CHAPTER 21: Promise in Silence

14 4 0
                                        


WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS TRAUMATIC SCENES

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.

WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS TRAUMATIC SCENES. READ AT YOUR OWN RISK.

Gusto ko na sanang humakbang papunta sa pintong nakasarado nang pigilan ako ni Angel kaya naman napahinto ako saglit. Ngunit nang makita kong bumababa na ang kamay ni Mr. Dela Hay, hudyat na 'yon sa akin na kailangan ko nang kumilos para pigilan ang masama niyang balak.

Buong lakas kong sinipa ang marupok na pinto. "Sige ituloy mo, i-p-post ko 'to!"

Hindi ko inaasahan ang biglang pagbwelo ni Mr. Dela Hay. Tinabig niya lang naman ng pagkalakas-lakas ang selpon ko dahilan para magkawatak-watak ang mga parte nito sa sahig.

Tinubuan ako ng kaba pero hindi ako nagpatalo. Kaligtasan ni Elle ang nakasalalay dito.

Akmang tatama na sana sa mukha ko ang kamao niya nang sumigaw si Angel, "subukan mong idapo 'yan sa mukha ng pinsan ko, hihimas ka talaga sa rehas na panot ka!"

"Araaay!" Naging mabilis ang pangyayari, bigla na lamang bumagsak sa sahig ang teacher hawak ang kaniyang ari.

"Takbo!" Hinigit ni Elle ang palapulsuhan namin ni Angel 'saka kami lumayo sa klasrum na iyon. Dumiretso kami sa guidance office – desisyon ni Elle na siyang biktima mismo.

Walang paligoy-ligoy na sinabi namin ang pangalan ng teacher na mapagsamantala at ipinakita ang video na na-record ng selpon ni Angel. Mabuti na lang din at dalawa na ang school guard, mabilisan silang umaksyon at dinampot si Dela Hay papuntang guidance office.

Mag-aalas singko na ng hapon ngunit hindi pa namin magawang umuwi. Galit na galit ang principal at pilit siyang pinapakalma ng adviser ko na si Mrs. Zamora, habang si Elle naman na nanginginig pa ay nakakulong sa bisig ng kaniyang adviser na si Mrs. Villaflor.

"Ms. President, call Elle's parents, please," utos ng Prinicipal kay Angel na agad namang kinontra ni Elle.

"Nasa Manila po ang parents ko. Paniguradong hindi rin po makakapunta ang Tita ko dahil nagbabakasyon din sila ngayon sa Sorsogon."

"Si Mom, tawagan mo," utos ko sa pinsan ko.

'Gaya ng inaasahan, nagtaka sila.

"Anak-anakan po ang turing ng Mom ko sa kaniya," sagot ko ng tanungin nila ako kung bakit iprinisenta ko si Mom.

Wala pang ilang minuto'y nakarating na agad si Mom. Balisa. Bakas na bakas ang pag-alala.

Ang araw kung kailan naganap ang harassment ay ang parehong araw ng paghaharap-harap. Agad-agad. Dapat ganito naman talaga.

"Look, Mrs. Crasco, this is only a misunderstanding. 'Yang anak mong lalaki ang dumi ng isip, kinakausap ko lang naman itong si Ms. Hernandez."

"Malinaw sa video ang bawat detalye, no one will fall on your stupid excuses, Mr. Dela Hay," tugon ni Mom na namumula na sa pagtitimpi.

Ctrl + Z [On-Going]Место, где живут истории. Откройте их для себя