C18: Missing.

Magsimula sa umpisa
                                    

Psh. Pagbuhol-buhulin ko mga dila nila eh.

 Padabog kong sinarado ang pintuan. Hinanap ko agad si Phire na nadatnan ko namang nakaupo at nakatulala. Mahigpit niyang hawak-hawak ang kanyang cellphone na para bang may hinihintay na importanteng tawag o text man lang. Inilagay ko sa upuan ko ang bag saka lumapit agad sa kanya.

"Ayos ka lang ba, Phire?" umiling siya. Alam kong tungkol ito kay Aislinn. "Kilala ko na kung sino ang nagkalat ng tungkol kay Aislinn." Napatingin siya sa akin  na nanlalaki ang mga mata.

"Sino?" tanong niya.

"Si Abi." Napatingin kaming dalawa kay Abi na nasa kabilang row at nakikipagkwentuhan sa mga kaklase namin habang tumatawa pa. Hindi ko napigilan si Phire nang tumayo siya at pumunta agad sa kinauupuan ni Abi.

"Sino ka para ikalat yung tungkol kay Aislinn?" nakapameywang niya sabi kay Abi. Sumunod naman agad ako at pumwesto sa likuran niya. Nakita ko rin ang paglapit nila Katherine at ang iba sa klase sa likuran ni Phire. Hanggang sa nag-iisa na lang si Abi sa kinatatayuan niya.

"Ano na naman ba ito Sapphire? At san mo naman nakuha yan, aber?" tugon naman sa kanya ni Abi. Aabante na sana ako nang naramdaman ko ang kamay ni Clyde sa braso ko. Lumingon ako sa kanya at nakita ko siyang umiling saka ko narinig ulit ang pagsasalita ni Phire.

"Pake mo kung san ko nakuha? Ang importante, totoo, diba?" Napa-'Tsss' lang si Abi sabay irap kay Phire. Di ko talaga maintindihan tong Abi na to, masyadong epal sa klase. Mahilig bumangga ng mga hind naman niya kaya. Dati pa ko nababanas sa babaeng to eh,papatol na talaga ako ng babae ng wala sa oras.

 "Sige, sabihin na nating totoo. Oh tapos? Ano na?" sunod-sunod ang bulungan sa  paligid. Patuloy pa rin nila pinag-uusapan ang nanyari kay Aislinn. Natigil lang ang mga bibig nila sa kakabulong nang nilingon sila ni Phire. Buti nga sa kanila.

"Alam mo Abi, wag mong masyadong ipahalata na atensyon ang kailangan mo ha? Namumuro ka na sa amin. Ano bang problema sa grupo namin?!" sa totoo lang, minsan ko lang makita na sumisigaw si Phire. Isang patunay na galit na talaga siyang ngayon at sa mga ganitong pagkakataon, hindi ko alam kung makakausap ko ba siya nang matino.

Nanatili akong nakatayo sa likuran niya. Kapag talaga may gagawin pa tong Abi na to na mas masama, ako na ang gagawa ng paraan. Para kay Phire. Para lang sa kanya.

"Oh c'mon Sapphire, alam na alam mo. Dyan naman nagsimula sa grupo nyo ang lahat diba? Kayo ang dahilan kung ba't nanyayari ang mga nanyayari ngayon. Sa tingin mo, ikakatuwa ko pa yang lecheng grupo nyo?" lumapit pa si Abi kay Sapphire na mas kinainis ko. "At tsaka hindi ko na kasalanan kung napakatanga ni Aislinn. Alam mo ba, napakabigat ng mga kasalanan na ginawa niya." Tumawa pa siya bago magsalita ulit. "Nagpalaglag, nagtangkang magpakamatay tapos ang pinakanakakadiri sa lahat, nakipagrelasyon sa tatay! Oh my gosh Sapphire, napakakadiri ng kaibigan—"

Nagulat ang lahat sa ginawa ni Phire.

Nanlalaki ang mga mata ni Abi habang hawak-hawak ang pisngi niya. "H-How dare y-you?" sabi pa niya.

"Ikaw pa talaga ang may ganang magsabi niyan ah?" pinalansikan ng mata ni Phire si Abi bago lumingon ulit sa mga kaklase namin na nasa likuran niya. "Diyan naman kayo magaling diba? Ang manghusga? Bukod sa nagpalaglag, nagpakamatay at sa relasyon ni Aislinn sa ama niya... ano pa ba ang alam nyo sa kanya?! Anong karapatan nyo para husgahan siya dahil lang sa mga maling bagay na nagawa niya? Hindi nyo siya kilala at alam kong wala kayong balak kilalanin siya. Kung hindi nyo alam kung paano tumahimik sa pangchi-chismis, pumunta kayo sa akin at tuturuan ko kayo, mga bobo!"  Tuloy-tuloy niyang sinabi sa kanila.

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon