"Jillian, ang dami ko nang napasyalan mula nong makilala kita."

"Masaya ka ba kapag namamasyal tayo?"

"Oo masaya ako. Hindi naman kasi ako gumagala nong nasa probinsiya ako dahil gusto ko lang magbasa ng mga libro."

"Nakakahanga ka babe dahil mahilig ka sa libro."

"Ngayon lang ako nakakapagrelax mula nong nakasama na kita."  Natutuwa ako sa mga sinasabi niya. Kaligayahan ko ang makasama siya kagaya ngayon.

"Wala ka bang ibang kaibigan maliban kay Rhen? Parang wala kang nababanggit sa akin."

"Meron naman pero mula nong maging bestfriend ko si Rhen nong 2nd year high school hindi na ako masyadong nakikipag usap sa iba."

"Ganon? Yong totoo, may nararamdaman ka ba para sa kanya?"

"Wala ah, magkaibigan lang ang turingan namin sa isa't isa." Bakit iba ang sinasabi ng instinct ko. Ramdam kong may gusto si Rhen sa kanya. Baka hindi lang niya napapansin, di kaya?

"Babe, alam ba niyang tayo na?"

"Ha?" para siyang nabigla sa tanong ko. Sa reaksyon niya, alam kong hindi pa niya nasabi sa bestfriend niya ang tungkol sa relasyon namin.

"Wala, huwag mo na lang pansinin yong sinabi ko." Umiwas ako ng tingin, ayokong umasa, at ayokong masaktan.

"Jillian, gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko alam kung paano."

"Masasaktan ba siya kapag sinabi mong tayo na o natatakot ka na malaman niya?" Mahinahon pa rin akong magsalita kahit na nakakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Dahil mukhang mas inaalala pa niya yong mararamdaman ni Rhen kesa sa akin.

"Hindi sa ganon, pero sasabihin ko rin sa kanya." Tumango ako saka ako humiga dito sa damuhan, pumiki ako. Nakaupo pa rin siya habang pinagmamasdan niya ako.

"Sana maintindihan mo naman ako?" Ano pa nga ba. Mahal na mahal ko siya kaya kailangan ko siyang intidihin.

Umupo ulit ako.

"Pasensya ka na, babe. Halika humiga muna tayo." hinawakan ko ang kamay niya at sumunod naman siya. Parehas na kaming nakahiga ngayon at nakaunan siya sa braso ko. Kung pwede lang na hindi ko na siya bitawan pa at yayakapin ko na lang siya mula umaga hanggang gabi.

Nakayakap siya sa tiyan ko hanggang sa makaidlip ako.

"Jillian." Nagising ako nang tawagin niya ako. Nakatitig siya sa akin.

"Babe." Ngumiti siya saka niya ko hinalikan sa pisngi. Abot tenga ang ngiti niya "....umamin ka hinawakan mo yong ano ko 'no?"

"Hindi 'no!"

"Bakit ngiting-ngiti ka?"

"Nagising ako humihilik ka." Humihilik ako? Nakakahiya, ang babe ko pa ang nakarinig.

"Malakas ba akong humilik? Masakit sa tenga?" Nakakahiya talaga. Asar!

"Hindi. Ang cute nga eh mahina lang."

Hay buti na lang mahina.

"Pinagod mo kasi ako, babe."

"Kelan naman?" Hindi ako umimik. Ngumiti lang ako saka ko siya tinitigan. Mula nang dumating ang babaeng ito sa buhay ko hindi ko na naramdamang nag-iisa ako. Kahit ang sungit sungit niya siya lang ang nagpapasaya sa akin ng lubos. Medyo pagabi na nang makabalik kami ng bahay. Nakakatuwa dahil may nakahain na ulit na pagkain sa mesa. Bago kami umakyat kumain muna kami. Gutom na gutom ako, hindi kasi ako nagmeryenda.

"Jillian."

"Hmm?" tumingin ako sa kanya habang ngumunguya.

"Ikaw lang yong mayamang SPG."

Forbidden Flower (Jillian Fuentes Book 1) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon