24

5.9K 206 21
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

24

Padabog na inilagay ni Celerio ang mga gamit niya sa kuwarto ni Thalia.

"Bakit kasi pumayagg-payag ka sa gusto nilang iisang kuwarto tayo?"

"Oi Lado, magtigil ka nga, ngayon ka pa ba mag-iinarte na makasama ako sa isang kuwarto eh naglilive-in na nga tayo sa bahay ninyo dati. Tigilan mo nga ako. Isa pa, may anak si Sir, alam mo namang malambot ang puso ko sa mga bata. Malamig sa tabing dagat, baka magkasakit pa 'yun, kasalan pa nating dalawa."

"Ewan ko sa 'yo!" Inilabas nito ang tuwalyang dala.

"Nag-iinarte lang? Lado, hindi ka naman lugi na makasama ako no! Dapat nga sabihin mo na it's an honor. Si Lancelot G. Patay nga, gusto akong makasama, hindi ako pumayag, tapos ikaw, mag-iinarte!"

"Eh 'di yayain mo si Patay!" Sabay alis, ibinagsak ang pinto.

"Wow! Selos mats! Suplado talaga, akala mo gwapo...yah, gwapo ng very slight lang." Naiinis na sabi ni Thalia, kahit kailan ay walk-out king itong si Celerio.

Dumirecho ng dagat si Celerio, kailangan niya munang magpalamig ng ulo, okay lang naman na ibigay niya ang kuwarto niya sa mag-asawa, naiintindihan naman niya iyon, pero talaga, ang mga hirit ni Thalia, nakakapikon.

"Bakit ba kasi hindi na lang sumama pauwi kay Patay ang babaeng yun." Naiinis na sabi niya, tuloy ngayon imbes na wala siyang dalahin, iisipin niya pa si Thalia.

Maganda naman ang resort na napuntahan nila, yun nga lang, alam mong nagsisimula pa lamang dahil nagkulang pa sa kuwarto kapag ganitong maraming tao at punuan.

"Lado, forever alone ang peg?" Nagulat pa siya ng maya-maya lang ay may nagsalita sa likuran niya, si Thalia. Nagsalubong ang mga kilay niya nung makita ang suot niyang pang itaas.

"Bakit naka bra ka lang?"

"Bra? Ako, naka-bra? Helloooow! Two piece ang suot ko, pinatungan ko lang ng short na binigay mo, siguro naman hindi ka na magre-react niyan ha, sinuot ko na ang shorts na dinala mo na hindi ko alam kung paano mo nakuha sa sampayan ko." Mahabang litany nito.

Biglang hinubad ni Celerio ang t-shirt niya at agad na ibinigay kay Thalia. "Wear that." Utos nito.

"Bakit?"

"Tignan mo nga, nakabalandra ang..ang...yan?" Sabay tingin sa dibdib niya. "Isuot mo o ako ang magpapasuot niyan sa iyo.

"Oo na! Napaka conservative mo, eh pumayag ka naman na iisang kwarto tayong dalawa, sa bahay ninyo at dito." Daldal nito habang isinusuot ang basang t-shirt ni Celerio.

"At isa pa, pinagsusuot mo ako nito habang nakabalandra yang katawan mo sa lahat! Ni wala ka ngang bra! Siguro, gusto mo talagang makita ng lahat yang sexy abs mo, tapos ako, ayaw mong makita nila ang sexy body ko. Nasaan ang hustisya doon?"

Pero wala na siyang kausap dahil lumangoy na papalayo si Celerio. Iniwan siya.

"Lado! Nakakainis ka ng konti!" Lumangoy din siya papalapit rito. Akala lang ng lalaking ito hindi siya marunong lumangoy sa malalim na bahagi ng dagat?Nag swimming lessons yata siya noon! At isa sa mga best swimmer nung high school at college. Bonding nga nilang magpamilya noon ang swimming. Nalungkot siya sa bahaging iyon ng kanyang alaala.

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon