CHAPTER 49 *Mystery Girl*

761 38 12
                                    

CHAPTER 49 *Mystery Girl*

Renzel Carl

Papunta na ako ngayon sa bahay nina Xei, Susunduin ko na siya.

Siguro tatanungin niyo ako kung bakit siya yung ininvite ko.

Di ko din alam eh. Wala kasi akong masabi nung time na yun.

Ang awkward kasi namin habang naglalakad pauwi. Kaya yun yung nasabi ko sa kaniya.

Naisip ko din kasi itong Family Dinner namin.

Kagabi pa nga nagtatalo tong isip at puso ko.

Kung pano ko siya ipapakilala. Kung bilang ano? Bilang bestfriend ba?

Pag sinabi ko naman kasing nililigawan ko siya, Baka magulat sina Mommy. Kasi ang ikinukwento ko sa kanila.

Ayaw ko pa. Hindi pa ako handa.

Yan ang laging sinasabi ko kina Mommy.

Pero alam nila na may gusto ako kay Xei. Alam nila na gustong-gusto ko siya.

Lagi ko kasing nakukwento si Xei kina Mommy at Daddy.

Close ako sa kanila, kahit na lagi silang wala dito sa bahay dahil sa Negosyo namin. Hindi pa rin nawawala yung pagkamalapit namin.

Habang nagdadrive ako, Iniisip ko pa rin kung anong sasabihin ko mamaya.

Baka mamaya, Asarin ako nila Mommy. Naku.

Nang makarating na ako sa bahay nila. Hindi muna ako bumaba.

INHALE!

EXHALE!

Lumabas na ako ng kotse ko at nagdoorbell na sa bahay nila.

Mayamaya biglang bumukas yung gate.

At biglang bumungad ang isang napakagandang dilag.

WOW! Parang hindi si Xeira ngayon tong nasa harapan ko.

Para siyang manika.

Para siyang Diyosa.

Para siyang, Argh! Di ko masabi.

Basta. Ang Ganda Ganda niya.

Ngayon ko lang siyang nakitang nag-ayos ng ganito. Para akong hinahatak ng Presensiya niya.

Para akong hinihila ng katawan niya. Parang may magnet yung katawan niya.

Gusto ko siyang halikan.

Gusto ko siyang yakapin.

Pero bigla kong naisip.

Hindi nga pala siya sa akin.

Hindi ko nga pala siya pag mamay-ari.

Kaya bat ko naman gagawin yun? Diba?

Tss. Kasalanan ko naman eh. Natorpe ako.

Natakot ako, Kaya ngayon ito. Hanggang isip nalang ako sa kaniya.

Tumingin ulit ako sa kaniya ng nakangiti.

"You're Beautiful."

Sabi ko sa kaniya.

Ngumiti naman siya sa akin. Ngiting matagal kong hindi nasulyapan.

"Thankyou." Sagot sakin ni Xei. Sabay ngiti ulit.

Napatitig ulit ako sa kaniya. Mejo napatagal siguro yung pagtitig ko sa kaniya. Kaya ayun bigla siyang nagsalita.

"Ah Ano, tara na?" yaya niya.

I'm Lucky I'm In Love with my Best friend [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt