Tip No. 14 - Treasure Your Friends

Magsimula sa umpisa
                                    

"Kamusta si Peanut, Shay?"

"Mukha siyang kasing satisfied ng nanay niya dahil sa exercise," pabiro kong sagot. "'Wag ka mag-alala, girl, mukhang ayos naman 'tong inaanak mo."

Ngumiti siya sa akin at tinapik ang katabi ko para mabigyan siya nito ng pwesto sa kama pero nagmaganda si Claire at pinagpapalo lang ang kamay niya. Gumanti naman agad si Yumi at nahantong na sa wrestling ang harutan nila.

Sabog pa rin yata sa adrenaline ang mga ito kaya todo pa rin ang energy. Pati tuloy ako, nahawa na at nakisawsaw na rin. Bigla nga lang nadali nang hindi sinasadya ang tyan ko kaya pinagbabatukan ko na ang dalawang pasaway para tigilan na ang kaharutan.

Nakapwesto na kami nang komportable sa kama, na akala mo may sleepover lang, nang nagtanong si Claire.

"Hoy, Mads, kaninong number binigay mo?"

"Kay Ate Alma," sagot ni Yumi. "Siya na rin tinawagan ko."

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Ang alam ko kasi, after niyang masaksak last month, hindi na siya bumalik pa sa Alma's Pool Hall at wala na silang communication ng may-ari ng lugar na si Ate Alma.

"Seryoso? Ba't hindi na lang si Tito Ed o si Nathan?"

Tinulak ako agad ni Claire nang binaggit ko ang daddy niya at muntik na 'kong malaglag sa kama. Tinulak ko rin tuloy siya, para fair, pero napalakas nga lang at nauntog ang ulo niya sa pader.

Ang babaeng iyon naman kasi, akala mo lilitaw na agad ang daddy niya kapag nasabi lang ang pangalan. Kung maka-react lang, wagas.

Umiling naman si Yumi bago kami kinausap. "'Pag nalaman ni Tito Ed, para na rin nalaman ng mga magulang ko. Lagot kami ni Cla 'pag nagkataon, malamang papauwiin na kami."

Nagpakawala muna siya ng isang malalim na buntong-hininga bago nagsalita ulit. "Si Ate Alma 'yung una kong naisip na lapitan kaso nasa Cebu siya ngayon, hindi niya tayo matutulungan."

"Ba't ba hindi na lang si Nathan tinawagan mo para makaalis na tayo dito?" tanong ni Claire.

"Hindi ko siya bati," sabi ni Yumi na may kasamang pout.

Natawa naman ako doon. "Ano ka, bata?"

Kumunot agad ang noo niya at nag-appear na lang ang lungkot sa mga mata niya bago siya sumagot. "Ayokong pumunta siya dito. Celebrity si Nate, hindi ako papayag na masira pa lalo 'yung image niya dahil sa'kin."

"Mads, 'wag ka magpadala sa sinabi ng mga bitch na 'yon. 'Wag mo isipin na you're ruining his image or whatever dahil hindi 'yon totoo," mahinahong sinabi ni Claire na napahawak sa kamay ni Yumi. "At, I bet, walang pakialam si Nathan sa ganyan kaya 'wag ka mag-iisip ng kung ano-ano."

Mukha naman hindi na-convince si Yumi sa narinig dahil binigyan niya lang si Claire ng isang matipid na smile bilang reply at bumaling na siya sa akin para ibahin na ang usapan.

Nadagdagan naman lalo ang pagkalukot ng mukha. "Sorry, Shay, hindi ko talaga alam 'yung tungkol kay Benedict–"

Tinakpan ko agad ang bibig ng kaibigan ko para huwag na niyang ituloy ang sasabihin pero nag-wince siya bigla kaya tinanggal ko rin agad ang kamay ko. Masakit pa rin siguro ang labi niya na pumutok dahil sa isang bruha sa S3 at natagalan bago napahinto ang pagdudugo.

"Sorry, girl," sabi ko. "Pero 'wag ganyan. Hindi mo naman kasalanan kung hindi niya 'ko kayang mahalin."

Nag-flash agad sa utak ko 'yung mga nangyari kanina at parang tinusok na lang bigla ng ice pick ang dibdib ko at nilagyan ng asin at kalamansi para mas tumindi pa ang hapdi. Bakas siguro sa mukha ko ang ka-bitter-an at sakit na naramdaman mula sa mga salitang lumabas mismo sa akin dahil napakapit ang dalawang kaibigan ko sa braso ko habang tinitingnan ako nang may awa sa mga mata nila.

A Dreamer's Guide To Self-redemption (A Girl's Guidebook #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon