CHAPTER 44 *Mahal na Mahal kita Xei*

800 47 18
                                    

Dedicated to: Yjancruz :)

-----------------------------------------

CHAPTER 44 *Mahal na Mahal kita Xei*


Tumingin ako sa gilid ko at si Jeruel lang pala.


Akala ko naman kung sinong lalaki. Akala ko naman si Bespren.


"Hindi napuwing lang talaga ako. Tara na nga." Yaya ko sa kaniya.


Tumango lang naman siya at parang hindi naniwala. Tss.


Naglakad na kami papunta sa room, At pagdating ko nandun na nga si Bespren, Nakaupo na siya sa upuan namin.


Naglakad na ako papunta sa upuan ko.


"Excuse me." Sabi ko nang mapadaan na ako sa tapat niya.


Di naman niya ako pinansin.


Ano bang problema niya?


Ako nga dapat tong magalit kasi-


Kasi, Ugh. Wala pala, Hindi nga pala kami.


Hays, Ang hirap naman magselos lalo na kung hindi naman kayo.


Umupo nalang ako at tumahimik,


"Nanliligaw na ba sa'yo si JM?" Tanong niya ng seryoso pa rin ang mukha.


Ano bang problema? Bat ganiyan ang mga tinatanong niya?


"Hindi, Kaibigan ko lang siya tsaka Vice President ng Music Club." Sagot ko.


Tumango-tango naman siya. Ako naman ngayon ang magtatanong.


"Ikaw? Nililigawan mo na ba si Alyssa?" tanong ko.


SABIHIN MONG HINDI, Sabihin mong Hindi Please.

"Hindi-" sagot niya sa akin.


Magiging masaya na dapat ako pero bigla niya itong dinugtungan.


"Hindi pa."


Sana HINDI ko nalang tinanong, Nasaktan lang ako. Nasaktan lang ako sa naging sagot niya.


Hindi pa? Ibig sabihin may balak siya? May balak siyang ligawan si Alyssa?

Ang sakit, Ang sakit sakit.

Mas doble na ang sakit ngayon kasi alam kong wala na akong pag-asa.

I'm Lucky I'm In Love with my Best friend [COMPLETED]Where stories live. Discover now