CHAPTER 25: 'W' is for Willow

18 4 0
                                        


Nawala na naman siya

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

Nawala na naman siya. Sana man lamang sinabi niya kung saan siya pupunta o kailan siya babalik. Nakakapanghina kasi, 'di ko na nasisilayan 'yong ngiti niya.

Walang araw na hindi ko binisita ang bahay nila. Araw-araw akong pabalik-balik, nagbabasakaling nakauwi na siya.

Walang gabing hindi ko hinintay ang reply niya. Gabi-gabi ko rin siyang kinukumusta sa messenger pero ni-isa sa chats ko hindi niya man lang sine-seen.

Wala rin akong ideya na sa kakahintay ko sa kaniya, may muling babalik at magpaparamdam.

Dalawang notifications ang dumating nang i-o-off ko na sana ang Wi-Fi:

Willow Fuentes sent you a friend request.

Willow Fuentes wants to send you a message.


Walang rason para hindi ko i-accept ang friend request ni Willow kaya in-accept ko na.

Wala ring problema kung babasahin ko ang chat niya.


WILLOW FUENTES

APRIL 29, 2017

SAT AT 11:39 PM

Willow

kumusta na Naihne?

Naihne

ayos lang

ikaw?

Willow

omg bakit nagreply ka agad hahaha

okay lang din ako here

Naihne

bakit? dapat ba matagal bago ako magreply?

nga pala, salamat sa kamerang bigay mo nang nakaraang taon

Willow

the pleasure is mine <3

kumusta na yong barkada natin nang grade 7?

Naihne

hindi ko alam

Willow

ha? y?

SAT AT 11:40 PM

Naihne

mahabang kwento, nag-away-away kasi

Ctrl + Z [On-Going]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang