"Yup pumunta nga siya rito pero nong Wednesday ay bumalik na siya ng Manila." nagkatinginan kaming tatlo. Nakabalik na pala siya ng Manila pero hindi pa rin nagpapakita isa man lang sa amin.

Akala ko makikita ko na siya.

"Kumusta naman si Jill?" si Jo.

Seryoso pa rin si Wendy gaya nong una ko siyang makita. Hindi ko alam kung nasabi ba ni Jillian yong about sa amin at sa nangyari.

"Okay na siya."

"Anong ibig mong sabihin okay na siya?" Hindi ko napigilang magtanong.

"Dumating siya rito na puro pasa at gasgas. Bakit mo hinayaang masaktan yong kapatid ko? Isa pa bakit mo pa siya hinahanap akala ko ba hindi mo tanggap ang pagkatao niya?" nabigla ako sa sinabi ni Wendy. Sa akin siya nakatingin at ramdam kong galit siya.

Hindi din nakaimik itong dalawa.

Paano ko ba sasabihin na nagsisisi ako sa ginawa ko. Mahal ko si Jillian mahal na mahal ko siya! Pero sigurado akong hindi maniniwala si Wendy.

Hindi ako makasagot buti na lang nagsalita si Jean. "Uhm, okay lang ba kung kunin namin yong number mo? Baka kasi dumaan ulit siya rito. Hinahanap na siya ng mga teacher at si Coach. Sana matulungan mo kami na bumalik sa pagaaral si Jill."

Hindi umimik si Wendy pero nag-abot siya ng maliit na papel. Hanggang sa makaalis kami hindi ko na nagawang magsalita pa. Naiiyak talaga ako.

"Convincing! Hulaan ko type mo yong sis niya 'no?" si Jo habang nagdadrive.

"Tumigil ka nga! Gusto ko lang talaga mahanap si Jill."

"Woshu paniwalain mo ang Lola mo!"

"He! Tumigil ka sabi. Baka gusto mong masipa palabas ng kotse!"

"Ako ang driver, hindi mo ako pwedeng sipain."

Nagagawa pang magasaran ng dalawa samantalang ako para na akong pinokpok na kuhol dito. Jillian asan ka na ba?

"Huwag ka masyado malungkot andiyan lang yon sa tabi tabi." sabi ni Jo nong maihatid na nila ako dito sa apartment. Umuwi na din sila. Magisa ko na naman.

Dati kapag kasama ko si Jillian pakiramdam ko ang bilis ng oras. Pero ngayon bawat minuto parang isang araw na hindi lumilipas. Hindi ko magawang kumain at magreview. Exam na namin next week pero hindi pa rin siya pumapasok. Sa Tuesday 2nd game nila sa Championship kapag natalo ulit sila hindi na nila makukuha yong title. Kasalanan ko lahat ng 'to! Lumayo rin ang loob ni Rhen sa akin, pero mas apektado ako sa paglayo ni Jillian.

Tumayo ako saka kinuha yong notebook ko at cellphone ko. Kailangan kong magreview. Tulala ako habang nakikinig ng music at kahit magbasa ako ay wala akong maintindihan.

Sumandal ako dito sa upuan saka pumikit.

'I never thought that I could love someone as much as I love you, I know it's crazy but it's true. I never thought that I could need someone as much as I need you. I love you.'

Hindi ko na mapigil yong luha ko. Hindi ko kaya kapag nawala siya ng tuluyan sa akin. Siya lang nakapagpangiti sa akin kahit ilang beses ko siyang pinagtabuyan noon.

•••

Naglalakad ako papuntang classroom.

"Anne" Tumigil ako sa paglalakad saka lumingon. Si Jean at Jo.

"Hi." bati ko sa kanila pagkalapit nila sa akin. Mukhang puyat din sila dahil ang lalaki ng mga eyebags nila. Nahanap kaya nila si Jillian?

"Kalimutan mo na siya, nasa Amerika na sa Jill."

Forbidden Flower (Jillian Fuentes Book 1) GXG ✔Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin