1st: Desperation on the Spot

13.4K 112 5
                                    

1st: Desperation on the Spot

IBA-IBA ang reaksyon ng nasa klase tungkol sa paksa namin sa Psychology. May nandiri—usually mga babaeng nagmamalinis. May natawa—mga lalaki at ibang babaeng malilibog. May painosente—lalaking kunwari maginoo at babaeng hindi interesado. At ang iba walang pake—takot na mabunyag tungkol sa sarili kaugnay ng topic.

Ako? Lahat yata ay naging reaksyon ko. Nakakatawa man ang talakayan, hindi ko naiwasang mandiri at nagkunwari na lang akong walang alam sa kalaswaan kaya hindi na lang ako masyadong nag-react. Hindi ko lang inaasahan na may ganoon pala. Ngayon lang ako nakarinig ng tungkol sa tinutukoy ng professor namin kaya may bago na naman akong nalaman.

Tungkol saan nga ba ang pinag-aaralan namin ngayon? About sa sex disorder. At nasa punto na kami tungkol sa exhibitionism. Ayon kay sir, ang exhibitionism ay isang uri ng mental disorder kung saan ang isang taong may kondisyon nito ay nagpapakita ng pribadong parte ng kanyang katawan sa publiko o sa taong hindi kakilala. Nasa ilalim ito ng klasipikasyon ng Paraphilia—sexual and identity disorder na may pagkakahulugang obsession with unusual sexual practices or with sexual activity involving nonconsenting or inappropriate partners.

Ang exhibitionist ay maaaring magsagawa ng sekswal na aksyon o magpantasya ng pagma-masturbate habang inilalantad ang maselang bahagi ng katawan pero depende kung magkakaroon ng intensyong pagtatangkang kabastusan sa estranghero o pisikal na enkwentro.

"Class, ang exhibitionism, nakakatawa mang pag-usapan, isa naman itong seryosong kaso na maaaring ikatakot ng magiging biktima. Kadalasan, lalaki ang exhibitionist at babae ang karaniwang biktima, bata man o may edad," dagdag ni sir.

May nagtaas ng kamay. "Sir, kung gano'n, 'yung mga prostitute/dancer, porn stars at nude models ay matatawag na exhibitionist?"

"Kung kaugnay ito sa 'trabaho' o ginagawa nila ito dahil sa pera o napilitan sila, hindi sila matatawag na exhibitionist. Ginagawa ito ng mga taong may ganitong disorder dahil sa tawag ng kanilang katawan. Sa ganitong paraan kasi sila nakakadama ng sexual pleasure."

"Ahh..." Nagsitanguan kami. We didn't expect this kind of psycho problem. Every discussion talaga, there's something new. Dahil sa mga bagong natututunan naming mga Psychology student lalo na naman kaming naging open-minded. And this makes us better people. Being in this field, we realized a lot of things. For example, the deeper meaning or reason of the acts and gestures of an individual. Pero hindi ibig sabihin niyon, eh, manghuhula kami o nakakabasa ng isip ng ibang tao. In general lang ang pinag-aaralan namin.

Actually, hindi ko alam kung bakit ang course na Psychology ang kinuha ko. Siguro dahil sa katunayan ay hanggang ngayon hindi ko pa alam ang career na gusto kong gawin sa future. Nang mag-enroll ako rito sa Capital University dalawang taon na ang nakakalipas ay no choice na ako dahil late enrollee ako at wala nang bakante sa ibang kurso. Pero sa bawat pagdaan ng semester ay naging stable naman ako sa course ko kaya ipinagpatuloy ko na. Wala na nga kasi akong ibang pagpipilian. Third year na ako sa edad na eighteen, huli na para mag-alangan ako't pag-isipan ulit kung tama ba ang pananatili rito. Kung nagkamali man ako rito at naisipan kong magbago ng pasya, magsisimula ulit ako. Sayang lang ang pera at mga taong nagugol ko.

Marami pang na-discuss si sir tungkol sa iba pang sakop ng lesson namin ngayon hanggang sa natapos na ang oras ng klase.

