Cliché as it may sound, friendship that grows into romantic love is one of the most beautiful things that could happen in our lives. But how sure are we when we know that tomorrow holds a series of unknown fates?
The story of Ctrl + Z centers on two...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Mag-iisang buwan na ang nakalipas nang mawindang ako sa totoong katauhan ni Elle. Palaisipan pa rin sa akin ang pagtulong niya kay Humi at kung saan niya naman nakuha ang ganoong kalaking pera para itulong sa hospital bills at iba pang gastusin sa gamutan ng ama ni Humi.
Mayaman ba siya? Hindi ko alam kaya sinubukan kong alamin. Tinanong ko siya ng diretsa pero hindi ko mawari kung bakit parang nagalit siyang hindi ko maipaliwanag.
Nang tanungin ko siya kung bakit siya tumulong at saan niya nakuha ang perang pantulong, sagot niya, "hindi mo naman maiintidihan kung sasabihin ko. May mga bagay na hindi dapat tinatanong."
Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali. Hindi ko inaasahang magagalit siya sa pagiging curious ko.
Alam kong doble kayod ang magulang niya para sa pampaayos ng bahay at para sa pag aaral niya kaya 'di naman pwedeng galing iyon sa ipon ng parents niya. Possible siguro kung humingi siya ng tulong kay Willow dahil mayaman talaga 'yon, pero 'di eh. Malabo rin kasi ang alanganin, at kung si Willow man ang tumulong, dapat cr-in-edit niya na 'yon kay Willow panigurado.
Hindi ko alam kung bakit ilang araw iyon bumagabag sa akin. Siguro'y napaka-chismoso ko lang talaga. Wala naman dapat iyon sa akin dahil 'di naman ako apektado.
Sa paglipas ng araw at buwan, parang unti-unti na rin akong naguguluhan sa nararamdaman ko. Napapaisip ako kung paano ko ginugusto ang taong hindi ko naman talaga lubusang kilala.
Ilang araw niya akong hindi pinansin. Hindi ko na rin muna kinulit. Nag-isip-isip din muna ako.
Palagi silang magkasama ni Humi ngunit 'di nagtagal, nag-drop out pa rin si Humi dahil kailangan niyang bantayan at alagaan ang kanyang ama, iyon ay ang narinig ko lamang sa iba naming kaklase.
Lumipas ang ilang araw at bumalik sa dati ang turing niya sa akin. Hindi ko na binanggit pa ang tungkol sa pagtulong niya kay Humi. Ayaw ko na ring isipin pa.
Gusto ko lang maging malinaw ang lahat pero baka nga may bagay talaga na 'di naman natin kailangan pang malaman dahil labas naman tayo doon at hindi naman tayo direktang apektado.
NAPATINGIN ako sa kaniya habang nagbubura siya ng mga nakasulat sa pisara. Sila kasi ang cleaners ngayon. Dating Elle, maganda, mahinhin, at palaging nakangiti. Gusto ko pa rin siya. Sana'y huwag na siyang magalit.
Sa kailaliman ng pagmumuni-muni ko, sandaling nag-vibrate ang selpon ko dahil sa isang mensahe.