CHAPTER 60 *Isip at Puso*

615 45 33
                                    

CHAPTER 60 *Isip at Puso*

Demi Xeira

Nagising nalang ako ng ang bigat bigat pa rin ng pakiramdam ko, Parang may gumigising sakin.

"Demi! Demi! Gumising ka!" sigaw nung lalaki.

Boses ni Kuya Xian yun. Gising na yung diwa ko, pero parang tulog pa rin yung katawan at mata ko.

Nakaramdam ulit ako ng lamig kaya bigla akong napakapit ng mahigpit sa kumot ko.

"Ang lamig" pagsasalita ko.

Mukhang nataranta naman yung mga kuya ko, Parang nagkakagulo sila. Iminulat ko yung mata ko at nakita ko yung mga kuya ko na hindi alam kung anong gagawin.

Si Kuya Xian, Lumabas. Si Kuya Brandon di ko alam pero parang may hinahanap siya sa may mini cabinet ko.

Si Kuya Earl naman nakatingin siya sakin.

Nang makita niyang nakatingin ako sa kaniya bigla siyang nagsalita.

"Brandon, Kuya Xian gising na si Demi, Okay ka lang ba Demi? May masakit ba sa'yo?" tanong niya.

Umiling ako sa kaniya ng nanginginig. Pero sa totoo lang hindi talaga ako okay, Nilalamig pa rin yung buong katawan ko.

Pinagpapawisan pa rin ako ng sobrang lamig, Di ko na alam kong anong nangyayari sakin.

"Dalhin na natin siya sa Hospital!" sigaw ni Kuya Brandon.

Binuhat ako ni Kuya Earl. Tinanggal na din niya yung kumot na nakatalukbong sa akin kanina kaya bigla na naman akong nilamig.

Napayakap nalang ako ng mahigpit kay Kuya Earl.

"Tiis ka lang bunso ha? Pupunta tayong Ospital." Sabi ni Kuya Earl sakin.

Hindi na ako nakasagot sa kaniya, bagkus ibinaon ko nalang yung ulo ko sa dibdib niya.

Unti-unti ng tumulo yung luha ko, Di ko alam kung ano na namang dahilan ng pagluha ko.

Siguro dahil na din sa sakit, sakit ng katawan, Sakit ng puso.

Nasa ospital na kami ngayon, Nakahiga na din ako, Kakatapos lang akong tingnan ng doktor.

Sabi niya na may malalang lagnat daw ako, Sobrang init ko daw at yung temperature daw ng katawan ko ay hindi na normal para sa isang may ordinaryong lagnat lamang.

Tinanong nila kuya kong anong sanhi nung pagkakaroon ko ng lagnat, Sabi ni Dok. Pwede daw na naulanan ako dahil nga sa umulan kagabi.

Tinanong pa ako ni Dok kung nagpaulan daw ba ako.

Sinabi ko nalang na naulanan ako kasi naiwan ko yung payong ko.

Kaya ayun, Pinaulanan na naman ako nila kuya ng mga tanong.

Hindi daw ba ako sumakay pauwi.

Kung bakit daw naiwan ko yung payong ko eh Palagi ko naman daw dala yun.

Sinabi ko nalang na.

"Kuya, Magpapahinga na ako." Ayoko din kasi sagutin yung mga tanong nila.

Ayoko namang sabihin na nagpaulan talaga ako.

Na ginusto ko talagang maulanan dahil sa nangyari kagabi.

Sa tuwing iniisip ko yung nangyari kagabi.

Biglang kumikirot yung puso ko, Ang sakit kasi eh, Ang sakit na talagang iniwan na niya ako.

Talagang kinalimutan na niya ako.

Gaya nga ng sinabi ko sa sarili ko, Sisimulan ko na ding kalimutan lahat ng nangyari sa amin.

I'm Lucky I'm In Love with my Best friend [COMPLETED]Where stories live. Discover now