CHAPTER 50 *Akala Lang*

856 40 13
                                    

CHAPTER 50 *Akala Lang*

Renzel Carl

*Flashback*

Nakauwi na kami dito sa bahay, Naihatid ko na din si Xei, kasi sa tabi lang din naman ng bahay namin yung bahay nila.

Pagdating ko sa bahay. Nakita ko sina mommy na nasa Mesa, Nag-uusap sila ni Daddy.

Hindi muna ako tumuloy sa kwarto ko, at nagtago sa may likod ng cabinet.

Naririnig ko yung usapan nila Mommy at Daddy.

"Hindi ako pwedeng magkamali, Siya yun. Anak niya yun." Sabi ni Mommy kay Daddy.

"Ano naman kung anak niya yun? Anong gusto mong gawin?" Tanong ni Daddy.

"Hihingi ako ng tawad. Tatanungin ko kung nasaan na yung Mommy niya. Bert Miss na miss ko na yung bestfriend kong yun. At sa tingin ko ngayon na yung panahon para magkapatawaran kami." Sabi ni Mommy.

"Magkapatawaran? Eh wala ka namang kasalanan sa kaniya diba. In Fact siya ang nakalimot, Siya yung hindi na pumansin sa'yo." Sabi naman ni Daddy.

"Hindi na mahalaga sakin yun kung sino samin ang may kasalanan. Ang mahalaga magkaayos na kami. Magkabati na kami. Walang problema sa mga anak namin, Kaya dapat sa amin rin." Sabi ni Mommy.

Di ko na talaga matiis kaya ayun naglakad na ako papunta sa kwarto.

"Mom, Dad, tulog na po ako." Sabi ko.

Kumiss lang ako kay Mommy, at naghug naman kay Daddy.

Naglakad na ako papunta sa room ko.

Sino naman kaya yun?

Sino yung pinag-uusapan nila.

*End of Flashback*

Ilang araw na ang nakalipas mula nung narinig ko yung usapan ni Mommy at Daddy.

Hindi pa rin naging malinaw sa akin ang lahat. Hindi ko magets kung ano yung pinag-uusapan nila.

Tungkol sa Bestfriend ni Mommy? Wala naman akong alam na bestfriend ni Mommy.

O baka di niya pa nakwento sa amin.

Hays, Pati tuloy ako naguguluhan.

Andito kami ngayon sa court. Try-out kasi ng mga Sports itong buong week na to.

SSi Xei? Andun din sa may court ng Volleyball. Nagpapatry-out din sila, Kasi graduate na yung ibang Player nila.

Itong week na to, Mukhang okay naman kami ni Xei.

Mejo nagpapansinan na, pero hindi na tulad ng dati.

Kami pa rin ni Alyssa ang magkasama, Hangga't hindi pa ako handa.

Ang tanong? Kailan kaya ako magiging handa? Pag huli na ang lahat? Pag wala nang pag-asa?

Malay ko, Di ko din alam eh. Pero di ba nga sabi ko, Kahit na mapunta pa siya sa iba, Aagawin at Aagawin ko pa rin siya mula sa iba.

"Oh!" sabi ni Alyssa.

Sabay hagis sakin nung bottle ng tubig.

"Thanks." Sabi ko naman.

Parang kelan lang si Xei yung nagbibigay nun sa akin.

Parang kelan lang, Siya yung kasama ko sa mga practice namin. Ngayon mukhang malabo na atang mangyari yun.

"HINDI YUN MALABONG MANGYAYARI KUNG KIKILOS KA." Sabi ng utak ko.

Argh!

Tumingin ako kay Alyssa at. Wow lang ha, Nakangiti siya at parang may binabasa sa Cellphone niya.

I'm Lucky I'm In Love with my Best friend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon