32

5.7K 209 24
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

32

Wala talaga akong balak mag-update kaya ito ay beri-beri lyt lang. Tinks! Clan war na tayo!!! Wahahahahahahaha! Sali kayo sa COC namin.

Nakauwi na sila ng Parang, Maguindanao, mas magaan ngayon ang pakiramdam ni Thalia dahil kahit papaano ay nakapagpalabas siya ng mga hinanakit niya sa buhay noon. Mas magaan ang pakiramdam kapag may tao kang pwede mong pagsabihan ng iyong mga problema at mga pangarap na hindi naman natupad.

Bestfriend na nga ang tingin niya kay Celerio dahil feeling close na talaga sila. Isa pa, hindi na ito masyadong nagsusuplado sa kanya ngayon.

"Lado, may tanong ako, gusto kong makuha yung opinion mo."

"Tingin mo ba kung papayag ako sa magiging set-up ni Lancelot, hindi magiging unfair sa kanya?"

"Anong set-up?"

"Na susubukan kong maging kami, pero hindi talaga kami. I mean, parang sort of M.U. lang."

Seryosong tumingin si Celerio sa kanya. "Hindi ginagawang laro ang relasyon, Thalia."

"Hindi naman talaga laro, kasi, medyo may trauma na ako. What if si Lancelot pala ang hinahanap ko para maging masaya? Hindi ba sa isang relasyon, hindi naman laging purong pagmamahal? Masaya naman ako kapag kausap si Lance, komportable ako sa kanya. Gusto kong subukang magmahal ulit."

"Thalia, hindi natuturuan ang puso kung sino ang mahalin mo. Kung sana ay pwede, matagal ko ng ginawa yun. Magiging unfair sa parte ni Lance. Alam naman nating malaki ang gusto sa iyo ng tao. Ikaw ba may gusto sa kanya?"

"Crush lang."

"Crush? Ano ka, teenager? Tigilan mo nga ako." Sumimangot ito. Salubong na naman ang mga kilay.

"Gwapo naman kasi si Lance, macho, ang ganda ng ngiti, matangkad, pwede ng pang boyfriend material. Isa pa, malaking tulong siya para sa pagmo-move on ko."

"Para kang nagmamadali, kailangan ba talagang makipagrelasyon para lang sa sinasabi mong move-on?"

"Hindi naman."

"Yun naman pala. Ewan ko sa 'yo."

"Epal ka talaga. Kumusta ka naman? Kumusta ang puso mo pagkatapos mong malaman na wala na talagang pag-asa?"

"Okay naman, tanggap ko na, matagal na."

"Hmmmmm. Dapat kasi huwag mong buruhin ang sarili mo dito sa bahay, Lado. Broaden your horizon. Wala ka bang night life? Parang hindi ka binata. Pagkagaling mo sa duty, dito ka sa bahay tumatambay. Mambabae ka naman kahit minsan."

"Sira ulo ka talaga."

"Alam mo, tumambay ka ulit sa Convenience, ang dami kong kasamang magaganda dun. Or bigyan kitang textmate, gusto mo?"

"Tigilan mo ako, Thalia."

Nagkukulitan silang dalawa ng dumating si Gerson. Agad na napatingin sa kanila.

"Hi Gerson!"

"Nag-aaway na naman ba kayo?"

Sabay pa silang sumagot. "Hindi ah!"

"Mabuti naman. Kuya, naalala mo si Vivienne?" Naupo na ito sa harap nila.

"Sinong Vivienne?"

"Si Vivienne Go, ang unang babaeng minahal mo." Tukso ni Gerson.

Tumaas ang isang kilay ni Thalia. May babae pa itong ibang minahal bukod kay Gabrielle?

"Ah, si Vi? Bakit?"

Dalawang kilay na ni Thalia ang nakataas, hindi itinama ang sinabi ni Gerson na unang babaeng minahal niya, ibig sabihin, totoo?

"Nagkita kami kanina. Kadarating lang pala niya galing Dubai. Ikinamusta ka nga sa akin. Tinanong kung binata ka pa rin."

"Talaga?"

"Ang ganda pa rin, Kuya, mas lalong pumuti. Sinabi ko nga na binatang-binata ka pa rin. At ito ang good news, dalaga pa rin siya, Kuya."

"So?" Hindi na nakatiis na sagot ni Thalia.

"So, ibig sabihin, pwede pa nilang dugtungan ang nakaraan nila. Hindi ba at magpapakasal na si Gab? Baka ito na ang pagkakataon na mag move-on ka, kuya. Baka si Vivienne na ang hinihintay mo."

"Hindi kailangang makipagrelasyon agad-agad para lang makapag move-on, unfair 'yun sa girl. Hindi ba, Lado? Ikaw ang nagsabi niyan sa akin kanina."

Napangiti si Gerson. "Selos ka naman, Thalia?"

"Ako? Magseselos? Hellllloooooooooo! Like duh!" Sabay irap kay Gerson.

"Sinabi mo yan ha. Kuya, heto pa ang isang good news."

"Ano?" Natatawa si Celerio sa reaksiyon ni Thalia.

"Ibinigay niya ang number niya, itext mo raw para naman makapag-usap kayo." May dinukot sa bulsa si Gerson at ibinigay iyon kay Celerio.

"Ang cheap ha, siya pa ang nagbigay ng number niya." Nakaismid na sabi ni Thalia.

"Ang galing mo, Bro! Salamat. Tamang-tama na pareho kami ng network." Hindi nito pinansin ang sinabi ni Thalia.

"Basta ikaw!" Tinapik pa nito sa balikat si Thalia bago umalis.

Hindi na naimik si Thalia pagkatapos. Nakangiting tumingin sa kanya si Celerio.

"Itetext ko ba?"

"Paki ko. Itext mo kung gusto mo." Naiinis na sabi niya.

"Hindi ba magmo-move on na tayong dalawa? Hindi ba sabay tayo?"

"Ayaw mong sagutin ko si Lancelot pagkatapos ikaw pwede sa Vivienne na yan? Unfair ito."

"Hindi ko naman liligawan si Vi ah, kukumustahin ko lang. Siyempre curious ako kung ano na ang itsura niya ngayon, kung mas gumanda ba. Alam mo, maganda na siya nung high school kami, ano na lang kaya ngayon?"

"May dumating lang na iba, agad-agad na nakalimutan mo si Gab? Agad-agad move on ka na?"

Napangisi si Celerio. LUmapit sa kanya. "Alam mo, Thalia, nahahalata na kita. Pero ang cute mo palang magselos."

"Bwiset! Hindi nga ako nagseselos. May gusto ba ako sa iyo para magselos ha? Kapal nito! Isa pa, kanino ako magseselos,s a Vienna Sausage na yun? Dahil pumuti? If I know, nag glutha lang yun. Dahil gumanda? Mas maganda ako dun. Isa pa, mas gwapo sa iyo si Lance no. Chura nito! Tse!" Sabay alis, hindi niya alam kanino siya maiimbiyerna, kay Gerson ba o kay Celerio.

"Papasaload, Thalia. Iisang network lang naman tayo!" Sigaw ni Celerio. Hindi maalis ang ngiti niya.

"Wala akong load! Nagpalit na ako ng network!"

Natawa na si Celerio, masarap palang asarin si Thalia. Mabilis mapikon. Wala naman siyang balak na i-text si Vivienne, gusto niya lang mang-asar. Ngayon bigla siyang na curious, nagseselos nga ba ito?

Imposible, alam niyang kahit papaano ay may gusto ito kay Lancelot.

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon