CHAPTER 53 *I Miss Her*

629 40 5
                                    

CHAPTER 53 *I Miss Her*

Demi Xeira

"Maghintay ka lang, Magtatapat din siya sa'yo sa tamang panahon."

Ilang araw akong hindi pinatulog ng mga katagang yan.

Ilang araw akong nabaliw sa kaiisip kung ano bang ibig sabihin nitong sinabi ni Alyssa.

Dahil sa sinabi niya.

Heto na naman ako umaasa na magiging tulad ulit kami ng dati.

Umaasa ako na kami nga yung para sa isa't isa.

Argh! Nakakainis.

Bakit ba kasi sinabi niya pa yun? Bakit niya sinabi yun sa akin?

Para Paasahin ako?

Gulong-gulo na ako. Gulong gulo na yung isip ko.

"Demi tara na Practice na daw." Tawag sakin ni Nichole.

Ugh. Oo nga ngayon na nga pala yung start ng practice namin sa Volleyball.

Ngayon na yung start ng mga practices sa bawat sports.

At ngayong buwan na rin yung 1st Friendsarry namin ni Renzel.

Na hindi ko alam kung kailangan pa bang icelebrate dahil wala naman na siya.

Hindi naman na din niya ako pinapansin.

Nakalimot na siya.

Ang sakit sakit isipin na sana mag1 year na yung friendship namin kung hindi lang nasira.

Nakakapanghinayang kasi eh.

Tumayo na ako sa upuan ko at naglakad na palabas ng room.

Si Renzel andun katabi si Alyssa sa may harap. Nag-uusap sila eh.

Close na close na nga sila, Wala na nga talaga ako sa buhay niya.

-==-

Renzel Carl

Gusto kong mainis sa sarili ko, Gusto kong mainis kay Alyssa dahil sinabi niya pa yun kay Xei.

*Flashback*

"Oy Carl, May sasabihin ako sa'yo." Pambungad agad ni Alyssa.

Lumabas kasi siya kanina para mag CR daw.

"Ano yun?" tanong ko naman.

"Nakita ko si Demi kanina sa CR."

"Oh? Tapos anong nangyari? Kinausap mo ba siya? Kinamusta mo sana." Sabi ko.

Napakamot siya sa ulo niya.

"Kasi ano Carl. Promise hindi ka magagalit sakin ha?" tanong niya.

Tumango ako.

Tumingin muna siya sa labas bago nagsalita.

"Kasi sinabi ko sa kaniya na Maghintay lang siya na, Magtatapat ka sa kaniya sa tamang panahon." Sabi niya.

"Ano!?" sigaw ko sa kaniya.

Napakamot ulit siya sa ulo niya.

"Kaya nga sorry na, Sorry na Carl." Sabi niya.

Hindi ko siya pinansin, Lumabas lang ako ng room at pumunta sa cafeteria konti lang yung tao dun, Kaya pumwesto ako sa pinakadulo.

Sinabi niya yun? Sinabi niya yun?

I'm Lucky I'm In Love with my Best friend [COMPLETED]Where stories live. Discover now