28

5.3K 188 14
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

28

"Talagang mahal pa rin niya si Gabrielle." Napailing na lamang ang Mama ni Celerio nung sabihin ni Thalia ang dahilan kung bakit mag-isa lamang siyang umuwi galing ng Kidapawan.

"Hayaan mo na, ipagdasal na lamang natin na matanggap na niyang hindi talaga sila para sa isa't isa. Alam naman nating may mahal ng iba ang babaeng mahal niya. Napakatigas ang ulo ng batang yan." Si Lola Letty.

"Tanggap naman ni Kuya Lola, Mama, kaso nga lang, mahirap talagang mag move on, ganyan magmahal ang isang Ginulayan." Si Gerson. "Pero nararamdaman kong malapit ng matauhan si Kuya, hindi nga lang niya talaga maamin sa sariling handa na siyang magmahal ng iba." Dagdag pa nito.

"Ah, sorry talaga Lola, Mama, Gerson, pero medyo masakit po ang ulo ko, pwede po bang matulog po muna?"

"Sorry, Thalia, sige, magpahinga ka na muna."

"Thank you po, Mama. Sige po." Hindi alam ni Thalia kung bakit siya nalulungkot, marahil dahil sa pagod sa biyahe at sa pagkadismaya dahil hindi niya nakausap ang taong sinadya niya sa Kidapawan.

Naisip niya habang nakahiga, napaka swerte ng babaeng minamahal ni Celerio. Pero nalulungkot rin siya para sa binata. Alam na alam kasi niya ang pakiramdam kapag nagmamahal ka ng sobra pero hindi ka naman kayang mahalin ng taong 'yon.

"Sana makatagpo rin ako ng lalaking katulad mo, Lado. Yung hindi ako matatakot na sabihin ang nakaraan ko, yung matatanggap ako bilang ako. Yung hahamakin ang lahat para sa pagmamahal."

Biglang pumasok sa isip niya si Lancelot Patay. Kung wagas kung magmahal ang mga Ginulayan, at isang Ginulayan rin naman si Patay, pupuwede kayang maging patay na patay rin ito sa kanya?

"Pero ang pangit kasi talaga ng Patay na apilyedo, nakakaiyak kung magkakatuluyan kami at magiging Thalia H. Patay ako. Pero gwapo naman si Lance, mabango, macho, mabait, matangkad, kaya akong buhayin, pwedeng pang boyfriend material, pero, kapag sinabi ko ba ang nakaraan ko sa kanya, matatanggap niya kaya ako?"

Kailangan na talaga niyang makausap ang mga taong may malaking bahagi ng nakaraan niya. Kailangan niyang makahingi ng tawad kay Aron Miguel, kay Candice, sa mga magulang niya. Pero kasi ang tanong, kailan? Hindi siya nabibigyan ng tamang pagkakataon. Gusto na niyang makapag simulang muli.

"Para sa iyo ito, anak. Lagi kong sinasabi sa iyo dati na magpakabait pero hindi naging mabait si Mommy, naging makasarili, pero promise Baby, sisikapin ko talagang maging mabuting tao."

Dalawang araw ring wala si Celerio, mabuti na lamang at pinayagan siya sa trabaho niyang umabsent. Sinuguro niya munang okay si Gabrielle bago umuwi. Nasa tabi naman nito si Ruel at pwede siyang makibalita na lamang, pero alam niyang hindi siya mapapalagay.

Pag-uwi niya ay si Thalia ang nagbukas ng gate, inaasahan na niya iyon dahil alam niyang sa mga oras na ito ay nakauwi na ang dalaga mula sa trabaho. Hindi na rin siya namomroblema ng tigahatid at sundo rito dahil tuluyan ng inako ni Lancelot ang dati niyang ginagawa.

"Salamat. Sorry ulit at kailangan kong magpaiwan sa Kidapawan."

"Okay lang yun, naiintindihan ko naman. Kumusta siya?"

"Maayos na siya." Napatingin si Celerio sa bisita nito. Si Lancelot, ngayon niya lamang napansin ang pinsan.

"Kumusta?" Tanong nito sa kanya.

"Okay naman , sige, maiiwan ko muna kayong dalawa."

"Hay, ang nagagawa nga naman ng pag-ibig." Iiling-iling na sabi ni Thalia.

"Ganyan kami magmahal." Nakangiting sabi ni Lancelot. "May pag-asa ba ako sa iyo, Thalia?" Biglang tanong nito sa kanya.

"Pagod ka na ba sa kakaligaw, Lancelot?"

"Hindi naman, kaya ko namang maghintay. Hangga't walang laman ang puso mo, Thalia, kakayanin ko. Gusto kong balang araw ako ang tatao jan."

Tipid na ngumiti si Thalia. "Alam mo, Lance, kung sana dumating ka sa buhay ko noon, hindi ako magdadalawang isip na sagutin ka."

"May dahilan kaya ngayon lang tayo nagkakilala, Thalia. Sana lang bigyan mo ako ng pagkakataong mahalin ka. Noon, kapag umabot ako ng isang buwan o nakakadalawang Linggo pa lang ako at alam kong wala akong pag-asa, itinitigil ko na, sabi ko sa sarili ko, maraming babae, maraming pwede, hindi dapat nagsasayang ng oras. Pero mula ng nakilala kita, ang sabi ko, maghihintay ako. I know you are worth the wait, Thalia."

Hindi alam ni Thalia pero bigla siyang kinabahan. Si Lancelot ang unang lalaking nagsabi nun sa kanya. Kahit si Aron Miguel na ama ng anak niya ay hindi kailanman sinabing 'She is worth the wait'.

"Thalia?"

"Thank you, Lancelot. Gusto ko, kapag nagmahal akong muli, matatanggap niya kung sino at ano ako dati. Gusto kong mamahalin niya ako ng buong-buo."

"Tell me more about your past, Thalia. Share to me the whole you. Let me prove to you that I can love you despite of everything. Please give me a chance." Seryosong sabi ni Lancelot.

Mas lalo tuloy nadagdagan ang kaba ni Thalia. Alam niyang sinsero si Lancelot sa sinasabi nito. Pero bakit wala man lang kilig kahit very very slight?

"Ah, Lance, masyado ng seryoso, kinakabahan na ako ng bongga, hinay-hinay naman at baka hindi ko kayanin." Pagbibiro niya.

"Alam mong seryoso ako sa iyo, Thalia. Just try opening your heart. Okay ako kahit subukan mong maging tayo kahit isang buwan, I mean, don't get me wrong, not exactly the real boyfriend-girlfriend relationship. Subukan mo lang kung paano ako magmahal, kung paano kita mamahalin."

"Ay iba na to, Lancelot Patay, hindi na joke, right?"

"Nope." Seryoso pa rin ang kaharap.

"Pwede bang pag-iisipan ko ang sagot?"

Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Lancelot. "Salamat, Thalia."

"Pero pwedeng-pwede na NO, hindi ba? Kapag NO ang sagot ko, titigil ka na sa panliligaw?"


ChancesWhere stories live. Discover now