9

6.5K 218 13
                                    

FB: Xianrandal

Twitter: @XianRandal

FB Group: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok ne)

*************************************

9

“Lado, hindi na ako makakauwi nito. Mahal ang ticket! Nakakainis naman oh.” Tinignan lang ni Celerio si Thalia na nakaupo sa harap ng hapag-kainan. Sila na lamang dalawa ang natira at nag-iisip siya kung paano lusutan ang gulong inumpisahan ng babaeng ito na sa totoo lamang ay hindi naman niya kilala talaga at wala siyang balak kilalanin.

“Pwede ba, tumahimik ka nga muna, hindi ako nakakapag-isip sa ingay mo.”

“So ako pa ngayon ang maingay ha? Ikaw nga to, kung ginising mo sana ako kaninang madaling araw, eh di sana nakauwi na ako ngayon. Hindi ba, sinabi ko sa iyo kagabi na madaling araw ako aalis papuntang Davao?”

Hindi niya ito pinansin. Iniisip niya ang magandang gawin at magandang sasabihin sa pamilya niya lalo na kay Lola Letty.

“Lado!” Ungot ni Thalia, wala na siyang oras, alam niyang sa mga ganoong lugar, limitado ang sasakyan papuntang Davao.

“Tigilan mo nga ako sa kakatawag na Lado, hindi yan ang pangalan ko.” Naiiritang sabi ng lalaki sa kanya.

“Hala! Eh kasi naman, mas maganda ang lado kesa sa Celery? O Cel? Miracle in Cell # 10?”

“Seven.” Pagtatama niya. “Ano ba, ang gulo mong babae ka.”

“Ikaw nga rin jan, tatawagin mo akong babae, ang name ko ay THALIA, I’m Thalia Hermosa, in case you don’t remember. Bakit mo alam ang Miracle in Cell # 7? Oi, follower ng Korean Dramas!” Tukso niya sa nakasimangot na binata.

“Napanood ko nung may reach – out sa ..teka, bakit ba ako nagpapaliwanag sa iyo. Kailangan nating gumawa ng paraan para makauwi ka na.”

“Tama! Ang mahal ng ticket Lado, tipid kaya ako, iba na ang buhay ko ngayon simula ng mawala si…” Napatigil siya. Biglang nalungkot nung maalala ang anak at si Aron Miguel, ang lahat-lahat.  “Kainis, flashback na naman.”

“ikaw pa ngayon ang may ganang mainis.” Hindi niya naintindihan ang ibig sabihin ni Thalia.

“Hindi ikaw yun.” She sighed. “May hugot lang ako.”

“Women.”

“Whatever! Sige na, gawan mo na ng paraan oh, kailangan kong makaalis, pakiusapan mo si Lola Letty at Mama.”

“Pwede ba, THALIA, right? Close your mouth, I couldn’t think well. I can’t keep track.”

“Hala! Kailangan English talaga, Lado? Oi, hindi lang ikaw ang naiinis, naiinis rin ako, tignan mong mukha ko oh, inis na inis na yan, hindi lang halata dahil maganda ako, eh ikaw.” Napatingin siya sa mukha nito. Gwapo pa rin pala kahit suplado.

“What?”

“Wala. Sige, manahimik na ako, mag-isip ka na jan. Mag-iisip rin ako. Pareho tayong mag-iisip.”

Naihilamos niya ang palad sa mukha. “I have to leave. Babalik ako.”

“Hoi Lado. Sandali. Huwag mo ako iwan.” Umalis na lang kasing bigla si Celerio.

“Paano to?” Iniisip niya paano maglakad, plus, iniisip niya rin paano iligpit ang mga pinagkainan.

****************************

“Arrrrraaaaayyy! Paksheeee…” Napatingin siya sa pamilya Ginulayan na nakatingin rin sa kanya, lalong-lalo na kay Celerio na walang kangiti-ngiti. “Pakshew! Yahhh! Pasheeeewwww! Arrrrraaaaaaayyyyy! Put..putekkk!”

“Neng, hindi ko pa nasisimulan ang hilot ko, tinignan ko lang kung saan ang namamaga.” Ang sabi ng manghihilot na kinuha ni Celerio.

“W-wala pa ba, Lola? Akala ko po kasi nakapag-umpisa na kayo. Masakit kasi eh, kahit yung pag-angat nyo pa lang sa paa ko.”

“Huwag kasing nagrereact agad.” Side comment ni Celerio.

“Ikaw kaya rito, ako jan.”

“Cel, ano ka ba.” Saway ng Mama niya.

“kuya naman, dapat nilalambing si ate at nang di gaanong masakit.” Dagdag asar pa ng kapatid niya.

“Tomo! Apir tayo jan!” Nakuha pa ni Thalia na makipag biruan sa kapatid ni Celerio. Nung biglang naramdaman niyang pinisil ng manghihilot ang paa niya.

“Arrrraaaaayyyy! Paksheeeeettttttt! Masakit! Tama na Lolaaaa!” Inilayo niya ang paa niya. Sabay hagilap sa kamay ni braso ni Celerio na katabi niya, iyon ang napisil niya ng bongga.

Tiniis ng binata ang kurot ng babaeng katabi, masakit rin sa tenga ang sigaw nito. Nakakahiya, baka akalain ng mga kapitbahay nila eh anong ginagawa nila kay Thalia.

“Itikom mo nga ang bibig mo, para kang kinakatay na baboy.”

“Tama na, Lolang manghihilot. Hindi na keri.” Pinagpapawisan na siya sa sakit.

“Mas sasakit pa yan, Neng kapag hindi nahilot agad. Pagkatapos, mas makakabuting ipatingin yan sa doctor, baka napano na, isa pa, masakit rin ang balakang mo hindi ba?”

“Baka mamatay ako, malagutan ako ng hininga sa hilot nyo.”

“Tumigil ka nga, nakakahiya kay Lola Miley.” Baka kasi nasaktan na ni Thalia ang damdamin ng matandang manghihilot, alam naman ni Celerio na sensitibo na ang pakiramdam nila.

“Miley? Lola Miley Cyrus? Ang astig ng name nyo Lola Miley, kaso, masakit po talaga. Pwede bang dahan-dahan lang po?”

“Hindi pa nga ako nakakapag-umpisa, Neng, simpleng hawak pa lang yan.”

“Thalia, hindi gagaling yan. Tiisin mo ang sakit, pagkatapos niyan, magiging okay na ang pakiramdam mo.” Sabi ng Mama ni Celerio.

“At kapag hindi mo tiniis ang sakit, hindi ka makakalakad ng maayos, hindi ka makakauwi.” Segunda pa ni Celerio.

“Magiging maayos rin ang lahat, Thalia, tiisin mo lang ang sakit.”

“Tiniis ko naman lahat ng sakit ah, nagsakripisyo ako, binigay ko lahat, natanggal ba ang sakit, La, Ma? Wala naman ah.”

Nagtatakang nagkatinginan ang Mama at si Lola Letty.

“Thalia, ano bang pinagsasabi mo?”

“Wala, throwback Thursday lang.” Tumingin siya sa malayo, nalungkot siyang bigla.

“Ate, pictures lang ang tino-throwback, hindi kasama ang feelings. Nakakatuwa ka.” Natatawang sabi ng kapatid ni Celerio. “Ang whogoat mo, wagas. Ganyan ba kalalim ang sakit na ibinigay ni Kuya sa iyo?”

********************************

Dahil araw ng Kamatayan ni Rizal! Wala eh,  ganito ang nangyayari kapag sarili ko ang kausap ko. :3

-Xian-

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon