Cliché as it may sound, friendship that grows into romantic love is one of the most beautiful things that could happen in our lives. But how sure are we when we know that tomorrow holds a series of unknown fates?
The story of Ctrl + Z centers on two...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Hoy,
Nang malaman ko ang pangalan mo, alam ko sa sariling tinamaan na ako. Hindi mo lang alam kung gaano mo niyayanig ang sistema ko, tuwing tatawagin mo ako sa pangalan na kinalakihan ko at sa alyas na ibininyag mo sa akin. Hindi lang halata pero kinakabahan talaga ako sa tuwing dadaan ako sa harap mo, sa tuwing magkasama tayo, at sa tuwing kinakausap mo ako.
Lalaki akong tunay ngunit kung ikukumpara ko ang sarili sa isang bulaklak, isa akong makahiya. Isang espesyal na makahiyang may dahong sa 'yo lamang titiklop. Hirap lang akong umamin dahil wala naman iyon sa bokabularyo ko.
Pasensya ka na pala, hindi kita nasalo nang minsang nahulog ka sa marupok na upuan na 'yon. Malayo lang talaga ang reyalidad sa mga dramang napapanood natin, at hindi ako isang prinsipeng bigla-bigla na lamang susulpot kapag nasa hindi maganda ang kalagayan ng prinsesa niya.
Sa katunayan, umasa ako. Akala mo ba hindi ko nakikita ang mga lihim mong sulyap? Nahuli rin kita sa akto nang sandaling titingnan pa lang kita, nakatingin ka na pala. Ang nakakainis lang sa'yo — ngumingiti ka, hindi ka man lang ba natataranta? Pero oo nga pala, iyan lang naman ang bumubuo ng araw ko kaya gagawin ko ang lahat para protektahan ang ngiti mo, kahit pa hindi ako ang rason, kahit pa sa iba ka masaya.
Naalala mo pa ba 'yong sandaling pigilan mo akong mahalin ka ng higit pa sa kaibigan? Pasensya ka na, nahuli ka na eh dahil noon pa man, mahal na kita.