seven point three

2.3K 80 28
                                    

"Who the hell are you and what are you doing here?!" Soojun hollered at me. I was taken aback when she dragged me out the hospital room. Hindi ako nakapanlaban ng hilain niya ako saka itunulak palayo sa kanya na nakapagpa-upo sa akin sa malamig na sahig. She cringed like I'm a dirt. Walang mga dumadaan na nurse o kaya naman pasyente sa hallway kaya sa tingin ko walang nakakita. "I'm asking you! What the hell are you doing he-- wait! I think I saw you before? Oh! That pathetic-looking-fan of my boyfriend! Huh!" Sabi niya saka nagpakamaywang.

Fan, great.

Kahit na gusto ko siyang sampalin saka ingudngod sa pader ay hindi ko ginawa. Pigil-pigil muna. May next time pa. At kung meron pa nga, di na ako papaapi sa mukhang takong na 'to.

"Hey! What's wrong with you woman?!" I heard a familiar voice near us. He looked at me and helped me stand up. "She's a sasaeng!" Soojun's voice became furious as well as her expression. "Oh really? Kahit na sasaeng pa siya, you don't have the right para saktan at pagsabihan ng masasakit na salita!" He retorted. If there is someone I should be afraid of, hindi si Soojun kundi si Kim Heechul, my mom's bestfriend.

SM hater, right?

"OMG! Ako pa ang masama ngayon? Look, Heechul. This bìtch needs life. Imbes na mag-aral ang gawin, sinundan pa hanggang dito ang boyfriend ko! Oh my gosh this is so stressful!" Maarteng sabi niya saka hinilot ang ulo niya. Ngumisi si Kim Heechul saka nilapitan si Soojun. "Know your place scumbag. You look pitiful." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay hinila niya ako palayo sa lugar na 'tyon. Lumingon ako at nakita ko siyang nagdadabog saka pumasok sa kwarto ni Daddy.

"Here." Abot niya sa akin ng ice cream. Kinuha ko naman iyon at sinimulang kainin. "Thank you po pala." Sincere kong sabi at nagbow. Ngumiti lang siya saka kinain na rin ang ice cream niya. Wala masyadong tao ngayon dito sa canteen ng hospital kaya okay lang na nandito siya. "I'm Kim Heechul." Pagbabasag niya sa katahimikan saka inabot ang kamay niya. "I know. I'm Byun Taery." Nahihiyang sabi ko saka tinanggap ang kamay niya. "Alam mo dapat pinagtatanggol mo ang sarili mo. Paano na lang kung wala ako dun? Baka ano pang nagawa niya sayo." Casual na sabi nito. "Nabigla lang po kasi ako." Pagpapaliwanag ko. "Paano na lang kung nakita ng Mommy mo ang ginawa sayo ng babaeng 'yun? Kilala mo naman si Taeyeon, sobrang tapang nun." Natatawang sabi niya. "Alam mo?" Nanlalaki ang matang tanong ko. He smirked and said. "I'm your mom's best buddy." Pagmamalaki nito. "That explains everything." Sabi pa nito saka inubos ang ice cream niya. "I have to go now. May rehearsal pa kami. It's nice meeting you in person my lovely niece." Nakangiting sabi niya saka umalis.

Aalis na sana ako ng makita ko si Maerin na tumatakbo papalapit sa akin. "Maryosep Taery! Nandito ka lang pala!" Sabi niya saka sinapo ang ulo. "Bakit?" Tanong ko rito pero hindi ito sumagot. "Oy Maerin, problema mo?" Muli kong tanong. Tumingin siya sa mata ko at may nakita akong pumatak na luha sa mata niya. "Maerin, why are you crying?" Napahawak ako sa kamay niya saka siya tinahan. "Jusko Taery! I feel so blessed!"Nakangiti niyang sabi pero may mga luha pa ring tumutulo mula sa mata niya. "Anong pinagsasabi mo? Naka high ka ba?" Kunot noong tanong ko. "Dream come true Taery! DREAM COME TRUE!" Kinikilig niyang sabi saka ako niyakap. "Jusko Taery! Hulog ka talaga ng langit sa akin. Ikaw ang sagot sa mga dasal ko. Thank you!" Sabi niya saka ako hinalikan ng tatlong beses sa pisngi ko. "Nakakakatol ka ba?!" Nandididiring tanong ko rito saka pinunasan gamit ang kamay ko ang pisngi kong hinalikan niya.

"Arte neto! Anyway, si Sehun oppa kasi. Paggising ko magkayakap na kami. Jusko ang bango bango niya! Hindi ko kinaya. Sandali lang Taery. 'Yung feels ko kasi e. Ubos na! Jusko, tapos nung tatanggalin ko na 'yung pagkayakap niya sa akin KYAHHHH! Taery kinikilig talaga ako." Pinandilatan ko siya ng mata dahil hindi matuloy-tuloy ang kwento niya. "Oo na eto na. May narinig kasi ako sa labas na parang may papasok kaya pinilit ko siyang gisingin para tanggaling ang pagkayakap niya sa akin pero ayaw magising. OMG what is air. Taery kailangan ko ng oxygen!" Mamula-mula niyang sabi. "Nung bumukas 'yung pinto, pumasok si Soojun. Girlfriend ng dad mo. Tae mukhang ipis lalo na 'yung boses. Sumisigaw siya at mukhang banas na banas. Pulang-pula e. Nagising lahat ng nasa kwarto kasama na si Uncle Baekhyun. Tinanong ng dad mo kung bakit raw ganoon ang mood niya tapos sabi niya may Sasaeng na nakapasok at dinescribe niya. Matawa-tawa kami kasi ikaw na ikaw 'yung lumalabas sa description niya. Duon niya rin ako napansin, sa sobrang gulat ko naitulak ko si Sehun oppa na nakayakap pa pala sa akin. Tinanong niya kung sino ako tapos alam mo ba ang sabi ni Sehun oppa. Jusmiyo marimar!"

"I'm her's." Panggagaya ni Maerin sa sinabi raw ni Uncle Sehun kay Soojun. "Pero kahit na sinabi niya lang 'yun para hindi ako pag-isipan ng masama ni Soojun, fan girl goals pa rin 'yun no! Akalain mo, wala akong kaagaw ng sinabi niya 'yon? Emegesh talaga, muntikan na talagang mahulog 'yong panty ko kanina." Kinikilig niyang sabi. Maging ako ay kinikilig sa mga kwento niya. Pinakita ko na rin sa kanya lahat ng pictures nila ni Uncle Sehun habang tulog siya. Halos masakal niya na ako kanina sa kilig niya. Ginawa niyang screen lock 'yung picture nila na nakanguso si Uncle Sehun habang nakatingin sa kanya at home screen 'yung magkayakap na sila.

"I met Kim Heechul." Panimula ko ng mahimasmasan na siya dulot ng kaharutan ni Uncle Sehun. "You met who?" She asked. "Kim Heechul. Bingi ka?" Biro ko sa kanya saka tumawa ng pilit. "Paano? Vinisit niya si Auntie Taeng?" Tanong niya. Idinukdok ko ang mukha ko sa kamay ko saka sumagot. "He helped me kanina. Soojun dragged me out of the room tsaka pinagsabihan ng masasakit na salita. Then Kim Heechul appeared. Alam mo naman kayang gawin ng lalaking 'yon diba?" She nodded saka sumama ang timpla ng mukha niya. "What do you want me to do?" Gigil na sabi niya. "Nah, hayaan mo na. Di ako bababa sa level niya." Sabi ko na lang kahit na gusto ko siyang iparape sa kabayo.

Matapos naming magpaalam sa parents ko ay sumakay kami ng elevator pero sa kasamaang palad nanduon rin si Soojun.

Great.

"Oh! You're here. Pauwi ka na ba? I'll give you a ride." Nakangiting sabi ni Soojun kay Maerin, ignoring my presence. As if I care.

"You're Byun Baekhyun's girlfriend right?" Ngiting tanong rito ni Maerin. She nodded proudly and asked why. "Really? Akala ko, maid ka niya. Mukha ka lasing basahan e." Sweet na sabi ni Maerin saka hinaplos ang mukha ni Soojung. "Owww yuck! Taery, may hand sanitizer ka ba diyan? Nakahawak kasi ako ng dumi e." Mapang asar na sabi ni Maerin. Pinigilan kong tumawa dahil baka masapak ako ni Soojun.

Kitang-kita sa mukha ni Soojung ang pagkabigla at asar sa mga sinabi ni Maerin. "Yah! Kiddo! Watch your mouth! Kung ayaw mong dagdagan ko 'yang nasa pisngi mo!" I saw Soojun clenched her fist, halatang nagpipigil na sampalin si Maerin. "Why should I?" Paghahamon ni Maerin saka humarap sa kanya. Mas matangkad si Maerin dito kahit na nakaheels na siya, partida nakaflats lang si Maerin. "Didn't your mom told you about manners? Mas nakakatanda ako sayo! You should respect me!" Sigaw ni Soojun. Mabuti na lang at tatlo lang kami ngayon sa elevator. "Eyy, talk about manners. Bakit kita gagalangin kung ikaw mismo walang manners? And yeah! Before I forgot, see this lady beside me? She's not a bìtch-pathetic-looking-fan nor sasaeng but my best friend. Kapag nakita kitang babastusin ulit ang kaibigan ko. I'm telling you magbalot balot ka na. I can turn down your job at kung anong pagmamay-ari meron ka in just one snap. Remember, one snap." Pagbabanta ni Maerin sa kanya. Bakas sa mukha ni Soojun ang pagkabalisa at takot.

"Here, hand sanitizer." Dagdag ko pa saka ito binigay kay Maerin. Pigil ang tawa namin ni Maerin hanggang sa makarating kami sa ground floor. Bago kami umalis ay binigyan pa siya ni Maerin ng isang flying kiss.

"Nakita mo 'yon? Speechless ang gaga." Matawa tawang sabi ni Maerin habang hawak ang tiyan niya. Kanina pa kami nagtatawanan dito sa sasakyan niya habang inaalala ang reaction ni Soojun sa mga sinabi niya. "Thank you." Sabi ko rito pero nagflipped hair lang siya. "Quits na tayo, pangthank you rin 'yon sa pagkuha ng pictures namin ni Sehun oppa."

☆☆☆

Soojun at the multimedia section. Pretty right?

BaekYeon's DaughterWhere stories live. Discover now