CHAPTER 30: Kaibigan

Start from the beginning
                                        

Nanatili akong nakaupo kahit pa uwian na. Exam o Essay?

Parang pareho lang naman mahirap.

Awtomatikong hinanap ng mata ko si Elle na akala ko ay nasa labas na ngunit tulala rin pala sa kawalan marahil baka hindi rin makapili.

Isusuot ko pa lang sana ang bag nang may sumigaw sa pintuan namin.

Si Luke pala. "Guys may meeting ang faculty mamayang hapon. Bale wala na raw tayong klase. 'Yong gusto magpasa ng essay ilagay na lang daw sa desk ni Ma'am sa cubicle niya mamaya before 5."

"Nwebe."

Alam ko na 'to. Dalawa lang naman ibig sabihin nito, galit siya o magpapakyut siya.

"Gusto mo tulungan kita sa output mo?"

"Ang bait ha." Pinindot ko pa ang ilong niya.

"Sige na tulungan kita pero ikaw mag-encode ng sa akin, ha?" pagpapakyut niya kasi may kailangan pala.

"Hindi pwede. Turuan na lang kita mag-encode para matuto ka."

Natahimik siya. "Sabagay."

Inaya ko siyang kumain sa amin gaya ng nakasanayan. Pakatapos, pinanood ko siyang gumawa ng draft niya sa sala namin.

"May napili ka ng qoute?" tanong niya sa akin habang nagsusulat siya. Hindi man lamang ako tinapunan ng tingin.

Hindi niya alam kanina pa nasa kan'ya ang atensyon ko.

"Patapos na ako. Gumawa ka na rin dapat. Mga 3 start na tayo mag-encode."

"Yes, Ma'am."

Napagdesisyunan kong sa computer shop na lang tapusin ang essay ko alam ko kasing matatagalan rin naman siyang mag-encode ng sakanya. Para 'di na rin siya ma-pressure at kahit mabagal man siya mag-type, okay lang 'yon sasakto lang 'yon sa kung gaano ako kabagal magsulat ng akin.

Pero...mukhang mali ako. Patapos na siya mag-encode ng ikahuling paragraph niya habang ako heto hindi pa nakakaalis sa introduction ko. Nabablangko ako. Kailangan ko ng inspirasyon.

Hindi ko napigilang silipin ang gawa niya. Ang husay niyang sumulat.

Dahil sabi nga ni Samuel Taylor Coleridge, ang ang tunay na kaibigan ay parang punong nagbibigay ng lilim at kanlungan. Laging handang umunawa, umalalay, at magbigay ng lakas sa atin sa gitna ng pagsubok at hirap ng buhay. At sa buhay na ito, si Naihne, ang matalik kong kaibigan, ang punong ito.

Maluluha na sana ako nang mawala ang gawa niya. "Uy, ba't nawala? Kumukuha pa naman ako ng idea para sa paper ko?"

Hindi siya kumibo pero kitang kumislap ang gilid ng mga mata niya. "Ba't naman umiiyak, nanghihingi lang ako ng idea, 'di ko naman kinokopya."

"N-nabura."

Buti na lang nandito ako. Simple lang naman 'yan.

Nginitian ko siya para sabihing okay lang 'yan. "CTRL + Z to undo the previous activity."

Napanganga naman siya na para bang magic ang nakita niya. "Oo nga pala. Sorry nakalimutan ko. Thank you, Nwebe."

Tumalon pa siya mula sa pagkakaupo saka ako niyakap sa leeg.

Matapos niyang ipa-print ang output niya, tinulungan niya naman akong tapusin ang papel ko. Nahihiya man pero nabasa niya ang mga nakasulat doon patungkol sa kanya at para hindi halata, binanggit ko na rin sina Willow at ang ibang barkada sa repleksyon ko.

"Salamat, Elle."

Ngumiti siya. "Thank you rin."

Ang gaan sa pakiramdam ng hapong iyon. Iyon lang ata ang hapon na hindi kami nagsungit sa isa't-isa. Mapayapa ang pakiramdam ko pero dahil isinama ko si Willow sa repleksyon ko, 'di ko mawari kung bakit noong araw ding iyon, parang gusto ko siyang makausap at mapasalamatan sa mga pag-uusap namin na siyang yumayakap sa akin kapag wala akong ibang mapagsabihan ng problema ko, lalong lalo na sa problema ko kay Dad.

WILLOW FUENTES

JANUARY 18, 2018

THU AT 7:21 PM

Naihne

Hello
sent

Kumusta? sent

Wala akong ibang masabi. Hindi rin siya online.

Hinayaan kong nakalapag ang selpon sa kama ng ilang minuto dahil kukuha lang sana ako ng tubig sa kusina.

Pagbalik ko may notification na bumungad sa akin.

"Elle Hernandez sent you a friend request."

Kinansel ko para asarin siya saka siya chinat.

"Matulog ka na, may exam pa bukas," chat ko sa kanya.

Nag-send lang siya ng good night sticker na ibinalik ko naman.

Ang bilis kausap.

***

ISANG hapon, 'di pa man din nag uumpisa ang klase nang pauwiin kaming lahat sa kanya-kanyang bahay dahil pumutok daw ng abo ang Bulkang Mayon.

Agad ko siyang hinanap para sana bigyan ng panyo pantakip sa ilong nang abutan niya ako sa mukha ng facemask.

"Saan galing 'to?"

"Sa akin. Isuot mo na 'yan," saad niya habang isinusuot din ang mask niya.

"Uwi na tayo?"

Umiling siya na ikinataka ko naman. "Bakit?"

"May pupuntahan lang ako saglit."

"Sama ako." Nagpumilit akong sumama sa kung saan siya pupunta.

Hindi na siya umimik pa at pinanuod akong pinipilit siya.

Natahimik na rin ako. Nagpakiramdaman kami. Nagkatinginan mata sa mata at... sabay na tumawa.

"Hindi pwede," suway niya.

Magtatanong pa sana ako kung bakit nang takbuhan niya ako.

"Bibisita na lang ako sa susunod na araw. Ingat ka!" sigaw niya at kumaway pa.

Gusto kong sumama.

Sa kadesperadohan ko, palihim ko siyang sinundan. Hindi lang naman ako titigil sa pag-aalala gayon pang hindi ako sanay na hindi kami sabay uuwi ngayon. Siya ang kasama ko halos sa araw-araw at paniguradong kukumustahin lang din siya ni Mom sa akin. Ayaw kong magsinungaling na inihatid ko na siya habang ako mamamatay na sa kakaalala.

Nakita ko siyang pumasok sa isang convenience store 'di kalayuan sa campus namin. Ilang minuto pa ay lumabas din siya habang inuubos ang strawberry ice cream.

Kung sinama niya lang ako, nilibre ko na lang sana siya.

Mukhang malakas ang pakiramdam niya dahil bigla siyang tumingin sa direksyon ko. Buti na lang agad akong napapayuko sa halamang gumamela.

Sumilip ako sa kaunting awang at nakita siyang nagtitipa sa selpon niya. Ilang segundo pa'y may isang 'di kalakihang kotse ang huminto sa harap niya.

Siya ang bumukas ng pinto sa passenger seat at nagmadaling sumakay. Mabilis na umalis ang kotse at wala na akong nagawa kundi tanawin na lamang ito.

Saan siya pupunta?

Ctrl + Z [On-Going]Where stories live. Discover now