eleven

2.3K 78 18
                                    

Tuesday, ipinatawag kaming mga freshman sa gymnasuim para daw sa isang announcement. Pagkapasok pa lang namin kanina sa gate ay dinala kami nang mga seniors sa gymnasium. Pagkadating namin duon ay natanaw namin sina Jungkook at Taehyung kasama si Minji. Halos palibutan na sila ng mga kababaihan sa pwesto nila kaya hindi na namin sila pang nilapitan. Hindi na ako nagulat ng makita ko si Minji na katabi si Jungkook. Nagtatawagan na pala sila, kahapon lang. Taehyung told us na lumapit raw sa kanila si Minji noong kausap namin si Soojun at kinuha ang number ni Jungkook since mag partner sila sa p.e namin. I was a bit disappointed kay Jungkook kasi binigay niya agad ang personal number niya kay Minji. The fact that I'm starting to feel like she's making her move to get his attention.

I texted Taehyung oppa na nasa pinakagilid kaming bleachers para hindi na sila pa maghintay sa amin. Nakita ko namang tumayo siya at hinanap kami. Nang makita niya kami ay agad itong ngumiti sa amin at akmang hihilain si Jungkook papunta sa amin but I signaled him na 'wag nang lumapit sa amin. It's kinda rude na iwanan nila ang mga fans nila para sa amin.

Simula nang magkatawagan sila kahapon ay nasundan pa raw ito sabi ni Taehyung hanggang sa maggabi na. Maerin was the one who asked his cousin about Jungkook and Minji not me. Isang good night lang ang natanggap ko galing sa kanya kagabi. Nothing more, nothing less. Even Maerin, simpleng Good night lang. I asked myself why I'm feeling jealous to that girl. Nakakaasar at nakakabwisit, 'yang ang nararamdaman ko kahapon hanggang ngayon.

I can't tell Maerin about my feelings towards Jungkook. Magiging awkward lang kung sasabihin ko lalo na't sobrang daldal nito at baka masabi pa niya sa pinsan niya o 'di kaya kay Jungkook mismo ang nararamdaman ko. Ayoko namang mangyari 'yon kaya I decided to keep it to myself.

Jungkook is the kind of boy na sobrang gentleman, cute, pogi, mabait, palangiti, talented. Hindi naman siya matatawag na golden maknae para sa wala. We only knew each other for hfew weeks but I know, I fell in love with my friend. Akala ko nadala lang ako sa mga pang-aasar ni Maerin sa akin pero hindi, I love everything about him. His flaws, kung gaano siya kakulit kapag kaming apat lang ang magkakasama at kung gaano siya kasweet towards sa akin. Alam kong masyadong mabilis perohindi ko na,an mapigilan ang sarili kong gustuhin siya.

"Good day Freshmans!" Masiglang bati sa amin ng isang senior na nasa stage na sobrang pogi kaya naman halos hindi magkamayaw ang mga kababaihan sa loob ng gym. Maging si Maerin ay nakisigaw na rin, wala eh pogi kasi. "We're going to have Sport Festival for all freshman at we're expecting all the students of Mr. Jung-our Master P.E teacher to participate in the activities. Para naman sa mga iba ang teacher, pili na lang ang mga makakasali at ang iba naman ay magiging audience na lang. Your P.E teachers will elaborate further lahat ng sinabi ko. That's all." He said before he dismissed us.

--

"Since mga estudyante ko kayo, lahat ay inaasahang magparticipate. Badminton ang main sport natin kaya kukuha ako nang isang pair para sa Sport Festival. Ang iba naman ay sasali sa iba pang laro. Voleyball, basketball, table tennis, football at iba pa bahala na kayo. Basta I need all of you to participate in the said activities."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagtawag siya ng mga estudyante para maglaban sa badminton. Sina Maerin at Hani ay halatang nagpatalo sa kalaban nila dahil narinig ko silang nag-uusap at gustong sumali sa voleyball team. Marami pang naglaban at may isang nag-stand out na pair sa lahat. Pareho silang lalaki at talagang magagaling sila. Hanggang sa tinawag na ang pangalan namin si Taehyung kaya dali-dali kaming bumaba sa bleacher at kinuha ang mga raketa namin. Nabigla ako na pababa na rin sila Minji at Jungkook. Isa lang ang ibig sabihin nang pagbaba nila, sila ang makakalaban namin ni Taehyung. "Lagot na." Rinig kong bulong ni Taehyung pero nang tanungin ko siya kung anong ibig sabihin niya ay sinimangutan niya ako saka nagpapadyak. Napatili naman ang mga fans niya sa section namin sa pagpapacute niya.

BaekYeon's DaughterWhere stories live. Discover now