Cliché as it may sound, friendship that grows into romantic love is one of the most beautiful things that could happen in our lives. But how sure are we when we know that tomorrow holds a series of unknown fates?
The story of Ctrl + Z centers on two...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
"Men!" kulit ni Sage, katabi niya si Ariel na panay ayos ng headband niya. Nasa hallway sila at kanina pa nila ako paulit-ulit tinatawag.
Nakaka-umay na rin pakinggan kaya minabuti kong lumingon na lang.
"Usapang lalaki," hindi pasigaw, ngunit sapat na ang lakas ng boses niya para marinig ko.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pinuntahan siya. "May practice kami."
Humalukipkip si Ariel. "Feel na feel mo naman masyado ang recognition, sa SSG Oath-Taking ka lang naman."
"Huwag kang bitter," duro ni Angel kay Ariel. "Ako nga tinanggap ko na na talo ako, tanggapin mo na rin na talo ka."
Umirap si Ariel.
"Hayaan mo na 'yon, panalo ka naman sa puso ko," banat ni Angel na ikinasira ng mukha ni Ariel.
Napaatras si Ariel. "Yak! Tumigil ka nga bakla. Nakakakilabot ka!"
Tumawa lang ang pinsan ko. "Siya nga pala, ba't kayo nagtitipon-tipon dito? May ano ba?"
Pabiro siyang tinulak ni Sage sa gilid. "Usapang lalaki. Hindi ka pwede."
Dahil panghuli pa naman 'yong Oath-Taking sa program, nakumbinse nila akong sumama sa C.R. ng mga lalaki.
"Magbabakasyon na, magpatuli daw tayo kay Ma'am Berting," suhestyon ni Sage na ikinataas ng kilay ko.
"G ako! Matagal ko na rin itong pinaghandaan," sang-ayon ni Ariel.
"Mga supot," taas noo kong sabi sa dalawa.
"Tuli ka na?!" 'di makapaniwalang tanong ni Ariel sa mukha ko.
Nakangisi naman akong tumango.
"Idol na kita men! 'Di ba masakit daw 'yon? Aalisin ba lahat?" Namutla si Sage.
"Hindi. Babawasan lang ng helmet 'yong elepante mo sa baba."
"Hindi ako naniniwala. Sige nga, ikwento mo sa amin 'yong proseso," paghamon pa ni Ariel sa akin.
Bakasyon, bago ako mag-grade 6, pinilit ako ni Mom na magpatuli sa elementary school na pinapasukan ko. Libre daw kasi at ligtas naman dahil nars ang mag-tu-tuli. Pumayag ako pero may kondisyon, pinilit ko rin si Mom na samahan ako.
Pagdating namin sa school, may pila kaming naabutan. Hindi ako nahiya kahit ako lang ang may kasamang nanay, kahit pa tinutukso nila akong mama's boy at duwag daw. Inggit lang 'yong mga 'yon, siguro wala silang nanay na gustong sumama sa kanila.
Nang ako na ang tutuliin, tinawag ako ng nars tapos pinahiga niya ako sa plywood na kama na hindi gaano kalapad, sakto lang. Pinahubad niya sa akin 'yong short ko tapos ipinantakip ko iyon sa mata ko. Hindi naman sa natatakot ako, sinunod ko lang 'yong instruksyon ng nars na huwag ko raw panoorin 'yong pagtuli sa akin.