CHAPTER 14: Tinikling

20 4 0
                                        


"Elle, bibili raw si Ace ng mani mo," bulong ni Sage sa katabi pero narinig ko pa rin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Elle, bibili raw si Ace ng mani mo," bulong ni Sage sa katabi pero narinig ko pa rin.

Ngumiti si Elle 'saka patagong nagbutbot sa sariling bag.

Simula nang magpatuloy ang klase matapos ang pasko't bagong taon, nagmistulang maliit na canteen ang nasa unahang parte ng klasrum dahil sa kaniya. Ang dami niyang nabebenta araw-araw dahil bukod sa mani, may tinda rin siyang green peas at iba't-ibang klase ng candy.

"Andiyan na si Ma'am!" anunsyo ni Angel sa klase. "Elle, mamaya na man magbenta, ha?" palaging bilin ng pinsan ko sa kaniya sa malumanay na tono.

Oras ng recess at dinumog na naman siya ng klase. Araw-araw ko na lang nasasaksihan ang tagpong ito, medyo hindi na ako natutuwa.

"Tabi, dadaan 'yong future boyfriend!" kantyaw ng iba naming kaklase nang pumasok sa pintuan 'yong Hans.

Parang lasing na naglakad palapit 'yong Hans sa kaniya. Kinindatan niya si Elle.

Gago. Nakakasuka.

"Pasama naman ako Insan, bibili ako ng banana cue." Hinatak ako ni Angel palabas ng klasrum. Nagpahatak na lang din ako dahil hindi ko maatim ang nangyayari ngayon sa loob.

"May tour daw tayo sa February. Magpaalam ka na kay Auntie habang maaga pa," bulong ni Angel habang papalapit kami sa tindera ng banana cue. "Narinig ko kanina sina Miss Myra tapos 'yong ibang teacher, imbes na Valentine's Ball, Educational Tour na lang daw."

Pinabayaan ko na lang na dumaldal si Angel hanggang sa makabalik kami ng klasrum. Panay pa rin ang pagbenta ni Elle dahil pabalik-balik ang mga kaklase namin na bumibili. Natapos ang recess, 'saka pa lamang kumalma ang buong klase, siguro'y dahil ubos na ang tinda niya.

"Naihne, gusto mo?" Lumingon siya sa akin para ibandera ang nakarepak na mani na ang alam ko ay nagkakahalagang limang piso.

"Ayaw."

"Kunwari pa. Tinira ko 'yan para sayo kaya kunin mo na."

Ibubuka ko na sana ang bibig ko para tumanggi nang bigla na lamang akong madala ng ngiti niya. 

"Elle," tawag ng lalaki na may bitbit na gitara sa kanang kamay at monoblock na upuan naman sa kabilang kamay. Papalapit siya sa gawi namin.

Isa pa 'to.

"Ano 'yon Ace? Mani ba? Sorry, ubos na eh."

Tumawa 'yong Ace. "Hindi mani pakay ko. Kanta ka."

Halatang loading pa si Elle dahil hindi siya agad tumugon.

Ipinuwesto ng lalaki ang upuan sa harap ni Elle. Naupo ito dito 'saka nagsimulang tumugtog gamit ang gitara.

"Tapos na recess baka mapagalitan tayo ng susunod na teacher?" pag-aalangan ni Elle.

Ctrl + Z [On-Going]Where stories live. Discover now