Prologue

6.5K 139 15
                                    


WHAT HAPPENED TO US
(Arrange Marriage With My Ex)

“Dad, masaya na si Marco sa bagong buhay niya! Huwag na po nating guluhin ang relasyon nila. Masaya na din ako sa gantong buhay!”

Namuo ang mga luha sa kaniyang mga mata habang matalim na nakatingin ang kaniyang ama sa kaniya. “Naririnig mo ba ang sinasabi mo Samantha? Ang pamilya ng lalaking iyon ang magliligtas sa atin! Para maisalba ang kompanya!”

Nanghina siya ng tuluyan at napaupo sa sofa. Napayuko siya para di makita ng kaniyang ama ang paglandas ng kaniyang mga luha. “Di ko magagawang manira ng isang relasiyon para lang sa kagustuhan mo Dad. Dignidad ko ang nakasalalay doon.”

“Hindi Samantha! Ikakasal kayo sa ayaw o sa gusto mo!” iyon ang huling sinabi ng kaniyang ama bago umalis at iwan siya sa sala ng kanilang bahay.

Hindi niya napigilan ang mapahagulgol sa sobrang sakit na nararamdaman. Pakiramdam niya ay napakadali niyang itapon para sa isang kasiyahan ng iba.

Pinahid niya ang mga luha niya at sinundan ang Dad niya na palabas ng gate. Sasakay na sana ito ng sasakyan ng pigilan niya. “It's a no, Dad! Di ako papayag! Di niyo mababago ang desisyon ko! Di ako magpapakasal sa kanya! Di ako magpapakasal sa lalaking di na ako mahal!”

Magsasalita pa sana ang kaniyang ama ng bigla itong humawak sa kaniyang dibdib at tila nahihirapang huminga. “D-dad?”

Nilapitan niya ito at agad inalalayan. “D-dad? Dad! Tulong!” bigla itong nawalan ng malay at buti na lang salo salo niya ito.

***

“P-payag ka na?” tanong ng kaniyang ama.

“Opo, magpagaling lang kayo.” isang pilit na ngiti ang kaniyang ibinigay sa ama bago lumabas ng kwarto si Samantha.

Bigla na naman siyang pinaghinaan ng loob at napaiyak sa sakit. “Bakit ako na lang lagi?”

Lumingon siya sa kanan't kaliwa at hinanap ang elevator. Nang bumukas iyon ay siya ding papalabas ng isang makisig na lalaki.

“Marco...”

“Sana maging masaya ka na. Ito gusto mo diba? Ang pakasalan ka? Tignan ko lang kung maging masaya ka na kasama ako. Minahal kita, Sam. Minahal. Dati pa 'yun at hindi ngayon.”

Lumabas ito sa elevator at binunggo siya. Para siyang nakadikit sa kitatayuan niya at natulala. Nang magsink-in sa kaniya ang sinabi nito ay naiyak siya sa galit.

“Tangina mo, Marco.”

---
It's been a while! 💙

What Happened To Us? (Completed) Where stories live. Discover now