CHAPTER 68 *Forever Really Exist*

868 37 11
                                    

Hello Luckers! Picture nina Demi Xeira at Renzel Carl habang may hawak na ice cream! :)

Enjoy Reading Luckers :*

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 68 *Forever Really Exist*

Demi Xeira

October na, ilang araw lang Mag 1 year and 1 month na yung pagiging mag Bestfriend namin.

Ilang araw na lang din birthday na ni Renzel, Ibig sabihin ilang araw na panliligaw ang gagawin niya sa akin.

Naisipan ko kasi na sagutin na siya at maging opisyal na yung relasyon namin sa araw mismo ng birthday niya.

Nag-iisip na rin ako kung anong sasabihin ko sa kaniya, kapag sasagutin ko na siya.

Pwede bang:

"Oo, sinasagot na kita." Nalang ang sasabihin ko?

Pero ang plain kasi, Ang pangit Arg! Basta mag-iisip nalang ako.

"Hey! Tulala ka?" tanong niya sakin.

"Ah Sorry, wala may iniisip lang." sabi ko.

"Ano naman daw yun?" tanong niya sabay abot sa akin nung Coke at umupo sa tabi ko.

Napailing lang ako.

"Wala nga yun." Sagot ko.

"Edi sige hindi na kita kukulitin." Sabi niya sabay kurot sa pisngi ko.

Tiningnan ko lang siya ng masama.

Ang sakit kaya niya mangurot, parang babae. Tapos sa pisngi ko pa talaga ha.

Natawa naman siya dahil sa itsura ko. Kaya inirapan ko naman siya.

"Ito naman, Sorry na." sabi niya.

Tumango lang ako sa kaniya sabay kain.

Nagkwentuhan lang kami, Di ko nga alam kung bakit hindi kami nauubusan ng topic.

Simula nang nanligaw siya sakin, Lagi na kaming nag-uusap. Lagi din kaming may topic, kaya hindi boring.

"Love me Like you do,

Lo-lo-love me like you do."

Kinalkal ko yung phone ko sa bag ko, Asan na ba yun?

Halos alisin ko na lahat ng laman ng bag ko pero hindi ko pa rin mahanap yung phone ko.

"Ayan oh!" turo ni Renzel sa mesa.

Nakita ko naman yung Phone ko doon. Nasa mesa nga yun.

Bat hindi ko nakita? Akala ko kasi talaga nasa bag ko.

"Nababaliw na." sabi niya nang natatawa.

Inirapan ko nalang siya, tapos sinagot na yung tawag doon.

"Hello?" sabi ko doon.

"Asus, ang tagal sagutin, Kausap kasi si Carl. HAHAHAHA!" umalingawngaw yung tawa niya sa tawag.

Inilayo ko naman agad yung phone ko sa tenga.

"Ang ingay mo, Baliw ka na." sabi ko kay Janine.

Di ko alam kung nasaan siya o sila, Rinig ko din kasi yung tawanan nina Jayme at Jeniel.

"Tinawag na baliw eh mas baliw pa siya." Bulong ni Renzel.

I'm Lucky I'm In Love with my Best friend [COMPLETED]Where stories live. Discover now