Nang natapos na kami kumain ay tinulungan kong maglinis ng kusina sila ngunit gaya kanina ay hindi nila ako pinatulong. Kaya nanatili ako dito sa upuan ko at tinitingnan silang nagliligpit ng kinainan namin.

"ahmm kilala ko po ang anak nyo." Biglang sabi ko na nagpatigil sa kanilang ginagawa.

"benji..." mahinang bulong ni aling andeng at mayamaya lang ay may pumatak sa isang luha sa kanyang mata.

Biglang tumabi sakin si Aling Andeng at ang isang luha sa kanyang mata ay nasundan pa ng marami.

"Kamusta na sya iha? Maayos lang ba sya? Kumakain ba sya na ayos? Maayos ba ang kanyang tinititahan?"Dirediretsong tanong nya sakin.

"Andeng ang puso mo tumahan ka na." sabi sa kanya ni Mang Carlito na nasa tabi na nya ngayon para alalayan sya.

"ahmm..." paano ko ba to sasabihin. May sakit puso si Aling Andeng at ayoko namang maging dahilan sa pagkakaroon nya ng atake sa puso.

Habang kumukuha ako ng lakas ng loob bigla na lang lumitaw si benji sa taba ni Aling Andeng.

Malungkot syang tumango dahan dahan. Isang malinaw na confirmation na kailangan ko ng sabihin sa kanila ang totoo ngayon.

"Patay na po sya."

"Hindi magandang biro iyan iha." seryosong sabi sakin ni Mang Carlito. Sana nga at nagbibiro lang ako pero hindi eh.

"Hindi po ako nagbibiro mang carlito." malungkot na sagot ko sa kanila. Kinakita ko kung papaano humigpit ang kapit ni Aling Andeng kay Mang Carlito.

"PATAY! sigurado ka ba dyan?" Di makapaniwalang tanong sakin ni Aling Andeng habang walang tigil parin ang hubos na kanyang luha.

"Opo magaapat na buwan na po syang patay." Hindi ko alam kung saan pa ako kumukuha ng lakas na loob na makapagsalita sa harap nila. Ngayon alam ko na kung bakit ayaw sabihin ni benji sa kanila ang totoo kasi sobrang hirap pala lalo na nakikita mo silang umiiyak.

"Baka nagkakamali ka lang iha, maraming benji sa mundo marahil kapangalan nya lang iyo. Hindi maaring patay na ang aming anak." sabi nya sakin habang patuloy parin syang pinapatahan ni kanyang asawa.

"Sorry po pero yung larawan na nasa kwarto ni benji na anak nyo at benji na kilala ko ay iisa." Pagdadahilan ko sa kanya. Mas lalo napaiyak at ngayon pati si mang Carlito na naluluha na rin pero alam ko sinusubukan nyang maging matatag.

"Bakit sya namatay? Eh napakasigla naman ng bata yon?" Tanong sakin ni Mang Carlito.

"Naholdap po sya at nasaksak."

"Carlito! bakit? bakit ang anak pa natin." humahagol-gol na tanong ng kanyang asawa sa kanya.

Wala namang naisagot sa kanya ni Mang Carlito at tanging niyakap na lang nya ng mahigpit ang asawa.

"Huminahon po muna kayo Aling Andeng baka po atakihin kayo sa puso." Sabi ko kay Aling Andeng sabay abot ng isang basong tubig na kinuha ko.

"Tahan na Andeng." nihihimas naman ni Mang Carlito ang likod nya para mapatahan sya.

"Carlito pupunta ako ng batangas. Kailangan kong pumunta ng batangas. Carlito, si Benji kailan ko sya makita. Baka nagkakamali lang sya. Baka hindi pa patay si Benji." dirediretsong sabi ni Aling Andeng ng mahimasmasan na sya.

"Tahan na Andeng. Sige pupunta tayo ng Batangas pero hindi sa ngayon. Wag ka munang magpadalos dalos. " Mahinahong sagot sa kanya ni Mang Carlito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I am courted by a GHOST! ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon