"TSE. Iloveyou Alyssa." Sabi ko sakanya at sumakay ka na ng kotse pero di ko pa sinasara yung pinto.

"Pikon ka na nyan? Haha. Iloveyoutoo Dennise." Sabi nya at kiniss ako sa noo. Sa totoo lang ay hindi ako napipikon sakanya kahit anong pangaasar pa gawin nya pero pag yung team mates namin yung nangasar sakin ang bilis kong mapikon, Kulang na nga lang daw ay ibato ko sakanila yung buong Eliazo. Haha.

Sinara ko na yung pinto while sya ay hinihintay nya pang makalayo kami. Kumaway-kaway naman sya. Ang QT nya talaga. So adorbsss :')

ALYSSA'S POV

Nung nakalayo na yung kotse na sinasakyan ni Den ay umalis na rin ako sa BEG. Naglalakad lang ako kasi trip ko lang. Hahaha. Dala ko yung bag namin ni Den kaya medyo mabigat pero keri lang naman.

"Bigat nyan a. Tulungan na kita Ate Ly." Sabi ni Mich nakasalubong ko kasi sya habang naglalakad ako. Binigay ko naman sa kanya yung bag ko, Medyo magaan kasi yun kesa sa bag ni Den. Dala ata non yung buong gamit nya e. Hahaha. May dala kasi syang GatoradeSsssss, Towels, First aid kit, Bandages, Training shoes atska pamalit na damit. Sabi ko nga sakanya bawasan nya pano ako yung nahihirapan para sakanya. Pero sabi nya lang "Eh, para incase of emergency may gamit tayo." Odiba? Akala mo naman walang ganon sa gym. Haha.

"San si Ate Den?" Tanong ni Mich sakin habang naglalakad kami.

"Umuwi e, Pinauwi ni Dad may paguusapan daw e. Ikaw san ka galing? Kanina pa nagbalikan sa dorm?" Sagot ko sakanya.

"Hmm, Nagisip-isip lang, Nagpahangin. HAHAHA." Sabi nya. Matagal ko na ring napapansin na madalas tahimik to. Dati halos magiba yung dorm namin sa sobrang ingay at kakulitan nyan pero ngayon halos wala na kaming marinig na kalokohan galing sakanya.

"May problema ba Mich?" Tanong ko sakanya. Umiwas naman sya ng tingin sakin.

"Ate, I can trust you right?" Tanong nya sakin. Tumango ako at ngumiti sakanya. "Once upon a time, I fell in love with the person who can't love me back." Sabi nya. Bakas sa boses nya ang sakit at lungkot.

"With whom?" Tanong ko sakanya. Kay Jia kaya? Hindi malabo kasi since dumating silang dalawa sa team ay sila na yung close, laging magkasama, Laging nagbibiruan, Minsan nga ay daig pa nila kami paano sobra pa silang magalala sa isa't isa. Minsan pa nga ay hindi kakain ang isa pag wala pa yung isa. Pero lahat ng yun ay nagbago nung simulang ligawan ni Miguel si Jia at si Mich naman ay nililigawan ni El from women's basketball team.

"With Jia ate Ly." Sabi nya nung nasa pinto na kami nung dorm. Sasagot pa sana ako nung binuksan nya na yung pinto at pumasok sa loob.

Nakita ko naman yung mga team mates ko na nakatingin sakin. Pero wala si Jirah at Marge. Nasan nanaman kaya yun? Baka nagdate.

"O'bakit?" Tanong ko sakanila at umupo sa sofa katabi ni Dude Gretch na busy sa paggawa ng powerpoint. Nasa kanan nya si Ate Fille na busy din sa paggawa ng assignment nila. Lahat sila busy, Ako lang ata hindi kasi nung isang linggo pa namin natapos ni Den yun.

"Umuwi e, Pinauwi ni Dad." Sabi ko lang sabay kuha ng tacos sa center table.

"Aba, hayahay ang buhay nyo a? Tapos na ba ang gawain nyo?" Tanong ni Capt. Dzi na busy habang nakatutok sakanya ang napaka kapal na libro at laptop nya.

"Yes Capt. Last week pa." Sagot ko sakanya. *BLAAAAG* Magsasalita pa sana ulit sya nung may nagbukas ng pinto. Hindi lang basta bukas, Yung bukas na para bang galit o kaya yung bukas na parang nagmamadali kasi natatae na sya at hindi nya na mapigilan. Hahaha.

Pumasok naman ang galit na Margarita Tejada at padabog na umakyat sabay *BLAAAAG*. Halos lahat kami ay napatigil sa ginagawa namin dahil na rin siguro sa gulat. Wala kaming nagawa kundi sundan lang ng tingin si Marge. Nashock talaga kaming lahat. Sunod naman na pumasok ang isang hinihingal na Jirah Llaneta at umakyat din.

'till Our Infinity EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon