3

7.6K 209 28
                                    

3

November 11, 2014

If you just know how frustrated I am right now! Pagpasensiyahan kung baliw man ang update, ito ang outcome. Baligtad ang utak ko eh, I do RomCom pag ganito ako, sa drama pag masaya, mas madalas ako stressed kaya madalas RomCom na uupdate.

*************************************************

“Ibig mong sabihin may nangyari na sa inyo ng pamangkin ko?” Tanong ng isa pang may edad na babae, talagang lumapit sa kanya. Gusto niya sanang pagtaasan ng mga kilay ang mga ito. Big deal? Helloooo! Nasa makabagong henerasyon na sila ngayon.

“Tita, let me explain. Ma, Lola, lahat kayo, pakinggan nyo muna ako.” Hindi na nakatiis si Celerio, baka kasi kung ano pa ang lalabas sa bibig ng babaeng ito na may sayad yata.

“Ano pa ba ang ieexplain mo ha,Celerio? Matapos kong ibigay ang lahat-lahat sa iyo, alam nyo, Lola, hinabol ko pa siya rito, ayaw niya akong kausapin, nawala na lamang siyang bigla.”

Tumulo na ang mga luha ni Thalia, sunud-sunod. The perks of being a drama club way back in college, talaga palang mapapakinabangan mo sa oras ng pangangailangan.

“Sandali, maupo nga muna kayong dalawa. Ipaliwanag mo ito, Celerio, hindi kita pinalaki para lamang mang-api ng babae.” Galit na sabi ng Mama niya.

Siya pa ngayon ang masama? Siya pa ang nang-api?

“Na-nahihilo po ako, Lola.” Arte ulit ni Thalia, alam niya, kapag naupo na siya, hindi na titigil ang mga tanong, kailangang makagawa ng paraan upang makaiwas.

Nataranta naman ang mga tao sa bahay nila, pwera kay Celerio, alam kasi niyang umaarte lang ito.

“Naku, papahingahin muna natin si Thalia. Ikaw, Celerio, dalhin mo na nga siya sa kuwarto mo at nang makahiga man lang, mamaya na natin siya kakausapin, o bukas.” Utos ng Lola Letty niya.

“La! Bakit naman sa kuwarto ko?” Reklamo niya.

“Si Kuya naman, akala mo eh may itatago pa kay Ate. Akala ko pa naman eh may hinihintay na babaeng maging single and available, yun pala ay may tinatago na sa amin.” Tukso ng kapatid niya.

“Sige, magpahinga na muna kayo.” Taboy ng Mama niya. “Alalayan mo nga ang nobya mo, Cel. Ano ka ba?” Galit na ang Mama niya. Tuloy wala siyang nagawa kundi hawakan ang alam niyang nag kukunwari-kunwariang babaeng ito. Hindi niya akalaing papayag ang mga ito na patuluyin ang bwisita nila sa kuwarto niya!

Nasaan ang pagiging konserbatibo ng mga ito?

Pagkapasok ay agad na binitawan niya ang babae. “Ano ba ang drama mo ha? Ano ang mga pinagsasasabi mo sa pamilya ko? Baliw ka ba?” Matigas pero mahinang sabi niya.

“Sobra ka! Sa ganda kong to, mapagkakamalan mo akong baliw? Tignan mo nga oh. Look at my face, Lado.” Inilapit niya ang kanyang mukha sa binata. Malapit na malapit, ito tuloy ang napaatras. “Saan ang trace ng kabaliwan jan? Baka magulat ka na lang, bukas pag gising mo, ikaw na ang baliw sa akin.” Mayabang na sabi niya.

ChancesWhere stories live. Discover now