CHAPTER 8: Stumble

16 5 0
                                        



'Yong hindi ka naman singer pero kinukumbinse ka ng dila mong kumanta

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

'Yong hindi ka naman singer pero kinukumbinse ka ng dila mong kumanta. Nakakahiya kay Mom kaya nagpatugtog na lang ako.

Gabi na at katatapos lang namin kumain ng hapunan. Iniwan ko ang mp3 player sa ibabaw ng mesa dahil maghuhugas muna ako ng mga plato. Katabi ko ngayon si Mom dahil tutulungan daw niya ako sa paglipit.

"Get butterflies when I look into your eyes," pagsabay ko kanta. Marahas kong itinikom ang aking bibig dahil sa labing gustong kumurba pa-itaas.

Malambing na kinurot ni Mom ang tagiliran ko. "Hala, hala, hala! Anong nangyayari sa kuya namin at nagpipigil ng ngiti?" usisa niya habang nagpupunas ng platong binanlawan ko.

"May babae sa school-"

"Crush mo?" Makahulugan akong tinitigan ni Mom na siyang ikinailang ko.

Tumungo ang ulo ko sabay tango. "Kaunti lang."

Ngingiti-ngiti siya habang ikinikwenento ko kung gaano ako nagandahan nang sabihin ni Elle ang sariling pangalan noong nagpapakilala siya sa klase. 'Yong ngiti na palagi niyang suot tapos 'yong tawa na labas pati ang dalawang ngipin sa unahan na may maliit na espasyo sa gitna.

Muli akong kinurot ni Mom. "Ano pa, edi gawin mong ka-close agad!"

"Iba ang gusto."

Naalala ko na naman 'yong snack na ibinigay ko sa kaniya tapos ibinigay niya rin sa iba.

"Ayan kasi, ang tagal momg umamin sa sarili mo tuloy naunahan ka na ata."

Nilingon ko si Angel na nakaupo sa dining chair namin. "Subukan mong ipagsabi, kakalimutan ko talagang pinsan kita."

"Tutuloy na ako, bye Insan! Bukas na lang," sigaw niya habang kumakaripas ng takbo papalabas ng bahay.

KINAUMAGAHAN, hindi ko na hinintay pa si Angel. Nauna na ako sa school para maagang ma-check ang pagdating ng mga kaklase kong present.

Mabilis kong ibinaba ang bag sa assigned seat bago naupo sa upuan ng teacher sa harap. Isa-isa kong inilista ang mga pangalan ng kaklaseng pinagtitipunan ang isang gitarang natural na kakulay ng kahoy.

Ting ting ting ting tenenew

Ting ting ting ting tenenew

Ting ting ting ting ting ting

ting ting ting

Sa ikalawang paglibot ng mata ko'y isang dustpan naman ang pinagkakaguluhan ng mga kaklase kong lalaki. Ginagawa nila iyong camerang may monopad at nagkukunwaring nag-g-groupie. Samantala napansin ko siyang nakahalukipkip sa harap ng mga lalaki. Hawak niya ang walis tambo at halatang naiinis na sa mga 'to dahil mukhang kailangan niya ang dustpan.

Ctrl + Z [On-Going]Where stories live. Discover now