CHAPTER 4: Lie to Me

22 5 0
                                        

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Sali ka sa amin, may laro kami!"

Napakurap ako ng isang beses.

Pake ko.

"Ganito, second day of school na pero parang 'di pa kasi natin kilala ang isa't-isa. So, naga-decide akong magalaro tayo na ang objective ay para makilala natin ang isa't-isa. Alam niyo 'yong larong lie to me?"

Ang haba ng paliwanag ni Sage. Basta ang naintindihan ko – kailangan lang daw magbigay ng tatlong statement patungkol sa sarili. Dalawang statement na totoo tapos isang statement na kasinungalingan. Kailangang mahulaan ng mga players 'yong isang kasinungalingan tapos 'pag tama 'yong hula, may libreng portrait photo galing kay Naihne. Sandali...   

"Ano?"

Ang mahal pa naman ng film.

"Eh, sige na Naihne, ngayon lang naman eh. Tapos 'di rin naman natin siguradong lahat kami pi-picture-ran mo kasi kung mahuhulaan lang ng tama, 'di ba?" pagkumbinse sa akin nito.

Walang buhay na tumango ako. "Basta isang beses lang pwedeng manghula, kapag 'di nakuha, lipat na agad sa susunod na magpapahula."

"Deal! Simulan ko na sa akin. Ako si Sage Nixon. First, gusto ko ng mga flowers kasi may flower shop kami. Second, my favorite color is brown kasi na-k-kyutan ako sa kulay ng mga tangkay. Third, nawawala ngayon ang ballpen ko, umamin na kung sino kumuha!"

Humagalpak sina Angel. Si Elle, pinaghahampas pa ang upuan katatawa.

"Sinong gusto humula ng lie?"

Itinaas ko agad ang kamay. "'Yong ikalawa mong sinabi."

"Tama!"

Napasuntok ako sa hangin. Ayos! Hindi mababawasan ang film ko.

"So, totoong nawawala nga 'yong ballpen mo?"

Ngumuso si Sage at tipid na tumango.

Kalalaking tao, ngumunguso.

"Ang cute mo mag-pout hahahah!" papuri ni Elle dito.

"Sige. Ako naman! Ako si Angel Ramos. Una, Escort talaga ang gusto kong position. Pangalawa, gusto ko ng Science subject. At huli, kilala ko kung sino ang crush ni Insan."

"Ako! 'Yong pangalawa mong sinabi ang lie?" hula ng lalaking may headband na katabi lang naman ni Angel.

"Correct! Kasi ang totoo, 'yong science subject lang ang may gusto sa akin," hambog ni Angel.

Malumanay na tapik ang naramdaman ko mula sa likuran. "Pa'no ba 'yan Naihne, picture-ran mo ako mamaya ha?"

Tumango na lang ako.

"I m-mean, do you really know Naihne's crush? Who?" tanong ng babaeng naka-ponytail.

Matalim kong tinitigan si Angel.

Ctrl + Z [On-Going]Where stories live. Discover now