Naitikom ni Sam ang bibig niya.
"Alis na!" sigaw ni Angel dito na sinundan naman ng pagtaboy nina Sage at Ariel.
Napangiti na lang ako. Kung nandito si Willow malamang proud na proud na 'yon sa kaibigan niya. Maikwento nga mamaya sa kan'ya kung gaano katapang na hinarap ng bestfriend niya ang lalaking iyon at diretsahin sa mga salitang mahirap bitiwan nang basta basta na lang.
Kayang-kaya niya, hindi niya na kailangan pa ng taong poprotekta sa kan'ya. Pero gusto kong maramdaman na nakakatulong din ako. Gusto kong maging prinsipe niya kahit minsan.
Kaya naman paborito ko ang klase kapag CSS na. Computer System Servicing. Iyan lang kasi ang subject na humihingi siya ng tulong sa akin. Minsan niya ng inamin na hirap siya sa computer at hindi flexible ang kamay niya 'pag nagpipindot-pindot kagaya ng simple shortcuts at 'pag nag-t-troubleshoot. Gayunpaman, masaya ako dahil natandaan niya na rin ang pag-assemble at disassemble ng hardware.
Sa sobrang gaan maging kaibigan niya, natatakot akong sabihin at ligawan siya. Baka hindi niya ako gusto. Baka layuan niya na lang ako bigla, ang paulit-ulit na gumagambala sa isipan ko. Ang hirap palang matakot sa kahihinatnan at masaktan sa katotohanang baka hanggang kaibigan lang talaga kami.
Inspirasyon ko siya sa araw araw kahit pa magkaibigan lang at parang walang pagasa kung hahangarin ko pang maging higt pa roon kasi...
"Best friend... walang iba si Naihne," pagmamalaki niya sa akin sa harap ng buong klase nang patayuin siya at tanungin ng guro namin kung sino ang kanyang matalik na kaibigan.
"Hindi ah," nakayuko at nahihiya kong tugon.
Nagsi-"oh" ang klase at pati ang guro namin ay napahawak sa bibig ngunit 'di natinag at nanatili ang proud na ngiti ni Elle sa kanyang labi.
"Bakit mo nasabing matalik mong kaibigan si Naihne gayong itinatanggi ka niya?" pahabol na tanong sa kan'ya.
"Dahil pwedeng magsinungaling ang dila, ngunit hindi ang mga araw at pinagsamahan. Ang dali-daling tumanggi, but not the hands that hold me when I feel scared, not the shoulders he lends to me anytime, especially when I feel weak and need to cry. Alam mo ba, Ma'am, he's so generous na pati ang Mommy niya shini-share niya rin sa akin. And I am grateful for having him, for him being a friend and a brother to me." Nangungusap ang mata niya na para bang hindi niya kailangan pang sabihin ang mga iyon para iparating ang pasasalamat niya sa akin.
Nakonsensya tuloy ako.
"Ehem. 'Di ba sabi natin 'pag Filipino ang klase natin dapat purong Filipino rin ang gamit nating wika?" paalala ng guro namin.
"Sorry. A-ang ibig ko pong sabihin... pasensya po hehe maganda rin kasi pakinggan 'pag Ingles."
Natawa na lang ang guro. "Oh siya, siya, magkakaroon ng pagsusulit bukas NGUNIT dahil sa madamdaming partisipasyon ng section ninyo sa araw na ito, gagawin ko na lang na 100 items multiple choice ang exam."
Halos mawalan ako ng lakas ng marinig ko iyon. Naging maingay ang klase habang tumawa lamang ang guro namin.
"Hindi 'yan. Nagbibiro lang si Ma'am!" sigaw ng isa naming kaklase.
"Hoy hoy hoy at kailan ako nagbiro?" saway nito.
Natahimik ang klase sabay napaisip ako.
"100 items, multiple choice pero pwede pang makalibre sa pamamagitan ng isang sanaysay. Katumbas ng sanaysay na ipapasa bukas ang exam. Maghanap sa library o sa internet ng isang magandang qoute patungkol sa pagkakaibigan mula sa kahit sinong awtor at gumawa ng repleksyong papel tungkol dito."
"Ilang words, Ma'am?" habol na tanong ni Luke.
"Kahit ilan basta limang paragraph. Encoded. Printed. Mamayang hapon bago mag-alas singko ang pasa." Huling mga salita ni Ma'am bago umalis ng room.
YOU ARE READING
Ctrl + Z [On-Going]
Teen FictionCliché as it may sound, friendship that grows into romantic love is one of the most beautiful things that could happen in our lives. But how sure are we when we know that tomorrow holds a series of unknown fates? The story of Ctrl + Z centers on two...
CHAPTER 30: Kaibigan
Start from the beginning
![Ctrl + Z [On-Going]](https://img.wattpad.com/cover/261845437-64-k665216.jpg)