Chapter 28 Revelation: Forgiveness

Start from the beginning
                                    


Whew! >__<


Tinitigan ko ito ng husto, nagbabakasakali lang na mag-disappear siya, tapos pwede na akong makalayas kaso kahit anong gawin ko ayaw mawala.


Ngali-ngaling batukan ko ang sarili.


As if naman na maglalaho ito! >__<


"Tama na itong kaabnormalan mo Annie...." muli kong tinitigan ang nakadikit na karayom sa kamay ko. Hindi para maghangad ako na maglaho siya na parang bula kundi para makapag-isip ng tama. Kailangan kong matanggal ang nakadikit sa kamay ko para naman makalayas na ako. Kailangan ko pang hanapin ang mga anak ko. Kaya naman...


Nanginginig ang mga kamay na inabot ko iyon. But before that, mariin ko munang ipinikit ang mga mata. Mahirap na kasing may tumalsik na dugo tapos makikita ko pa siyang mag-shower to the max. Ayaw ko nun!


Whew! >__<


I start counting on my mind.


One...


"ANNIE!"


Two...


*YABAG NG MGA PAA*


Three...


"STOP!"


Naimulat ko bigla ang mga mata, tumaas kasi ang kamay kong ipanghihila ko sana sa karayom na nakadikit sa isa kong kamay. May pumipigil sa akin.


"Annie, dear!" napatitig ako sa nagsalita. Sinalubong ng mga mata ko ang nag-aalalang mukha ng taong ito. Hindi siya ang taong humahawak sa kamay ko pero.... Promise, pagkakita ko talaga sa kanya parang nanayo lahat ng balahibo ko sa katawan, nakaramdam din ako ng labis-labis na panlalamig.


Ang taong kaharap ko kasi... it's my Mom. T__T


Naman e! Bakit siya nandito? >O<


"What the heck are you doing?!" napatingin ako sa kabilang panig, ang inis na inis na anyo ni Tita Sabrina ang nakikita ko. Girl version ni incredible hawk. Siya ang pumipigil sa kamay ko.


Scary! >__<


"Annie..." nalipat ulit kay Mom ang paningin ko. She's cupping my face right now. "My daughter."


Hindi ko magawang magsalita. Paano ko ba siya dapat na kausapin? Marami akong inililihim sa kanya, isa na roon ang pagkakawala ng mga anak ko. Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat, gusto kong magsumbong para naman kahit papaano ay gumaan ang loob ko kaso... natatakot ako sa magiging reaction niya, na baka pagalitan niya ako at ikatwa na sa pagkakataong ito.

BLS#6: Secretly In Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now