38

5.8K 252 50
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

38

"Marami ang naniniwala na kapag magwi-wish ka sa grottong ito ay matutupad, alam mo bang marami ng nagpatunay?" Dagdag impormasyon ni Celerio.

"Talaga?" Hindi makapaniwala si Thalia. Bakit hindi ito nabanggit ng tour guide niyang si Lancelot kanina?

"Oo sabi, wala namang mawawala, 'di ba? Halimbawa, magwi-wish ako na magkatuluyan tayo kasi kawawa ka naman, pinagpapantasyahan mo na pala ako."

"Yuck! As in kadiri ka! Tabi nga jan!" Bahagya niya itong itinulak.

"Pakibilisan naman po! Marami pa kaming nakapila!" Sigaw ng babae sa baba. Biglang nahiya si Thalia. Sumeryoso naman si Celerio.

"Sige na, mauna ka ng magdasal at humiling." Umatras siya ng konti.

Taimtim naman na nanalangin si Thalia, nung matapos ay sandaling pumikit si Celerio para magdasal. Inalalayan nito si Thalia na bumaba ng hagdan. Mula sa malayo ay tanaw nilang naglalakad sina Vivienne at Lancelot.

"Ano bang hiniling mo?" Curious na tanong ni Celerio.

"Ipinagdasal ko na sana magkaayos na kami nina Papa at Mama, pati na rin nina Aron Miguel. Sana mapatawad na ako ng mga taong nasaktan ko." Seryosong sagot nito. "Ikaw?"

"Isa lang naman, sana lahat ng hiling mo, matupad." Ngumiti ito kay Thalia at sa hindi malamang dahilan, wala itong nasabi.

"Halika na, nag-aantay na ang Babe mo." Binitiwan na nito ang kamay ng dalaga. Bakit ba bigla siyang naghinayang na hindi na sila HHWW pabalik?

"Siyangapala, kung gusto mong puntahan ang pamilya mo, pwede kitang samahan."

"Talaga?"

"Oo."

"Hindi ko kasi alam ano ang magiging reaksyon nilang lahat, Lado. Natatakot ako."

"Kaya nga sasamahan kita."

Malapit na sila kina Lance at Vivienne. "Si Lance kaya masasamahan ako? Nakakahiya naman kasi sa iyo, pagkatapos anjan pa si Vivienne Stoplight."

"AKO ang sasama. Tapos na ang usapan. Bilisan mo nga jan. Uuwi na tayo." Biglang nagbago ang ihip ng hangin.

"Hala! Kailangang beastmode agad, Lado. Oo na, ikaw na! Ikaw na ang sasama! Ikaw na lang lahat!"

Pareho silang nakasimangot nung makarating kina Lancelot at Vivienne.

"What happened?" Nagtatakang tanong ni Vivienne.

"Don't mind them, ganyan talaga ang dalawang yan. Normal lang nila." Pagpapaliwanag ni Lancelot.

"I see. Hindi ako sanay na ganyan si Lerio."

"Babe, huwag mo kasing pikunin si Insan. Uwi na tayo? Bumili na lang tayo ng paborito mong chicken joy."

"Yes, Babe." Nauna na silang naglakad, kasunod sina Celerio na nawala na ang ngiti at Vivienne na agad kumapit sa braso niya.

************************

"Tama bang narinig ko Celerio na nobya mo na si Vivienne?" Kumakain sila ng agahan ng magtanong ang Mama ni Celerio sa kanya.

"Ma, hindi po. Sino naman ang nagsabi niyan sa 'yo?" Sabay tingin kay Thalia.

"O? Bakit ka sa akin nakatingin? Hindi ako ang nagsabi no. Like duh! Hanapin mong pake ko sa inyong dalawa."

"Maliit lang ang lugar natin, anak. Hindi si Thalia ang nagsabi. Kakarating lang niya mula ibang bansa, hindi ba? Kailan ka nanligaw?"

"Hindi po ako nanligaw, Ma."

"Ikaw na, Kuya! Iba talaga ang mga tipo natin, hindi na kailangang manligaw. You're the man."

Thalia rolled her eyes. Hindi niya napigilan. "Wala kasing ibang choice si Vivienne."

"Nagseselos ka, Ate? Akala ko nga kayong dalawa na ang magkakatuluyan eh. Yun pala Babe mo na si Kuya Lance."

"Babe? Nobyo mo na si Lancelot? Aba't ano bang nangyayari sa pamamahay na ito at wala akong kaalam-alam." Reklamo ni Lola Letty.

"Hindi ko po siya nobyo, Lola. Hindi naman kasi ako kasing atat niyang apo nyo."

"Ako pa ang atat? Pagbalik nyo ni Lance mula sa pag-ikot-ikot biglang Babe na ang tawagan. Tigilan mo nga ako, Thalia."

"Helllooo! Eh kayo ni Vienna Stoplight nga ang nagdeclare ng status nyong M.U. pabebe-teenager-lang ang peg!"

Nagkatinginan lang sina Lola Letty, ang Mama ni Celerio at GErson. Saka lang para nahimasmasan ang sina Thalia at Celerio nung napansin nilang silang dalawa na lang ang nagsasalita.

"Sorry Lola Letty, Mama, at Gerson." Nakayukong sabi ni Thalia.

"Okay lang sa akin. Halata ko naman kayong dalawa." Balewalang nagpatuloy sa pagsubo si Gerson.

"Halatang ano?"

"Nagseselosan." Ang Mama ni Celerio ang sumagot.

"Ako po, magseselos? Si Lado yata ang nagseselos kay Lancelot."

Napatingin naman silang lahat kay Celerio na tahimik ng kumakain. 

"Ano ngayon kung nagseselos ako?"


Natawa ako sa isang nag PM sa akin, hindi niya raw ma gets ang mga A/N ko, kasi namern, huwag nyong intindihin ang mga yan, katulad nito, kasi tinatype ko lang madalas kung anong nasa utak ko. Labasan ko lang ng stress sa buhay ang aking mga isturi. Matatagalan bago ako makapag update ng stories! Salamat sa mga nagbabasa at nagvo-vote!


ChancesWhere stories live. Discover now