Sabik

2.7K 97 30
                                    

A/N: Before freaking out by the end of this update, please read the footnote, thanks.

Sabik

Sabik ang lahat ng bagay ngayong gabi. Sabik ang metro ng driver ng taxi. Sabik ang bestidang kong kasing puti ng white roses at lilies. At sabik ang takong kong basag na ang huni.

Lahat sila excited. Lahat sila nag-aabang ng kasunod.

"Reserved under Mr. Buenavista." Sabi ko kay manong guard na tumaas pa ang kilay sakin. Oo kuya, maintriga ka kung bakit ako under kay Mr. Buenavista.

"Sa dulong VIP room, miss." Pinakawalan na rin ako ni manong suplado. Apparently, hindi siya mabilis ma-impress. Kailangan mo munang magsabi ng mga tamang salita. At sa gabing ito ang magic words ay under at Mr. Padilla.

"Salamat Kuya." Nakangiti kong sabi. Dali-dali din naman akong naglakad papasok ng hindi pamilyar na lugar, mahirap na, baka mainip si Mr. Buenavista. Baka tinapay na, maging bato pa.

Vanilla ang amoy ng hangin. May wine at dinner pa sa gilid. Naisip ko tuloy kung bakit pa kailangan ng ganito. Hindi ba maghubad lang ang trabaho ko?

Iginala ko pa ang paningin sa paligid. At doon ko siya nakita sa gilid. Nakatalikod, nakahubad, pero nakatapis. Magiging madali lang 'to, sabi ko. Tutal lang din naman at parang sabik ding lumipas ang gabing ito.

"Saan po tayo?" Sabi ko nang may lambing. Pero hindi yung lambing sa batang patutulugin. Kundi yung lambing na pilit. Yung hindi nanunuot sa buto.

Pero hindi siya gumalaw sa pagkakatalikod. Aba, pa-hard to get pa. Pero kabisado ko na ang laro nito. Gusto may kaunting himas, gusto may maliit na palabas. At ako ang pinili niyang artista sa pelikula. Aarte pa ba ako? Pera na 'to di'ba?

Kaya hinatak ko na pataas ang puti kong bestida at nagmamadaling naglakad papunta kay Mr. Buenavista. Wala akong iniwan, at alam kong wala na ring balikan. "Sir..." Bulong ko sa kaliwang tenga, siniguradong didikit ang labi sa balat.

Pero nanatili lang siyang nakatalikod sa akin. Matigas na parang kahoy, pero alam mong inaanay na ang loob sa kaba. Kawawa naman to, perstaym kaya niya? Inilapat ko ang parehas na daliri sa dulo ng kanyang balikat. May timpi. May ingat. Malamig ang kutis na sa malapitan pala ay mamula-mula. Gaano kaya to kabata?

Hindi ko na napigil ang sarap ng lambot. Inilapat ko na ang buong palad sabay ng madaop na hagod. Pawis siya sa pakiramdam ko at halatang ninenerbyos ang isang to. "Diinan ko pa ho ba?" Tanong kong may lambing na talaga.

Hindi siya nagsalita at iyon ang naging tanda. Tinuloy ko ang hagod mula taas hanggang baba. Mula sa tuktok ng balikat pababa sa dulo ng daliri. Mula sa pawis hanggang sa tuyong bahagi. Lahat may pasubali. Lahat may bagal at dagli. Pero noong umabot na sa hangganan ng kanyang kahubdan, naputol ang hanging nagkukumahog. Tumigil ang ingay na nageeskandalo. At ang tanging tumingin sa akin ay isang pares ng inosenteng mata, itim at namimilog.

"Sir bakit po? Hindi niyo po ba gusto?" Tanong ko sa kanyang humihingal. Takot na baka nga may mali. Na baka umuwi akong sawi.

"Hindi." Malamig at malalim. "Hindi ko lang..." Iginala niya ang mata sa walang saplot kong katawan. "Hindi ko lang alam kung bakit ako nandito."

Gusto ko ring magtanong. Gusto ko ring makarinig ng sagot. Pero ang tulad ko ay walang boses. At pera ang isinasalpak na sagot sa bawat kong hikbi. Nanatili akong tikom. At pinagmasdan ang naguguluhan niyang mukhang unti-unti ring humihinahon.

"Ikaw, alam mo ba kung bakit ka nandito?" Muli, natutukso akong magsalita. Pero parang kinapon na rin ang aking dila. "Ako kasi, hindi ko alam."

"Hindi ba't nandito ka para upahan ako?" Sagot ko. Matipid. Matalim. Pero hindi siya natinag. Hindi siya nagpapigil. Sa halip ay ngumiti siya, pero naguluhan ako sa sabay na pagsiwang ng tuwa at hinagpis sa kanyang mukha. Ano kayang iniisip niya?

"Bakit ka nandito?" Tanong niya at hindi ko na maintindihan. Bakit parang gusto niyang makipagkaibigan? "Anong pangalan mo?"

Hindi ako muli nagsalita. Sa halip ay hinakbangan ko na ang pagitan naming dalawa. Umuusad ang oras. Pumapatak ang metro ng taxi sa labas. At may mga bibig na nagugutom na naghihintay. Hindi iyon dapat masayang sa isang walang kwentang usapan.

Hinatak ko na muli ang telang nakatapis, at sa pagkakataong ito hindi na siya umimis, hinagod na lamang ng tela ang malasutla niyang kutis.

Ramdam ko ang bawat daplis ng kaunting balat. Uhaw at gutom. Itinulak ko na siya tsaka tumaas, at hinalikan siya na parang walang bukas.

Umikot ang mundo at nakita ko siya sa taas ko, wait Lord, ito po ba yung langit ko? Pinagmasdan ko ang bawat kibot na gagawin, bawat tunog na huhuniin, tsaka ko itinanong sa sarili, kalian kaya mangyayari gusto ko na ang gagawin? Kailan kaya may gugustong umangkin?

"Miss, please." Bulong niya at tumigil ako. Hinayaan ko lang siyang malapit, maningning sa butil ng pawis. Tsaka ko muling pinadaan ang palad sa bawat hulma ng kanyang mukha. Bakit? Bakit ang inosente niya? Bakit ako? Bakit sa akin ibinigay ang gabing ito?

"Mr. Buenavista." Hindi ko alam ang mga hikbi. Walang arok ang bawat luhang pumapatak. At wala sa usapan ang sabik na yakap.

"Miss, tahan na. Nasasaktan ba kita?" Saad niya bago ako hilahin sa isang masiil na yakap. Tumigil ang lahat. Tumuldok ang sarap. At alam kong walang bayad ang lahat. Masakit ang walang pera. Masakit ang walang buhay. Parang impyerno. Mainit at mahapdi.

Tumayo ako at nagpunas. Pero inunahan niya na ako at hinalikan ng buong suyo. Hindi mainit, hindi malamig, tama lang para malaman kong totoo ang lahat ng ito. "Miss." Tingin. "Nasasaktan ako kapag umiiyak ka."

Umalis na lamang ako. Hindi ko kayang ituloy ang lahat ng ito. Dahil alam ko simula noong tumapak ako palabas, na minsan lang siya, at ako nama'y lilipas.

----------------------

A/N:Wag mabibigla! Not necessarily, kn ang characters ng one-shot na ito. Ikalma.

I've always wanted to write a piece like this. Para ito sa lahat ng prostituted women out there, my heart breaks for all of you and we will always hear your cries. Gusto ko lang mabuksan ang diskurso tungkol sa kalagayan nila at sana sa lalong madaling panahon, ay mawala na ang mga taong kailangan magbenta ng aliw para lang may ipang-kain.

So next time na itataas niyo ang kilay niyo sa mga tulad nila, mag-isip tayo, gusto ba nilang nandiyan sila? Have a good day!


The After FallOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz