sa labas? "

"Kasasabi ko lang na buong araw lang tayo rito sa bahay. Sige, mamaya sa garden tayo, labas na ng bahay. " pamimilosopo niya.

"Pa-cute ka, hindi bagay. Sana man lang manonood tayo ng sine. "

"Walang sinehan sa Parang, mahal ko. "

"Eh 'di sana magpatayo kayo ng Ginulayan Cinema. "

"Magpalit ka na nga ng damit at ako na'ng bahala sa almusal. Para kang gutom sa iniimagine mo. "

"Ako gagawa ng meryenda ha. "

"Oo na. "

Tanghalian nga nila ang inasikaso nilang dalawa. Pero puro upo lang ang madalas niyang gawin. Nakakainip.

"Alam mo, mabuti pang iprepare ko na ang meryenda natin mamaya. Ang hirap kayang gawin. "

Inilabas niya ang mga kakailanganin niya.

"Hay, dati kami ni Tom ang gumagawa nito. Ngayon tayo na. Nakakalungkot. "

"Huwag ng malungkot, mahal ko. Dapat isipin mo na lang na may isang anghel ka na nagbabantay na sa 'yo."

"Oo nga. Alam mo, hindi na siya nakita ng Mama at Papa ko. Isa yun sa mga pinaghihinayangan ko."

"Hindi mo ba naipakilala sa mga magulang mo? "

"Sino, si Tom? O si Ron? "

"Okay lang ba na pag-usapan natin sila? "

"Okay lang naman. Naka move on na ako. Masakit na maalala ang lahat pero parte na sila ng buhay ko. Alam mo, Lado, kahit siguro pwedeng i-rewind ang buhay, pipiliin ko pa rin silang dalawa. Kasi naging sobrang saya ko nung dumating yung anak ko. Siyempre, hindi naman yun mangyayari kung wala si Ron, 'di ba? "

"May dahilan at nangyari lahat, Thalia. Sabi mo nga naging masaya ka naman kahit sandaling panahon lang na nakasama mo ang anak mo. "

"Oo. Pero may mga bagay rin ako na pinagsisisihan. Kaso wala na akong magagawa para ibalik ang lahat. "

"Mahal mo pa ba? "

"Si Ron? "

"Minahal ko siya dahil ama siya ng anak ko. Dahil naging bahagi siya ng buhay ko. Pero hanggang dun na lang. Ibang level na ng love, wala na ako dun sa gusto kong magkaroon ulit kami ng relasyon. Ay wala pala kaming naging relasyon. Alam mo, sobrang gaga ko talaga nung kabataan ko pa. I mean nung teen pa ako. Kung nakilala kita noon, malamang you will hate me. "

Napangiti si Celerio. "Malaki ba talaga ang pagkakaiba? "

"Sobra! As in bitch na bitch lang. Pero siyempre kapag ganda, hindi nagbago, mas gumanda lang. Naging mabait lang ako nung dumating si Tom sa buhay ko, tapos nung nawala siya, mas naging mabait pa ako. Promise ko sa kanya yun eh. Ramdam mo naman, 'di ba? "

"Ang pagiging mabait mo?"

"Hindi, ang pagiging maganda ko.

"Saan banda? "

"Alam mo, date ba talaga ito? Bakit ang epal mo? "

"Pikon. "

"Tse! Eh ikaw, mahal mo pa ba? "

"Sino? "

"Mali pala, mahal mo na ba? "

"Sino? "

"Ako. "

"Gusto mo talagang sagutin ko yan? "

"Hindi." Sabay tumawa si Thalia. Bakit parang ayaw niyang marinig ang sagot ni Celerio.

Ilang sandali pa at luto na ang sinigang ni Celerio. Parang reyna lang na pinagsisilbihan siya ng binata. Pero hindi na siya pumayag na ito pa ang magliligpit ng pinagkainan nila.

"Salamat. Habang ginagawa mo yan, ise-set up ko muna ang kwarto ko. "

"Bakit? "

"Dun tayo sunod na magde-date. " sigaw nito.

"Ano? Ang bilis mo naman. Kwarto agad? Honeymoon agad? Sinasamantala mong dalawa lang tayo!"

**********

ChancesOn viuen les histories. Descobreix ara