CHAPTER 64 *Can I Court You?*

672 44 19
                                    

Click External Link for the Music :) ;)

--------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 64 *Can I Court You?*

Renzel Carl

Ngayon na yung awarding.

Ngayon na yung araw na pinakahihintay ko, Hindi ako mapakali dito sa inuupuan ko.

Kinakabahan at pinagpapawisan din ako.

Ngayon na yung araw na kung saan, Pormal at Opisyal ko nang liligawan si Xei.

Nakapagplano na ako, Nasabi ko na din kay Janine yung plano ko, Hindi naman pumayag na sumama sina Jayme at Jeniel dahil may iba daw silang gusto para kay Xei. Hahaha!

Si Jeniel, Si Jeruel ang gusto niya para kay Xei.

Si Jayme naman, Si JM naman.

Si Janine, boto daw siya sakin kaya tutulungan niya daw ako.

Isinama ko na din sa Plano si Alyssa, pumayag naman siya kasi diba nga may usapan kami dati.

Nasa room ako ngayon, walang tao dito dahil lahat sila nandoon sa Gym.

Champion kami sa basketball at Champion din sila Xei sa Volleyball mukhang kami ulit yung over-all.

Mayamaya, bigla nalang bumukas yung pintuan at bumungad si Janine na mukhang napagod sa kakatakbo.

"Malapit na mag-umpisa yung Awarding, tara na ayusin na natin yung Stage ng Social Hall!" sigaw niya.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at naglakad na kami ni Janine papunta sa Social Hall.

Alam namin na wala nang masyadong tao kaya ngayon na namin aayusin yung sa stage.

Mejo malayo kasi yung Gym sa Social Hall kaya safe at walang makakakita sa gagawin namin. Pwera nalang kung may dumaan.

Nang nasa bungad na kami ng Social Hall, Nakita na namin si Alyssa doon na naghihintay ata sa amin.

"Ang tagal niyo ha! Mamaya matapos na yung Awarding, Patay tayo niyan!" sabi niya.

Ngumiti naman tong si Janine.

"Ang Nega mo ha! HAHAHA! Hindi pa nagsisimula kaya simulan na natin." Sabi ni Janine.

Pumunta na kami sa stage, Dinecorate namin yun.

Dahil nga sa wala naman akong alam doon ako nalang nagsabit nung mga crepe paper sa taas.

Ako din nagdikit nung mga Heart tapos sila lang nagsasabi kung saan ko ilalagay.

Madami pa kaming ginawa hanggang sa matapos kami.

"Okay, Pretty Good. Si Xeira nalang ang kailangan." Sabi ni Janine.

Tinignan ko yung cellphone ko at nakita kong may nagtext.

From: Jake

Bru, Asan ka na magsisimula na!

Nang makita ko yung pangalan ni Jake, bigla kong naisip yung ipapagawa ko pala sa kanila.

Sh*t muntik ko nang makalimutan.

"Janine, Magsisimula na daw awarding tara na!" sabi ko.

"Pero sinong maiiwan dito?" tanong naman ni Janine.

"Ako nalang, Itext mo nalang ako Janine pag tapos na yung awarding." Sabi ni Alyssa.

Napangiti naman ako sa kaniya.

I'm Lucky I'm In Love with my Best friend [COMPLETED]Where stories live. Discover now