CHAPTER 26: To Cross The Line

32 4 3
                                        


People become friends when they can comfortably relate to each other

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.

People become friends when they can comfortably relate to each other. It is offering mutual help solely out of compassion, a selfless purpose – ito 'yong sinabi ni Willow na nakapagbukas ng isipan ko sa 'friendship' na tinatawag niya. Tama. May punto siya. 'Yon nga lang, bihira na lang kami mag-usap dahil may inaasikaso raw siya.

Alam kong mabuting tao si Willow. Ngayon napagtanto ko na kung bakit matalik siyang kaibigan ni Elle.

ARAW ng linggo, nasa isang pasyalan kami, malapit sa lawa. Nag-aya kasi si Mom, gusto niya raw kami ipasyal ni Nat lalo pa't bukas ay simula na naman ng pasukan. Kung nandito lang sana si Elle, malamang matutuwa 'yon sa lugar na 'to.

Ayon, masaya naman. Nakapag-picnic kami at nakapag-relax din. Nagawa ko pang umarkela ng bisekletang may tatlong gulong tapos sina Mom at Nat naman ang mga sakay ko sa side-car.

Papauwi na kami nang biglang makuha ang atensyon ko ng babaeng nakabestidang puti, nakaupo siya sa telang nakalatag sa damuhan. May kalong siyang gitara at tumutugtog siya ng isang pamilyar na musika.

Ayaw kong kwestyunin ang sinabi ni Willow sa akin na sa bukid daw si Elle namalagi nang bakasyon, pero sa puntong ito duda ako dahil imbes na umitim, bakit pumuti siya? Wala bang araw sa bukid nila?

Gayunpaman, pinilit kong intindihin kung ano ang nasa kasalukuyan at panoorin na lamang siya 'tulad ng mga batang ngayon ay nakapalibot sa kaniya, nakikinig at nakikikanta sa kaniyang pagtugtog.

"Anak, si Elle 'yan 'di ba? Dali, tawa-" naputol ang pagtutulak sa akin ni Mom nang makita namin ang paglapit ng lalaki kay Elle – si Hans. Hawak nito ang dalawang bote ng mineral water at ang isa'y inabot niya kay Elle.

Mukhang nagkaayos na ulit sila.

Napayuko na lamang ako. "Uwi na tayo, Mom."

Sinubukan kong deadmahin 'yong nararamdaman kong kirot sa dibdib pero 'di ko naman maitatanggi na masakit talaga kasi ... ako dapat 'yon eh. Ako na lang sana 'yon.

DUMATING ang umaga. Unang araw ng pasukan ngayong ikatlong taon ko na sa highschool. Hindi ko na hiniling na maging kaklase siya, hindi na rin ako umasa na makakasama ko pa siya araw-araw. Pero bakit gano'n? Masaya akong pareho kami kabilang sa 9 – Happiness na seksyon.

"Good morning students! Is everyone happy?"

"Yes!" sabay-sabay nilang sagot na umalingawngaw sa apat na sulok ng classroom.

Napaayos ng upo si Ma'am at saka ngumiti. "Very good! Ako nga pala ang inyong tagapayo sa taong ito. Ang pangalan ko ay Callista Villanueva, pwede niyo akong tawaging Miss Cali. I believe students learn and become productive when they're exposed to a healthy environment. Dahil diyan, gusto kong malaman niyo na sa klasrum na ito, ayaw ko ng marumi, maingay, o magulo."

Napaayos na rin ng upo ang lahat dahil sa biglaang strikto ng boses ni Miss Cali. Kahit ako'y mas naging atentibo dahil sa paglaki ng boses niya.

"But above all, I only wish everyone happiness. Gusto kong matuto kayo at magkaroon ng bright future. We will work together to make your dream a reality! Is everybody with me?"

Ctrl + Z [On-Going]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