Kahit iyon ang huling subject ko sa araw na iyon ay hindi muna ako umuwi. Naghanap ako ng mapagtatambayan. Iyong walang ibang tao at tahimik.

Sa likod ng building ako napadpad. Mapuno roon at maraming magagandang halaman. Sariwa pa ang hangin. Magandang lugar para sa pagmumuni-muni.

Nang makaramdam ako ng tawag ng kalikasan ay dali-dali akong naghanap ng banyo. Nakakita naman ako sa hindi kalayuan.

Pagbukas ko ng pinto ay natigilan ako. Nakakagulantang. Umatras tuloy 'yung ihi ko.

Natigagal din ang dalawa sa loob at hindik na hindik na napabaling sa akin. Isang babae at isang pamilyar na lalaki. Sila lang dalawa. Nagtototot—I mean, nagse-sex, yes. Bumungad sa akin ang paghahalikan nila habang naghahawakan ng ari na halos hubad na ang kanilang mga suot.

Pilit akong ngumiti nang malaki. "Sorry for the inconvenience. Dadaloy rin ang ginhawa. Ituloy niyo ulit 'yung ginagawa niyo. Don't mind me." Sinara ko ang pinto at agad na akong tumalikod. Mabuti pa, uuwi na lang ako. Mas maganda iyong ideya na sa bahay na lang ako maghanap ng peace of mind.

Napailing-iling ako.

Mukha naman silang mayaman. Bakit hindi sila sa hotel gumawa ng kababalaghan? Baka kasi tigang na tigang na sila kaya hindi na sila nakatiis.

Hindi pa ako nakakalayo sa lugar ng milagro nang may humigit sa braso ko. Iyong lalaki kanina sa banyo. Ayos na ang damit niya pero halatang may matinding pinagdaanan. Pawis na pawis at magulo ang buhok. Pero ang gwapo pa rin ng mokong. Nase-sense ng radar ko—isa siyang fuck boy!

"No one should know this," hinihingal na sabi niya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay. Seriously? Tuhurin ko kaya 'tong gunggong na 'to. Ang bababoy nila. Ang baho-baho ng CR pero doon sila nagbu-boomboom-bambam?

May dinukot siya sa likod ng bulsa niya. Binuklat niya ang wallet niya at naglabas ng perang papel.

"Ano 'to?" tanong ko kahit alam ko't nakikita kong isan-libo iyon.

"Go home," sa halip ay sagot niya.

Sinusuhulan ako. Akala niya ba ipagkakalat ko sa university ang nakita ko? Ano ba'ng akala niya sa akin, cheap? Sa tingin niya ba mukha akong tsismosa at babayaran ako para manahimik ako? Ano ba'ng reputasyon niya rito sa school? Masisira ang pangalan niya? Iyong gwapong personalidad niya? Sikat ba siya? Bakit hindi ko siya kilala? Shunga, Ami! Wala ka naman masyadong kilala rito sa school, eh.

Binusisi ko ang kumikinang na one thousand. Inagaw ko sa kanya iyon saka ko inilahad sa pagmumukha niya. "Kulang 'to." Naisip ko lang, hindi ko pa kasi nababayaran ang balanse sa tuition ko. Siguro, kadesperaduhan na itong gagawin ko on the spot.

Naglabas ulit siya sa pitaka niya. "That's all I have in my wallet."

Binilang ko ang binigay niya. Napatango-tango ako. Puro buo. Higit sampung libo. Ang yaman ni kuya. Walang alinlangang naglabas ng pera sa ngalan ng kanyang imahe. Sobra-sobra pa ito sa kailangan ko. Sa susunod nga, magha-hunting ako ng mga nagse-sex.

Kinamayan ko siya. "Walang makakaalam." At iniwan ko na sila. Hindi naman ako masyadong madaldal. Kahit hindi niya ako suhulan, walang ibang makakaalam. Ang shunga niya, nagsayang lang siya ng pera. Nasa baba siguro 'yung utak niya.

Hindi muna ako dumiretso sa bahay. Pumunta muna ako ng mall at kumain ng mamahaling pagkain. Once in a blue moon lang ito.

ExhibitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon