Bago ko pa maitanong kung para saan ang sorry niya, agad na siyang tumayo at lumabas ng kwarto.

Tumahimik saglit ang kapaligiran at namalayan kong nandito pa sa loob sila Rock, Ice, Light, Dark, at Leaf na nakatingin sa akin.

“A-ah.. ehem..” napakamot si Rock sa ulo niya, “Sige. Lalabas na muna kami. Ano.. k-kung gusto mo na ring kumain, may nakahain na sa baba.” at hinigit na niya ang apat palabas.

Bumuntong hininga ako at muling humiga.

Siguro nagtataka kayo kung bakit parang kalmado pa ako ngayo't nakita ko na may lumabas na apoy sa palad ni Kuya.

Sanay na siguro ako. Sanay na siguro ako na may mga kasama ako dito sa bahay na may kakaibang 'abilidad'. Hay. Kailan kaya ako mapapalibutan ng normal na tao? *n*

Pero hindi pa rin mawawala ang pagtataka ko sa nangyari kanina.

“Kuya..” tumingin ako sa palad ko, “Sino kayo?”

Sa loob ko, alam kong hindi iyon ang dapat kong itanong.

Tumingin ako sa labas ng bintana at sa kalangitan.

“Sino ako?”

Lumabas na ako sa kwarto makatapos ng ilang oras. Nawala na rin naman ang gutom ko eh.

Pagkababa ko sa living room, napansin kong tahimik ang bahay at nakita ko sila Sky at Ice na nanonood.

“Asan yung iba?” mukhang nagulat naman sila nang umupo ako sa pagitan nila sa sofa.

“Nag-go-grocery lang.” simpleng sagot ni Sky.

Tumahimik na lang din ako at pinanood ang pinapanood nila. Juskoo, bakit nagsama pa dito ang parehong cold ang ugali? >3>

Tiningnan ko silang dalawa. Meron rin kaya silang.. katulad ng kay kuya?

Remembering Bambi (Babysitting 6 Aliens #2)Where stories live. Discover now