twenty-two

2.1K 84 9
                                    

"Shut up Minji." Mahina ngunit may diing sabi ni Maerin kay Minji pero hindi siya nito pinansin at patuloy na nagsasalita kaya naman mas naasar siya rito. Akmang susugurin niya ito ng pigilan namin siya ni Hani. "Kumalma ka kaya ano?" Nakasimangot na sabi ni Hani. Kakatapos lang namin mag-ensayo ng mahigit tatlong oras at ngayon palang kami magpapahinga. "Paano ako kakalma kung kaingayan niya ang naririnig ko ngayon, halos wala ngang maitulong sa practice natin. Puro panlalandi lang ang ginagawa." Nanggigigil na sabi ni Maerin. Maging ako naaasar kay Minji dahil wala parin siyang pinagbago. Ayun, tumabi nanaman kay Jungkook. "Magbabanyo muna ako." Paalam ko sa tatlo. Tumango 'yong dalawa samantalang si Taehyung oppa, nahiga na sa bleacher at mukhang natutulog na.

Habang naglalakad papuntang comfort room ay hindi pa rin maiiwasan na may mga taong pinagchichismisan ako nang dahil sa nangyari sa amin ni Soojun. Despite the fact that they already knew what happened, they didn't stop gossiping about us. Para bang may mapag-usapan lang. Pero tulad ng sabi ni Suga oppa, I shouldn't give a damn, which is very effective especially the news about dad's wedding is now in public. As soon as I reached the comfort room, pumasok agad ako sa isang cubicle. Habang inaayos ko ang sarili ko ay may mga pumasok. Lalabas na sana ako ng cubicle ng marinig ko ang boses ni Minji na may halong kilig. "He's falling for me!" Hindi naman ako ganoon ka-slow para hindi magkahint na si Jungkook ang tinutukoy niya. "Sigurado ka? I have this feeling na si Taery ang gusto ni Jungkook." Sabi ng hindi ko kilalalang boses, marahil ay kaibigan ni Minji. "Don't you ever say that again! Ako ang gusto ni Jungkook!" May halong galit na sagot nito. "Whatever Minji. I have to go." Pagkasabi noon ay narinig ko muli ang pagkabukas at sara ng pinto. "Gosh! How can she say that to my face? Is she even my friend?" Bulong ni Maerin sa sarili.

Since wala namang mangyayari sa akin dito sa loob ng cubicle ay lumabas na ako. Hindi na ako nagulat ng makita kong bwisit na bwisit ang mukha ni Minji. Pero siya ay halos mamula na nung makita ako. "Tsk narinig mo naman siguro ang sinabi ko diba? Jungkook is falling for me." Nakapameywang niyang sabi na animo'y nagmamalaki. "Really? But your point is?" Kunot noo kong tanong. "Don't you ever flirt with him. Simple lang diba?" Napatangu-tango ako sa sinabi niya. Inaasahan ko na 'yon ang sasabihin niya kaya hindi na ako nagulat. Actually, I'm expecting for more established and brutal answer from her. Well, I guess she's too small 'not literally' for my expectations. "For your information, hindi ko siya nilalandi. Say that to yourself."

---

"Mukha kang kalapati alam mo 'yun?" Napataas na lang ako ng kilay sa sinabi niya. Kalapati? Like seriously? Hindi na lang ako sumagot sa pang-aasar niya dahil hindi pa rin maalis sa isip ko 'yung mga narinig ko kanina sa banyo. Ako? Gusto ni Kookie? Was she even serious? Hindi ako kasing ganda ng mga members ng Red Velvet at The Ark na ngayon ay ipinagpapartner na sa BTS kaya malayong magkagusto sa akin 'yon. "Jungkook oppa, ano na palang status niyo ni Minji? Dating? Complicated?" Tanong ni Hani na ikinabigla naming lahat. Nandito kami ngayon sa may bahay nila Hani, nagyayaya kasi siyang magmerienda at gusto raw kaming makilala ng parents niya. "Wala naman si Minji, sagutin mo na." Ngumunguyang sabi ni Maerin. Hindi ko mapigilang mapatingin kay Jungkook na ngayon ay nakatingin din pala sa akin. "Minji? We're just good friends." Simpleng sagot nito. "Friends? Really? Pero bakit ganun, masyado siyang clingy?" Diretsyong tanong muli ni Hani. "I find her clingy too but I understand why she acts like that. Minji's our fan especially my fan."

"I beg to disagree on your point of view Mr. Kookie the big nose pogi. Sobrang bait mo kaya she's using that as an advantage on her part lalo na't alam mong may gusto siya sayo. Pustahan, umaasa siya na may gusto ka sa kanya." Sabi ni Maerin. Para bang napaisip si Jungkook. "Why would she think like that?" Napasabunot na lang si Maerin sa sarili niya saka nagsalita. "Kakasabi ko lang Kookie! Because she likes you and pinapabayaan mong maging magkalapit kayo. Duh!" Ngumuso naman siya at tinignan muli ako. "But I don't like her the way she likes me." Bigla namang naghiyawan 'yong tatlo saka kami pinagtabi ni Jungkook na kanina ay kaharap ko lang. "We're making so much noise." Paalala ko sa kanila para maiba ang topic. To be honest, kinikilig nanaman ako. Who would not right? "Nasa kwarto na si Mommy at kakaalis lang ni Daddy. Kaya ayos lang na mag-ingay tayo." Nakangiting saad ni Hani.

BaekYeon's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon