CHAPTER 32 *The Birthday Gift*

1.5K 56 20
                                    

CHAPTER 32 *The Birthday Gift*

Demi Xeira

 

Di ko nalang muna inisip yun, pumunta nalang muna ako sa upuan nila Kuya, kasi nandoon lahat ng kaibigan ko.

Pero Kulang wala si Bespren, di ko alam kung saan siya pumunta -.-

Nakakatampo tuloy.

 

Balak ko pa sanag tanungin kong nasaan si Bespren pero nahihiya ako.

Baka isipin pa nila na may namamagitan sa amin.

 

Baka isipin nila na may gusto ako sa kaniya.

 

Pagkasabi ko nung huling salita sa isipan ko, Bigla nalang akong natahimik. At parang sinasabi ng utak ko na nagsisinungaling ako.

“Oo na, Gusto ko na siya.”

Bigla kong nasabi, Napatingin silang lahat sa akin, LAHAT NG KAIBIGAN ko.

Bakit? Ano bang nasabi ko? HA? WHAAAAT? Nasabi ko sa kanila yun, Nabanggit ko yun? HALA! LAGOT NA, NAKAKAHIYA.

 

“Sinong gusto mo bunso?” tanong ni KuyaXian.

Naku! Patay na, Anong idadahilan ko ngayon? TSK. Kasi, napakabungangera nitong bungangang to.

“Ah wala kuya, sabi ko gusto ko ng ice cream, Kuha lang muna ako.”

 

Tumayo na ako at umalis doon, Natampal ko nalang yung noo ko dahil sa kaEngotan ko.

Pumunta na ako sa ice cream dun sa may Cater. Tapos maya-maya bumalik na ang emcee sa harap.

“Magandang Gabi ulit, nagbabalik po ako at para maging masaya ang pagkain natin, Tawagin na natin ang isa sa mga malapit sa buhay ni Birthday Girl.”

 

Napatunganga ako, hinihintay na lumabas yung taong yun at nung nakita ko siya.

Bigla nalang bumilis yung tibok ng puso, na akala mo may nagkakarerahang kabayo.

“Ang kantang ito ay para sa bestfriend ko.”

 

Nagsimula nang magsalita si Renzel, di ko alam pero pagkarinig ko nung boses niya, Bigla nalang uminit yung pisngi ko.

“Happy Birthday Bespren, Hindi na ako magnonobela pa sa’yo kasi nasabi ko na sa’yo lahat kagabi.” Sabay kindat.

Nagsimula na nga itong kumanta.

 

I'm Lucky I'm In Love with my Best friend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon