Handog

6.5K 285 105
                                    

Handog

Niluwagan ko ng kaunti ang pagkakabuhol sa neck-tie ko. Hindi ko nga alam eh, nasusuka na kasi ako at parang babaliktad yung tiyan ko pag hindi ko niluwagan tong pesteng kurbata. Teka, kurbata ba Tagalog niyan? Ah basta, nasusuka na talaga ako.

Isang beses ko pang narinig sigaw ng isang babae sa labas. Bumuga ako ng hangin at tumingala. Lord, kung kukunin mo na po ako ngayon, wag naman.

"Daniel Padilla!!!"

Kasabay ng palo sa bawat drum at indayog ng mga gitara, tinawag muli ng babae ang pangalan ko. Ito na yun. Ito na ulit yon. Ang isang bagay na hindi ko na yata makakasanayan. Ang isa sa mga natatanging bagay na paulit-ulit na magbibigay sakin ng kaba.

At lumabas na nga ako sa entablado. Tulad pa rin ng dati, sinalubong nila ako ng palakpakan. Dyahe nga eh. Hindi na yata ako masasanay na lahat ng tao, pumapalakpak sa simpleng paglakad ko palabas. "Magandang gabi ulit Araneta!" Hiyaw ko. Ginawaran ko ng tingin ang kabuuan ng lugar bago ko napagtanto sa unang pagkakataon, ang bawat isa sa kanila ay naglaan ng puwang sa puso nila para sa isang ako. Isang hamak na Daniel Padilla. "Ngayong gabi, may isang awitin akong napakatagal ko nang gustong kantahin." Tumigil ako para ngitian ang mga fans na nasa moshpit. "Ngayong gabi, may gusto akong gawin na hindi ko lantarang ginagawa."

Humugot ako ng hangin bago muling nagsalita. "Ito na po yata ang pang-walong concert ko sa buhay ko." Narinig ko kung paanong unti-unting namatay ang mga hiyaw. "Pero hindi pa rin nagbabago yung pakiramdam mula noong una. April 30, 2013. Diyan po tayo unang nagkita-kita, dito rin mismo sa Araneta." Tumawa ako ng mahina. "Ganun pa nga rin po eh! Kinakabahan pa rin ako! Takot pa rin ako!" Tumawa ako upang sagipin ang mga luhang pumapatak na sa mata ng mga tao dito. Mukhang um-okay naman, pero imbes na mawala ang mga luha, nadagdagan lang ito ng mga ngiti.

"Ngayon po, gusto kong magpasalamat sa lahat ng pumunta mula sa unang concert ko, hanggang sa ngayon." Hindi ko na mapigil umiyak. "Itong huling concert ko bago ako lumagay sa tahimik sa America."

Alam kong binasag ko ang puso nilang lahat. Nakita ko kung paanong umiyak ng sabay sabay ang lahat ng tao sa loob ng stadium na ito. Masakit makita silang ganyan, ang mga taong sumuporta at tumangkilik sa isang hamak na Daniel Padilla. Pero kailangan ko itong gawin eh. Kailangan.

At yun na ang cue ko. Nagsimula nang tumugtog ang ang banda sa likod bago ako lumakad papunta sa stool sa pinakaharap ng stage.

"Parang kailan lang, ang mga pangarap ko'y kay hirap abutin." Napangiti ako sa mga naalala ko. Ang Daniel Padilla bago ang kasikatan. Yung Daniel na mukhang butiki sa sobrang payat. Yung Daniel na ayaw ng lahat.

"Dahil sa inyo, narinig ang isip ko at naintindihan." Tinignan ko si Mama at ang mga kapatid ko. Ang saya-saya na nila ngayon oh. Si JC, may sarili nang recording studio pati na rin sariling pamilya. Si Magui, tapos na siya sa college at nagtatrabaho sa kumpanya ng Daddy niya. At si Carmella, ang bunso naming na pagkakulit-kulit. Ayaw papigil eh, kaya artista na at may kalove-team pa. At siyempre si Mama. Si Mama na laging nandiyan mula umpisa hanggang sa matapos na to. "Kaya't itong awiting aking inaawit, nais ko'y kayo ang handugan." Ngumiti ako sa pamilya ko. Ang mga taong dahilan kung bakit ako nagpursigeng mag-artista kahit ayaw ko. Ang mga taong dahilan ng lahat ng sakripisyong ito. The people who never left me. The people who brought me to life.

"Parang kailan lang, halos ako ay magpalimos sa lansangan." Naalala ko tuloy yung mga kwento ko dati. Kung paanong natauhan ako kasi nakita ko si Mama na pinagpapawisan habang pinapaypayan ang mga kapatid ko. Para yata akong sinaniban ng ewan nun. Sa unang beses sa buhay ko, ginusto kong may magawa na talaga para sa pamilya ko.

"Dahil sa inyo, ang aking tiyan at ang bulsa'y nagkalaman." Nagawi ang tingin ko kayla Papa at sa mga kapatid kong Padilla. Napangiti rin ako noong kumaway sakin si Aryana. Naalala ko tuloy kung paano nila ako sinuportahan sa mga unang taon ko sa industriya. Hindi rin kasi madali lalo pa't kakabit ko ang bawat isa sa kanila. Hirap maging Padilla eh. Kung ano-anong sasabihin sa iyo. Kesyo nasa dugo ko na ang pagiging manloloko. Oo nakakapikon. Pero mas gusto kong ipakita sa kanila kung gaano kasaya maging isang Padilla. Kung gaano ako nabuo noong makilala ang iba ko pang pamilya. Sila na bubuo pala sa pagkatao ko. "Nais ko kayong pasalamatan, kahit man lang isang awitin."

"Tatanda at lilipas din ako, nguni't mayroong awiting iiwanan sa inyong ala-ala." Isang lingo pagkatapos nitong concert na ito. Aalis na ako papuntang America. Doon na ako lalagay sa tahimik. Nakakalungkot kasi maiiwan ko ang lahat ng ito dito. Ang pamilya ko, ang mga kaibigan ko sa pagkahaba-haba ng panahon. Ang trabahong ito na sobrang minahal ko sa loob ng napakaraming taon. Pero kailangan kong magdesisyon para sa sarili ko. At buo na ang desisyon ko.

"Dahil, minsan, tayo'y nagkasama." Hindi ko na muli napigil ang luha noong makita ko ang ginawa ng lahat ng tao dito sa loob. Mula sa unang row ditto sa VIP hanggang sa kadulu-duluha ng gen.ad. Lahat sila may hawak na "We Are So Proud of You DJP"

Siguro dala na lang din ng emosyon? Hinilamos ko ang kamay ko sa aking mukha. Tanginang yan, concert ko pero umiiyak ako. "Ano ba yan guys. Wala namang ganyanan." Pagpapatawa ko sa gitna ng mga pesteng luha.

Pero may sariling utak na yata ang dila ko. Wala na akong nagawa. "Salamat ng marami sa inyo." Nagpunas ako ng uhog, badtrip. "Sa pamilya ko, sa management, sa lahat ng kaibigan." Nakita kong humahagulgol na yung iba. "Hindi pa ako mamamatay! Wag niyo akong iyakan!" Tumawa ako ng malakas.

"Maraming maraming salamat. Sa lahat ng fans. Hindi ko man madalas sabihin sa inyo pero hindi niyo alam kung gaano ako nagpapasalamat sa inyo." Tumigil ako para magpunas ng luha. "Alam ko lahat ng nangyayari sa inyo. Alam ko kung paano niyo kami pinaglalaban araw-araw sa mga walang katapusang detractors na yan." Huminga ako at ngumiti. "Palagi niyong iisipin na nagpapasalamat ako kasi pinatuloy niyo ako sa buhay niyo. Sino ba naman ako diba? Si Daniel Padilla lang ako. Pero kayo, kayo ang bumuo sa mga pangarap ko."

Umabot ako ng isang bondpaper sa moshpit. "Kaya itong We are so proud of you DJP? Sinasabi ko na sa inyo. Mas proud ako sa inyo."

Isang malakas na hiyawan at palakpakan ang bumalot sa stage. Kasabay noon ay ang pagpasok ulit ng musika.

"Tatanda at lilipas din ako

Nguni't mayroong awiting

Iiwanan sa inyong ala-ala

Dahil, minsan, tayo'y nagkasama."

Kasabay ng palakpakan ang siyang paglakad ko pabalik ng backstage.

Ito na ang huli sa lahat ng naumpisahan.

At dito ko na uumpisahan ang buhay na malayo sa camera.

"Papa!" Lumingon ako sa gilid at doon ko nakita ang prinsesa ko. Tumakbo siya sa akin at agad ko siyang kinarga. "You sang great Papa!" Hinalikan ko ang matabang pisngi ng tatlong taong gulang kong bunso,

"Pa! That was awesome!" Dumamba na rin sa akin si Charles at wala na akong nagawa.

"Galing ba ng Papa niyo?" Tinignan ko si bunso na nakatingin sa akin ng may ngiti. "Is Papa pogi, Charlotte?" sabi ko habang kinikiliti siya.

"Ayan, diyan ka magaling. Magpa-cute sa mga anak mo." Ngumiti ako kay Kathryn. Agad na sumama sa kanya si Charlotte. "What baby, tickle torture from Papa na naman?"

"Yes Mama! Away ako Papa! Im gonna say pogi but he tickled me." Ngumuso pa ang bunso ko.

Natatawa ko na lang na kinarga si Charles. "Hay nako, ganyan talaga ang girls. Diba, nak?" Hinagip ko ang bewang ni Kathryn bago siya hinalikan sa labi. "Tara na, mageempake pa tayo."

Niyakap ko ang pamilya ko. Si Charles, si Charlotte at ang misis kong si Kathryn. Ang pamilyang pinangarap at binuo ko. Maraming hindi makakantindi sa pag-alis naming mag-asawa sa industriya. Pero sa isang banda, nagpapasalamat ako sa mga nakaunawa sa pangarap ng dalawang bata noon sa Growing Up na ngayon ay masaya nang magkasama.

The After FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon