23

6.1K 190 16
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

23

"Nakakainis naman kasi yang Chief nyo, Lado, bakit naman kasi si Lancelot pa ang isinama? Marami naman akong nakitang pulis jan na pwede ah!"

"Malay ko. Bakit hindi mo itanong kay Chief yan kapag nakabalik sila, iyon ay kng makakabalik."

Nakasimangot na si Thalia, bigla kasing may lakad ang kasama nilang nakakataas at si Lancelot ang pinili nitong isama. Walang nagawa ang binata kundi magpaalam kay Thalia, humingi ito ng paumanhin at sinabing babalik ito kung makakabalik.

"Ganun kapag nasa serbisyo ka, Thalia, uunahin mo ang bayan kesa girlfriend."

"Hindi pa niya ako girlfriend no. Eh bakit ikaw, wala ka namang isinamang pamilya rito, bakit hindi ikaw ang pinili ni chief? Alam mo, palakasan rin yan, ano?"

"Magdahan-dahan ka nga sa sinasabi mo, Thalia, marinig ka ng iba."

"Nakakainis kasi, Lado! Ano na ang gagawin ko rito? Wala akong kakilala, hindi naman ako asawa o girlfriend ni Lancelot G. Patay nay an, nakakahiya! Alam mo, kung alam ko lang ang daan para makauwi sa bahay ko, I mean, bahay ninyo, umuwi na ako."

"Okay, ako na ang kasama mo ngayon." Napipilitang sabi nito.

"IKaw?"

"Bakit? May iba ka pa bang kakilala rito? At ano ang sabi ni Lancelot kanina? Akon a raw muna ang bahala sa iyo, hindi ba?"

"Hiyang-hiya naman ako sa tono mo, Lado, parang napipilitan ka lang, at parang may utang na loob pa ako sa iyo! Sobra to, para namang may choice ako!"

Nasa ilalim sila ng puno ng talisay, ang sarap tignan ng tubig dagat pero nawalan na ng gana si Thalia na maligo, isa pa, kanina pa siya inis na inis, umpisa pa lamang ng lakad, idagdag pa ang pangingialam ni Celerio sa suot niya.

"Next time kasi, Thalia, alamin kung saan ka pupunta at sino ang makakasama mo."

"Oo na! Ako na ang hindi nagtanong. Ako na naman ang nag assume, ako na ang nasasaktan ngayon, ako na, lagi na lang ako."

"Tsk!"

"Nag-aaway kayo? Naku, hindi maganda yan, kaya nga tayo narito ngayon para makapag bonding. Natural ang may hindi pagkakaunawaan sa mag-asawa, pero ngayon ang tamang araw para magsaya. Ang ganda ng paligid, mabuti pa maglakad-lakad kayo dun sa bandang yun, para makapag-usap. Kita mo ako, pang apat na baby na naming ito ng mister ko."

Nagkatinginan silang dalawa, bigla kasing nagsalita ang babaeng napadaan sa tabi nila, kanina pa ba ito nakikinig? At sila, mukhang mag-asawang nag-aaway?

"Ate!" Sigaw ni Thalia sa babaeng malayu-layo na ang nalalakad, gusto niyang habulin ito para itama ang mga sinabi niya pero agad na nahawakan siya ni Celerio sa kamay.

"Hindi kaya tayo mag-asawa."

"Hayaan mo na." Nakakahiya, baka napalakas ang pag-uusap nila. Hindi naman sila nag-aaway, normal sa kanila ang ganitong pag-uusap ni Thalia.

"Pero mali siya eh, hindi naman tayo nag-aaway, nag-uusap lang tayo, di ba? Isa pa, hindi kita asawa! Mukha ba tayong mag-asawa?" Napatingin siya sa kamay niyang hawak pa rin ni Celerio.

"Kaya napagkakamalan tayo eh, yung kamay ko, hawak mo pa rin. Enebenemen! Hindi mo na ba mapigilan ang sarili mo, Lado, nagkaka crush ka na ba sa akin?"

"Ewan ko sa 'yo, Thalia. Halika na nga." Hindi na nito binitawan ang kamay ni Thalia. Hinila siya nito papalayo sa lugar na yun.

"Saan tayo?"

"Kakain. Tanghalian na, at kung hindi ka kikilos jan, mauubusan tayo ng pagkain."

"Ahhhhhhhh. Akala ko maglalakad-lakad na. Susundin ang payo ni Ate."

********************************************

"Ganun pala kayo kumaing mga pulis, anong tawag dun, budul-budul fight." Busog na busog si Thalia, naghugas sila ng kamay ni Lado sa dagat. Katatapos lamang nilang kumain kasama ng ibang pulis at ang pamilya ng mga ito.

"Boodle fight, Thalia. Mabuti naman at nabusog ka. Magpahinga ka muna saglit, pagkatapos maligo tayo ng sabay."

Agad na napatingin si Thalia sa kanya.

"...sa dagat. Utak mo, kung anu-anong naiisip." Napailing si Celerio.

Tumaas ang isang kilay ni Thalia. "Sino sa atin ang nag-iisip ng kung anu-ano."

"Lahat na lang talaga may sagot ka, halika na nga, maglakad-lakad na lang tayo, minsan lang ako mapunta sa ganitong lugar."

"Sure!"

Nakakailang hakbang pa lang siya nung biglang huminto si Thalia.

"Bakit?"

"Di ba dapat naka holding hands tayo?"

"Ewan ko sa 'yo, bumalik ka sa cottage, ako na lang ang maglalakad-lakad." Biglang iniwan nito si Thalia na agad namang humabol.

"Sobra ka, hindi ka talaga gentleman!"

Tahimik na lamang silang naglakad-lakad. Maganda ang lugar, hindi pa gaanong na-develop pero alam mong may potential.

"Ang sarap ng ganitong buhay , ano Lado? Yung maglalakad-lakad ka lang sa tabi ng dagat kasama ng mahal mo sa buhay. Yung mamaya, sabay kayong titingin at mag-aabang ng paglubog ng araw. Ganyang ginagawa namin ni Tom noon."

"Tom? Sinong Tom?"

"Ha? Wala. Halika, bumalik na tayo. Saka, parang wala pa ako sa mood mag swimming, ang pangit kasi ng suot ko, matulog na lang muna ako sa cottage." Gusto niyang baguhin ang usapan, nanunuot kasi ang tingin ni Celerio sa kanya. Nakakailang.

"Okay." Hindi na nagtanong pa si Celerio, bigla kasing nagbago ang mukha ni Thalia, makikita mo ang lungkot sa mga mata nito.

Naglakad na lamang sila pabalik, malayo pa lang ay tanaw na nila si Ate na biglang sumingit sa usapan nila kanina, nakatingin sa kanila bitbit ang anak nito, kilala ni Celerio ang katabi nitong pulis.

"Okay na ba kayong mag love birds?" Biglang tanong ni Ate.

"Po? Si Ate naman hindi..."

Biglang hinawakan ulit ni Celerio ang kamay ni Thalia, kaya napatigil ito sa sasabihin niya.

"Okay na po kami."

"Mabuti naman, Sir. May konting problema kasi kami at kayong dalawa lang ang makakasagot." Sabi ng kasamahang pulis ni Celerio.

"Ano ba yun? Anong maitutulong namin?"

*******************************************************************************




ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon